Lumipat ng upuan ang secretary ko at si Zack naman ang tumabi sa akin. Si Darius naman ang nasa kabila ko. Tinanggal niya yung hard hat niya at kinuha yung blue print ng cruise. Tinanggal din namin ang mga suot naming hard hat. Pinakita sa'min ni Darius yubg blue print ng barko at sinabi ang mga plano niya.

"So, here's the blueprint of the cruise ship. As you can see, Ms. Aisha. Mabilis ang paggawa at siguro by next month tapos na 'to" sabi ni Darius.

Magsasalita sana ako ng biglang magsalita si Zack.

"Matibay ba ang pagkakagawa niyo? Baka sa sobrang bilis ay mapapahamak lang ang mga pasaherong sasakay dyan" pagpunani Zack. Dapat hindi ko na lang sinama 'to masyadong paepal na naman 'di na naman mapreno bibig. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray! Ba't ka nangungurot?" inis niyang sabi, tinitigan ko lang siya ng masama.

"Mr. Martinez, I will assure you that even though we working fast it doesn't mean that we will not thinking the durability of the ship. Kaya wala dapat kayong ipag-alala" pagpapaliwanag ni Darius. Tumango-tango ako "Nakaisip na ba kayo kung ano ipapangalan sa cruise?" tanong niya.

"Airius" bigla kong nasambit. Napatitig lang sa akin si Darius. Hanggang sa nagsink-in sa akin kung saan nagmula yun. Matagal ko nang nasa isip iyon few years ago pa. Gusto ko sana ipangalan yan sa, napailing na lang ako at tumingin sa kanya.

"Airius of the sea iyon ang pangalan ng barkong iyan" sabi ko. Ang secretary ko naman ay isinulat akagad ito sa dala niyang notebook.

"Nice name" he smirked "Sige babalik na ako doon" sabi niya at naglakad na siya papunta sa working area.

"Really, Aisha 'yun talaga?" Zack asked medyo natatawa pa. Parang kagabi lang ah iba mood niya.

"Anong problema pangalan lang naman ng cruise yon ah. Tsaka cruise ko naman yun e bakit ba?" I pouted.

"Pinagsamang pangalang niyo ni Darius? Hindi naman masyadong halata, sa sobrang hirap hulaan napaalis mo nga siya oh siguro iniisip niya kung saan galing" pang aasar niya pa at napahawak pa sa noo niya na para bang nag- iisip.

"Alam mo imbes na mang-asar ka umorder ka ng pagkain para sa mga workers sipain kita dyan e" sabi ko at tumayo. Nakita ko yung hard hat ni Darius nasa mesa. Hindi niya nasuot, kinuha ko iyon. Sinuot ko muna yung hard hat ko bago sundan si Darius.

"Kuya, nakita niyo ba si Mr. Shan?" tanong ko sa isang worker

"Andoon po sa working area tumutulong po magbuhat ng mga bakal" turo niya sa akin.

Pumunta ako doon at nakita ko siyang nagbubuhat ng bakal na walang hard hat. Pagkatapos niya malipat ang ibang bakal ay bigla itong naghubad. Napalunok ako may tinapay na naman. Umiling ako at lumapit sa kanya

"Mr. Shan, nagtatrabaho ka wala kang helmet?" sabi ko at sabay abot ng hard hat sa kanya.

"Salamat bumalik ka na roon at baka mabagsakan ka pa ng mga bakal dito" sabi niya at dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko sinunod sinabi niya tiningnan ko lang siya tumulong sa mga trabahador niya. Nakatayo lang ako doon at nanonood. Napalingon siya sa akin.

"Hindi ba't sinab--" napatigil siyang magsalita at kasabay ng pagtigil ng kanyang pagsasalita ay ang pagkahulog sa akin ng mga bakal.

"Aaaaaaah! Ang sakit" daing ko dahil sa pagkakahulog sa akin ng mga bakal at tumama ito sa likod. Sana wala akong bali sa likod kakatayin ko 'tong bakal na 'to.

"Hala si Ms. Collins!"

"Si Miss Aisha!"

"Putangina! Ano ba kasing sabi ko sayo bumalik ka na roon, pero hindi mo ako sinunod!" sigaw ni Darius "Mag ingat naman kayo!" sigaw niya sa mga trabahador. Tinulungan niya itong tanggalin ang nakadagan sa'king bakal at tinulungan akong tumayo.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now