Chapter 31

996 34 5
                                    

Geyle's POV

Wala namang nangyari sa family gathering masyado. Puro kwentuhan lang at usapan about sa darating kong birthday. Grabe napaka engrande ang plano nila para sa birthday ko. At syempre si Wane ang 18th roses ko. Pagkatapos daw nun, iaannounce na ang engagement namin. Di ko alam ano magiging reaksyon ng mga kaklase ko at ang mga nagkakagusto kay Wane. Ito na ang last day ng event at naiirita parin ako kay Wane dahil wala pa syang ginagawa. Feeling ko, wala talaga syang plano na iregister kami sa marriage booth.

"Haayyy" sabi ko out of nowhere. Nasa banyo ako ngayon at kasama ko sila Abi a Kathleen.

"Anong problema mo teh?" tanong nila.

"Eh kasi si Wane, walang planong iregister kami sa marriage booth" malungkot kong sabi.

"Ahhhhhh" sabi naman ni Kathleen.

"Bakit kailangan mo pa nun? Eh mararanasan mo na rin yun this year?" tanong sakin ni Abi.

"Ewan ko. Parang practice lang ganun HAHA" natatawa kong sabi. Napailing iling lang si Abi.

"So, ano ngang nangyari nung pumunta kayo kela Yunize kahapon?" tanong ni Kathleen. Oo pumunta na kami kahapon sa ospital. Ayoko na kasing patagalin yung mabigat sa loob ko.

"Ganito kasi yun..."

Flashback

Kakatapos lang ng duty namin dito sa booth at graba pagod na ko. Hinanap ko si Wane para umuwi na.

"Wane!" tawag ko sa kanya.

"Let's go?" tanong nya at tumango naman ako. Naglalakad na kami palabas ng school nang makita ko ang horror booth. Bigla kong naalala sila Janela.

"Geyle may problema ba??" tanong nya sakin.

"Ahhh wala may naalala lang" sabi ko at naglakad na ulit. Pupuntahan ko na ba sya? Ready na ba akong makaharap sya? Nang makarating na ang driver namin--- dahil after nung dinner namin with family napagpasyahan nilang kailangan may hatid sundo kami para safe--- sumakay na kami sa kotse.

"Pupuntahan ko ba si Yunize?" bulong ko.

"Mhhh?" tanong ni Wane. Napatingin ako sa kanya.

"Ahh ehhh wala haha" sabi ko nalang. Ayaw kong malaman nya toh. Nagiguilty parin ako eh. Nagulat ako nang hawakan nya ang ulo ko.

"Kung gusto mo syang puntahan, sasamahan kita. Kung natatakot ka, nandito lang ako" nagulat ako sa sinabi nya.

"Pero-- kasi-- ayaw na kitang---" di nya ko pinatuloy.

"Okay na ako Wife" nakangiting sabi nya. Ang sarap marinig nun ahh. Wife... Napangiti naman ako sa sinabi nya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now