CHAPTER 3

5K 159 5
                                    

Geyle's POV

"Ano naman yung balak mo??" Tanong ko.

"Akitin mo yung mga boys saatin tapos kung sinong mas bet mo sa naakit mo yun na yun" sabi nya na nakangiti ng malapad.

"WHAT?! Eh di nagmukha akong malandi!! No di ako sang ayon dyan" sabi ko. Pagkatapos ay pumasok na si Sir Torres.

"Good morning class" sabi ni sir.

"Good morning sir" sagot namin.

"Class you have a new classmate" sabi ni sir. Biglang kumabog ung puso ko. Kinabahan ako bigla. Pumasok ang new classmate namin. Pagkaharap nya nagsilaglagan ang mga panga ng kaklase ko. Ngayon nagtitilian na yung mga tao dito. Ano ba toh classroom o zoo?? Kala mo kung sinong gwapo eh gwapo naman talaga pero manloloko tsk.

"Hi i'm Wane Sandoval nice to meet you" sabi nya. Di ko alam kung naka ngiti or nakangisi syang nakatingin saakin. Nag iwas nalang ako ng tingin. Goshh feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang pag kabog nito. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na parang nakakita ng multo. Palipat lipat ang tingin nya saaming dalawa.

"G-geyle sya ba y-yung--" di ko na pinatapos ang sinasabi ni Sam.

"Yes" sabi ko nang walang emosyon. At ang gaga lalong tumili.

"Ang hot ng fafaness mo ah" sabi nya. Pinanlakihan ko ng mata kaloka anong pinag sasabi nya.

"Magtigil ka nga dyan!" Inis kong sabi. Nakangiti sya ng nakakaloko.

"Wag kang ngumiti mukha kang aso" sabi ko.

"Okay class tumigil na kayo. Mr. Sandoval have a seat. Tabi kayo ni uhm sino ka kasi ms?" Tanong ni sir na nakatingin saakin parang napako ako sa kinauupuan ko.

"Ako po??" Tanong ko kahit alam ko namang ako yun. Di pa kasi nagpoproseso yung utak ko na baka kami ang magkatabi.

"She's soon to be mrs. Sando-"

"MS. Franco po" di ko pinatapos ang sasabihin ni Wane. Ghad soon-to-be-Mrs-Sandoval daw!! Di ko na keri. Eto kasing si ser ehh makakalimutin. Buti di nya nakalimutang mag suot ng brief -_-

"Okay i'm sorry. Mr Sandoval sit beside Ms. Franco" sabi ni sir. Oh no! Ayaw ko ngang makita sya makatabi pa kaya. Habang lumalapit sya ay naka ngising nakatingin sya saakin. Umiwas ako ng tingin.

Habang nagdidiscuss si sir di ako mapakali. Gusto ko nang mag break time. Habang nagdadasal ako na sana magbreak na. Nagsalita itong katabi ko na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Remember what I've said last night?? I want to see your boyfriend soon to be your ex. Gusto ko makita kung paano ka makikipag break sa kanya" sabi ni Wane. As if naman may bebreakan ako noh. Kung alam mo lang Wane ikaw ang una at huli kong minahal at nakipagrelasyon.

Soooobbbrrraaannnggg lutang ako ngayon. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dito eh. Para akong natatae na naiihi na ewan.

"Okay class dismissed" sabi ni sir. Woooaaaahhh araw na ng kalayaan!! Yes makakalaya na rin ako dito hooo.

"Pagkalabas ko nagulat ako ng may dalawang lalaking nag aantay dito sa pintuan namin. Di sila dito nag aaral. Tinignan ko ng mabuti at WHAT THE PAK SILA YUNG MGA KAIBIGAN NG GUNGGONG NA NAG DARE KANYA NA LOKOHIN AKO. Naalala ko kung paano ko nung halos nabugbog si Wane dahil sa panloloko nya. Ngayon sila naman ang gagantihan ko.

"Hi!" Nakangiti kong sabi at parang nakakita ng multo ang mga ugok. Nginisian ko silang at tinuhuran ko ang mga ano nila.

