Chapter 3

17.7K 330 7
                                        

Lyndon's POV

"sige boss, tatawag na lang ulit ako." narinig ko si papa na may kausap sa phone. Tito Seth maybe?

"Sino yun pa?" tanong ko sa kanya pagtapos ng tawag niya.

"Tito Seth mo, may lakad daw kami. Dun na naman yata sa makulit na investor." kakamot kamot pa ng ulo si papa habang nagsasalita.

"Lyndon, tumawag sila Seige, kanina ka pa daw nila hinihintay sa university." sabi ni mama habang inaabot sakin ang bag at susi ng kotse ko.

"Thanks ma, alis na po ako." I kiss her cheek bago ako lumabas at nag drive papunta sa Rutherford University kung saan kami nag aaral.

"Ang tagal ah!" napangiti na lang ako nung makita ko si Lyrica na nakasambakol ang mukha.

"Sorry na nga eh." sabi ko sa kanya at hinila ang nguso niya.

"Aray! naman eh!"

Natawa na lang ako. "Nasan sila Seige?" tanong ko.

"Nasa klase na nila, maaga daw pumasok ang prof nila eh. Si Miyu ayun, mag kasama na naman sila ni Matt na abnormal" nag roll eyes pa siya. Napailing na lang ako. Ang laki ng galit niya kay Matt.

"Si Gray?"

"Haay ayun, nililigaw yung babaeng sumusunod sa kanya. Parang maliligaw niya eh may mga radar yung mga babae dito sa campus." nakangusong sagot niya.

"Dela Cruz!"

Lumingon kaming dalawa sa sumigaw. Si Shane Salvador. Ang tinutukoy niyang Dela Cruz ay si Lyrica. Lyrica Dela Cruz ang pinagamit sa kanya ni Tito Seth nung pinasok siya dito. Dela Cruz is Tita Yuri's middle name nung hindi pa sila kasal ni tito.

"Oh bakit?" bored na tanong ni Lyrica.

"Wala daw si prof kaya  pwede na tayo umuwi." nakangiting sagot niya tapos ay tinignan niya ako at namula.

Umiwas na lang ako ng tingin. Alam kong may gusto sakin si Shane pero hindi ko siya gusto. Hindi naman sa panget sya o ano, basta ayoko lang. Mas uunahin ko na gampanan ang tungkulin ko sa clan kaysa mag lovelife.

Mukhang napansin naman ni Lyrica ang pananahimik ko kaya nagsalita siya.

"Ahh, sige mauuna na kami." tapos ay hinila niya na ako paalis dun.

"Haay bat ba ako palagi ang sumasagip sa inyo ni Gray pag nilalapitan kayo ng mga babae?" natatawang wika niya. "Kasalanan to ni Tito Violet at Tito Caleb eh."

Napailing na lang ako. Kamukha ko kasi si Papa at ganun din si Gray. Yun nga lang yung mata niya nakuha niya kay Tita Lilia.

Seige's POV

 

 

Nilapitan ko sila Ate Lyrica at Kuya Lyndon na nakaupo sa bench malapit sa cafeteria.

"Ate!" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin at kinawayan ako.

"Wala ka ng klase?" tanong ni Kuya Lyndon. Lahat kasi sila mas matanda sa akin ng dalawang taon maliban kay at Miyu na 4 years ang tanda sa akin.

"Wala na kuya." nagpalinga linga ako. "Nasan sila Kuya Gray at Ate Miyu."

"Nandito."

Napalingon kaming tatlo sa likod ko.

"Bat ang tagal niyo?" iritang tanong ni ate Lyrica sa dalawa.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon