CHAPTER 22

1.7K 50 7
                                    

Geyle's POV

"Huh? Bakit ano bang iniisip mo eh nandito naman ako" nakangising sabi ni Wane at pataas babang kilay pa. Sus parang ewan.

"WALA! Asan ba tayo??" Taka kong tanong sa kanya.

"Dito ako tumatambay nung bata ako" paliwanag nya.

"Ahh kaya pala bigla kang nawawala--"

"Tuwing sinusundan moko?" Nakangising tanong nya. Inirapan ko nalang sya sa kahanginan nya.

"Nauuhaw ako" pagdadahilan ko.

"Eto na po mahal kong reyna" sabi nya at naglakad na papunta sa kusina. Nakasunod nalang ako sa kanya.

"Ang ganda naman dito" di ko mapugilang magsalita habang naglalakad lakad. Maya maya binigyan nya na ako ng tubig.

"Syempre para bumagay sa kapogian ko" sabi nya at kinindatan pa ko. Pwede bang pakipatay na ang aircon dito? Sobrang hangin na kasi eh giniginaw nako.

"Bakit pala tayo pumunta dito??" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang" sabi nya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"So pumunta tayo dito kasi 'wala lang'??" Irita kong tanong. Inosente naman syang tumango tango.

"Okay sige uwi nako" sabi ko at tumalikod na. Maglalakad na sana ako ng bigla nya akong yakapin patalikod.

"Magmovie date tayo dito sa bahay" bulong nya sa tenga ko. Parang may kumiliti sa tyan ko grabe.

"H-ha? Eh bakit di nalang s-sa mall??" Tanong ko sa kanya.

"Para masolo kita" bulong nya na di ko masyadong narinig.

"Ano??" Tanong ko at lumingon sa kanya. Ginulo nya lang ang buhok ko.

"Sabi ko pagod akong gumala" ngiting... Di ko alam kung totoo yun or sarcastic.

"May popcorn ba dito???" Ngiting tanong ko bago humiga sa sofa.

Kathleen's POV

Nakaupo lang kami dito sa sofa ni Sam. Potek sobrang akward bakit kasi sumama pa si Abi kela David anubayannnnn.

"Uhhmmm" sabi ni Sam.

"Uhmm nauuhaw ako" sabi ko at nagmamadaling lumayo. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya di ako masyadong familiar dito.

"Tangek ka Kathleen sabi mo iinom ka bakit napunta ka sa banyo?" sabi ko sa sarili ko. Pumasok nalang ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Woooohhh kaya mo yan Kathleen!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Naalala ko ang nangyari noon sa resort.

• Flashback •

"Ang biglaan naman ng alis ni Geyle" nakasimangot kong sabi habang nandito kami sa kwarto nila Geyle.

"Hayaan mo na teh! Masakit kaya yun. Yung sweet sayo tas kinabukasan biglang sa iba naman naging sweet" sabi ni Sam.

"Oo parang ikaw pabago bago tsk" naiinis kong bulong.

"Anong sinasabi mo dyan teh?" takang tanong nya.

"Alam mo tutal tayong dalawa lang sa room, magi--" di ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla syang lumayo ng konti tapos may patakip takip pa ng katawan.

"Anong ginagawa mo?'" kunot noo kong tanong.

"Oh May Gashh rapiiisstttt" napatakip ako ng tenga sa sigaw nya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now