CHAPTER 13

3.2K 88 1
                                    

Abi's POV

Hey guys POV ko nanaman. Hay ang hirap ng buhay. Buti pa si Geyle bumubongga lovelife.

"Dali ang tagal mo namang mag kwento" sabi ni Geyle. Inip na inip.

"Pero bago yun, ilock nyo muna yung mga pintuan" nakangiting sabi ni Kathleen. Napailing nalang ako habang nilolock yung pinto.

"Ganito kasi yun" panimula ko. Kinuha ko yung kwintas sa loob ng bag ko. Nakatingin lang ako dun at alam kong nakatingin din sila aa kwintas.

• Flashback •

10 years ago

"Happy birthday Abi!!" Masiglang sabi ng kapitbahay namin na si Karla.

"Thank you Karla" masiglang sabi ko.

Super excited ko kasi 8th birthday ko ngayon at marami na naman akong gifts na matatanggap. Isa pa, makakasama ko ang mga relatives namin. Marami nyan akong kalaro.

Ilang oras na ang nakalipas nang magsimula ang birthday party ko. Nabored ako kasi ayaw makipaglaro ng mga pinsan ko. Mas gusto pa nila kalaro yung clown. Tapos may kulang pa kasi kulang ng mga decorations at iba pa. Napasimangot ako habang papuntang garden. Wala kasing tao dito. Nandun sa loob yung mga pinsan ko at iba pang bata habang nasa sala sila mama.

"Hay ang boring naman ng birthday ko" inip kong sabi habang sinisipa yung mga bato. Nakagown ako at sandals. Yamot na yamot ako. Sa sobrang gigil ko sa bato ay nasipa ko ng malakas. Di ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng garden kaya yung bato tumama sa pader at nag bounce papuntang noo ko.

"Ouch!!" Sabi ko habang hawak hawak ang noo ko. Napaupo ako at dun umiyak.

"Bwiset ang boring na nga ng birthday ko, nasugatan pa ko huhuhu" gigil kong sigaw. Wala namang makakarinig eh. Umiyak lang ako ng umiyak nang may panyo na naglahad saakin. Tinignan ko kung sino yun. Di ko sya kilala. Kinuha ko nalang yung panyo at pinunas sa mukha ko.

"Sino ka?" Taray kong tanong.

"Wow salamat ah" sabi nya. Inirapan ko nalang sya.

"Ayusin mo magpunas may sipon ka pa oh ew" maarteng sabi nya. Sinuntok ko sya sa binti. Nakaupo ako eh samantalang sya nakatayo. Narinig ko syang tumawa.

"Bakit ka tumatawa jan??" Inis kong tanong. Umupo sya sa tabi ko.

"Ang sungit mo naman" sabi nya.

"Tsk. Sino ka ba??" Tanong ko pero medyo mahinahon na.

"I'm David Ibhos. Magkaibigan ang mommy mo at mommy ko" paliwanag nya.

"Eh bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Sinundan kita. Ang lungkot mo kasi" sabi nya. Mas lalo tuloy akong nalungkot kasi pinaalala nya pa.

"Bakit ka pala malungkot??" Tanong nya.

"At bakit ko sasabihin?" Tanong ko pabalik.

"Kasi sinagot ko mga tanong mo" sabi nya.

"Inuulit ko. Bakit ka pala malungkot?" -David

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now