Joke tawanan ko sarili ko, baka malugi.

Ngumiti lang ako sa kanila "Ano ka ba, Tita? Wala lang 'yun 'no. Kayo po ang naging kasama ko noon nung nawala sila mommy" sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Alam kong ayaw na niyang magbigay ng komento doon sa sinabi ko, dahil baka atakihin ako ng anxiety ko.

Nagpaalam na rin sila at ako naman ay bumalik na sa loob ng opisina. Kakaupo ko lang nang may pumasok na. Si Lia.

"Oh problema mo? Walang katok-katok pasok agad?" sabi ko habang nakatingin sa laptop ko.

"Bakit angal?" sabi niya. Napailing na lang ako at tumawa.

"So, ano nga kailangan mo?" tanong ko

"Papaalam sana ako sayo" sabi niya

"Bakit?" kumunot ang noo ko

"Magbabakasyon sana kami ni Kevin" ang laki ng ngiti niya. Mukhang hindi ko siya matatanggihan sa ganda ng ngiti niya.

"Paano kung ayaw ko?" pang-aasar ko. She pouted, tinawanan ko lang siya.

"Aisha naman e. Minsan lang naman" sabi niya. Natatawa tuloy ako.

"Joke lang 'to naman" sabi ko pinatay ko yung laptop ko "Sige na kahit isang taon ka pa mawala" biro ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Baka gusto mong mawala forever. Inaalala lang kita wala kang kasama sa condo. Saka 'yung promoting ng cruise ship mo, ako dapat ang model non. Kaso nga lang aalis ako, baka pwedeng ikaw na ang pumalit sa 'kin?"

Ako? Papalit sa kanya wala akong alam sa pagmomodel.

"Ako? Pwede namang kumuha na lang ng model for that thing" sabi ko

"Pero gusto ng board ang mismong employee ng company ang magmodel. Saka mas maganda nang ikaw, you can represent your company. CEO ka tas ikaw pa ang face of the cruise ship. Iba rin" suhestiyon niya. May kasama pang hand gestures. Nagkibit balikat ako, sabagay maganda rin.

"Oo na. Kailan alis niyo?" tanong ko

"Bukas, okay lang sayo mag-isa o gusto mo doon ka muna samin?" sabi niya

"Naku huwag na. Feel ko sa bahay na lang ulit ako" pangalawang beses na pupunta ako doon bukas.

"Huh? Doon e mas malaki bahay niyo, kesa naman sa condo natin. Saka wala kang kasama sino kasama mo doon, multo?" sabi niya. Nag aalala na naman siya.

"Paranoid ka 'no? Kaya ko sarili ko miss ko na ulit doon, baka nga maisipang kong doon na lang tumira. Sayang naman kasi ilang taon ko ring hindi pinuntahan iyon. 'Wag kang mag alala hindi na ako aatakihin ng anxiety ko. Promise" sabi ko pa na nakataas ang kanang kamay.

"Oh sige. Tawagan mo na lang kaya si Ate Minda para may kasama ka" hindi pa rin siya natigil sa pag aalala sa 'kin

"Ayos nga lang ako mag-isa" pagpupumilit ko

"Okay, I give up basta call me if your anxiety attacks you again" sabi niya. Tumango ako sa kanya and give her an assuring smile.

"Yes, I will. Thank you, Lia enjoy your vacation with Kevin" sabi ko

"Okay, aalis na ako ah" she said and kiss my cheeks. She waved her hands and close the door.

Natutuwa ako dahil hanggang ngayon ay sila pa rin ni Kevin. Dating crush niya lang ngayon ay sila na at umabot pa ng taon. I wish sila pa rin hanggang dulo.

Nagtrabaho lang ako buong maghapon. Bandang 6 o'clock ay nagligpit na ako ng gamit ko. Ako na lang ang nasa opisina ngayon, dahil kanina pang 5 ang tapos ng office hours. Nag ayos na rin ako ng itsura ko. May meeting kami ngayon ni Zack para sa mga new crew recruitment. Lumabas na ako ng opisina ko.

SAIL WITH ME (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon