CHAPTER 17

2.5K 71 0
                                    

Geyle's POV

"Ahhh.. ehh kasii.." di nya masabi ang sinasabi nya.

"Kasi???" Nagtataka kong tanong.

"Ayaw ko kasing pag usapan yan. Di pa kasi ako makapaniwalang wala na si Janela. Kaya..." mahinhing sabi nya saakin.

"Pleaseee" pagmamakaawa ko. Hindi naman sa nangengealam ako pero kasi gusto ko na talagang matapos na ang case na ito kasi natatakot na ko eh. Hello? First time ko kayang maranasan yung ganun. Yung managinip ng ganun.

"Bakit ba gusto mong malaman??" Nagtataka nyang tanong.

"Nagpakita kasi sila sa panaginip ko. Tingin ko hindi talaga aksidente ang nangyari kundi pagpatay" bulong ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

"P-pagpatay?!" Nanginginig nyang tanong at tumango naman ako.

"Kaya please ikuwento mo na" pangungulit ko sa kanya.

"Hayy sige. Gusto ko rin malaman kung sinong hayop ang pumatay sa kanila kung pinatay nga ba sila. Pero hindi ngayon. Kasi kung totoong pinatay nga sila baka nasa paligid lang sila at nakikinig" bulong nya saakin. Ngumiti nalang ako at tumango.

"Sige" masigla kong sabi.

"Teka ano palang number mo?? Para itetext nalang kita kung saang location" sabi nya saakin.

"Eto" sabi ko at pinakita ang number ko sa cellphone ko.

"Ay! Ako nga pala si Geyle Franco" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yunize. Yunize Santiago" nakangiting sabi nya. Nang matype nya na, bigla nalang lumusot sila Kathleen.

"Hoy kanina ka pa namin hinahanap. Wag kang mag feeling VIP jan noh!" Inis na sabi ni Kathleen at Abi.

"Bakit parang highblood ka??" Taka kong tanong.

"Paano kaya..." sabi nya at nginuso banda sa dagat. Nandoon si Sam na naiirita kasi biglang kumapit sa kanya yung babaeng blonde, teka parang may kamukha sya. Gusto kong matawa dahil sa pagkapossessive ni Kathleen.

"Kathleen wag ka na magselos jan kasi kahit anong gawin mo mas maganda at sexy sya sayo hahaha" natatawang sabi ko.

"Che! Anong selos? Ako? Huh NEVER" defensive na sabi nya.

"Ok ok sabi mo eh. Teka sino ba yan??" Tanong ko sa kanila.

"Yan si Gladice. Kapatid ni David" sabi ni Abi. Mhh oo nga magkamukha nga sila. Pero parang may kamukha pa yang Gladice yan. Hindi ko lang maalala kung sino.

"Hoy halika na naiinis nako"inis na sabi ni Kathleen.

"Di naman ata obvious" natatawang sabi ko. Nilapitan ko si Sam kasama yung babae.

"Girl help me huhu hindi parin ako nilulubayan ng chakang tohh. Ikaw kasing babae ka" sabay turo saakin.

"Kung nag two piece nalang ako eh di sana marami akong napainlove na mga LALAKI imbis na BABAE diba?" Mataray nyang sabi. Hayy baklang Sam ka. Hindi mo ba napapansin na nasasaktan si Kathleen??

"Hay bahala ka dyan! Pupunta nako kela ma'am" sabi ko at umalis na.

"Sama ako!" Sabi ni Abi at sumunod saakin.

Kathleen's POV

Nalulungkot akong nakikitang naging bakla na si Sam. Dati sobrang manly nya kahit mga bata pa. Sya ang naging lakas ko nun pero ng mawala sya hindi ko na alam kung saan ako huhugot. Pero dahil alam ko nang hindi na sya babalik pa sa dati, naging matatag nalang ako.

"Hoy babae! Anong ginagawa mo sa boyfriend ko??" Inis kong tanong dun sa Gladice na yun. Hinablot ko sa kanya si Sam. Nakita kong nanlaki ang mga mata nilang dalawa.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now