Chapter 36

889 34 16
                                    

Geyle's POV

"I don't love you Geyle. Mahal na mahal ko si Chesca. I'm so sorry but I belong to Chesca" yan ang sabi sa recordings. Unti unti ng pumapatak ang mga luha ko at tinignan sya ng masama.

"Ano yan?" mahinahon kong tanong.

"What? Are you stu--" di ko mapigilang sampalin sya.

"FUCK! ANONG GINAGAWA MO HA?!" binigyan ko pa ulit sya ng sampal.

"Ouch!" reklamo nya. Di ko mapigilang sugurin sya. Pinagsasabunot ko sya at pinaghahampas. Lumaban naman sya. Natumba sya sa lupa at ako naman ay pumatong sa kanya at nagpatuloy sa pagapapapanget sa kanya.

"AHHHHH!!!!" maarteng sabi nya.

"Ano ha? Malandi ka diba?! Ano masarap ba ha? MASARAP BA TONG MGA HAMPAS KO?!" gigil kong sigaw.

"MA'AM!"

"IHA!"

"WHAT---- THE HELL?!" maarteng sabi nya habang pinaghahampas ko ang mukha nya.

"Ma'am tama na po!" sigaw ni Kuya Jun at hinila ako palayo sa babeng malanding toh.

"Akala ko dati isa kang mahinhin. Di ko alam na sobrang kati mo pala at pati may girlfriend na sinusulot mo pa!" sigaw ko at susugurin ulit sya kaso pinigilang ulit ako nila manang.

"Iha tama na" mahinahong sabi ni manang.

"YOU FREAK! HINDI KA MAHAL NI WANE DAHIL PINAGLALARUAN KA LAN---" di ko na pinatuloy ang sasabihin nya ng ibato ko sa kanya ang tsinelas na suot ko.

"OUCH!" sigaw nya.

"KAHIT ANONG GAWIN MO, MAHAL PARIN AKO NI WANE. AKO LANG AT HINDI IKAW!!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang ngumisi sya.

"We'll see" huling salita nya bago umalis. Hahabulin ko sana sya kaso pinigilan nanaman ako nila kuya.

"Iha huminahon ka muna. Ano ba ang nangyari?" napaiyak ako sa nalaman ko. Napaupo ako sa lupa dahil nanghihina ako. Wala nakong lakas para tumayo. Naubos lahat ng lakas ko nang kalabanin ko sa Chesca. Nanghihina na rin ang puso ko. Kumikirot. Pinipiga. Hindi ko alam kung totoo ba yon pero ang sakit lang isipin na totoo yon. Gusto kong tanungin si Wane pero feeling ko di ko pa kaya itanong. Gusto ko syang pagkatiwalaan. Pero yung halikan nila sa picture at yung voice record, parang... parang...

"Kung tungkol sainyo ni Wane yan, kausapin mo muna" sabi ni manang at binigay yung phone ko. Tatawagan ko ba?

"Bago yan pumasok ka muna sa loob" sabi ni manang at inalalayan ako papasok ng bahay. Nanginginig ako habang tinatype ang name ni Wane. Nang sagutin na ni Wane ang tawag, bigla akong kinabahan.

[Hello wife?] lalo akong naiyak ng marinig ko ang boses nya. Nanlalanbot ako.

"U-uhm Wane?" nanginginig kong tanong.

[What happened? Gusto mo pumun--] di ko na sya pinatapos.

"Ohh no no its okay I'm fine" paninigurado ko. Pero ang totoo ay tuloy tuloy pumapatak ang luha ko.

"Iha" bulong ni manang at binigyan ako ng baso ng tubig. Uminom naman ako ng marami. Naubos ko nga eh. Bago nagsalita.

"Wane, saan ka pumunta netong mga nakaraang araw?" tanong ko sa kanya.

[That's a secret my love] sabi nya pagkatapos tumawa. Napangiti naman ako... ng mapait dahil di ko alam kung kikiligin ako o kakabahan.

"Eh nag usap ba kayo ni Chesca?" tanong ko sa kanya. Sandaling tumahimik ang kabilang linya.

[Uhmm yes but it's nothing] sagot naman nya. May tinatago ba sya sakin? totoo ba yung pinakita ni Chesca?

Maraming gumugulo sa isip ko pero naisip ko nalang na pagkatiwalaan sya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now