Hahaha yan bagay sa inyo mabaog na sana kayo.

"Aww ang sakit Geyle" sabi nila ng namimilipit. Hahaha.

"JERK YAN ANG NABABAGAY SAINYO!" sabi ko at umalis na dun. Nakasunod lang ang tatlo kong mga kaibigan saakin papuntang cafeteria. Sa di ko inaasahan ay natisod ako dahil sa may bato na di ko namalayan. Napapikit ako pero wala akong naramdamang lupa. Tinignan ko kung sino yung tumulong saakin at nagulat ako kung sino.

"Chelo Malyori??!" Tanong ko.

"Geyle Franco?!" Tanong nya rin saakin. Bigla ko syang niyakap.

"Wahhh namiss kita Elo saan ka nag aaral bakit ka nandito??" Tanong ko at lumayo nako sa pagkakayakap. Tinuro nya ang suot nya. Parehas kami ng uniform. Tanga ka talaga Geyle magschool mate kayo!!

"Sabi ko nga hehe" sabi ko at napakamot nalang sa ulo ko. Natawa na rin sya.

"Huy babae pakilala mo naman yung wafu mong kasama oh. Nandito pa kasi kami noh" sabi ni Sam.

"Sya si Chelo Malyori. Kababata ko sya" sabi ko. Kumislap naman ang mata ni Sam.

"Hi Chelo I'm Samantha but you can call me Sam" todo ngiti ni Sam. Ngumiti rin si Elo.

"Girl nakita mo yun ngumiti sya saakin mamamatay na ko" oa na bulong saakin ni Sam. Nakita ko namang napairap si Kathleen.

"Hi I'm Abi" sabi nya na nakangiti.

"I'm Kathleen" killer smile naman ang ginamin ni kathleen pero sad to say parang di naman tinablan si Elo haha.

"Hello sa inyo" sabi nya.

"Lunch namin pupunta kami sa cafeteria. Gusto mo sumabay?" Tanong ko.

"Sige ba" sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at hahatakin na sana sya sa cafeteria nang may humawak sa kamay ko. Nagulat ako kung sino. Tinignan ko kung sinong paepal yun.

"So, this is your boyfriend huh?" nakangising sabi ni Wane pero parang galit. Problema nito.

"What are you talking about??" Tanong ko.

"Dont play tricks on me Geyle. Break up on him or else, sasabihan ko si dad na wag kayong suportahan sa negosyo" sabi nya. Napanganga ako sa sinabi nya.

"Wag ngayon Wane. Wag ngayon" inis kong sabi at hinatak ko na si Elo at mga kaibigan ko papuntang Cafeteria.

Natawanan lang kami at nag kwentuhan. Sinasabi ni Elo ang mga kalokohang ginawa namin nun. Sinabi rin nya na minsan lang sya lumalabas sa room nya kaya ngayon ko lang sya napansin. Pagkatapos mag lunch ay pumasok na ako sa ibang subject ko.

• After Discussion •

Uwian na!! Gustong gusto ko ng umuwi. Ang daming nangyari ngayon. Lumayo muna ako kay Wane dahil mukhang sasabog sya sa galit. Bakit ba kasi sya galit?? Naging sikat din pala sila Wane and friends sa school pshh as always. Pati din naman sa dati naming school sikat sila eh. Pagkauwi ko nagulat ako nang may makita akong maleta sa sala. Wait maleta ko yan ahh. Nagulat ako nang ibaba pa ni manang yung isa ko pang maleta.

"Mom! Dad! Ano ito??" Tanong ko.

"Anak lilipat na kayo ng bahay ni kuya mo. Magkakasama na kayo sa iisang bubong ni Wane hindi ba masaya yun!!" Sabi ni mom. Hindi maipinta ang mukha ko ngayon. Ang bilis naman ata. Grabe sila pinauubaya na nila ako sa iba huhu. Ano na nyan ang gagawin ko??

Hindi ko kayang makasama sa iisang bubong ang isang WANE SANDOVAL...

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now