CHAPTER 15

2.9K 88 1
                                    

Geyle's POV

Nandito na kami ngayon sa clinic ng resort at nagpapagamot. Yung kay Wane, mild lang daw ang nangyari sa kanya pero kailangan parin daw nyang magpahinga. Nagulat ako ng biglang pumasok sila Abi at hinila ako papuntang room nila Kathleen.

"Ouch! Di naman siguro mamamaga yung mga sugat ko noh" sarkastiko kong sabi.

"Ay sorry!!" Sabi nya at nag peace sign. Pero bumalik ang mapanuring tingin nya.

"Hoy babae anong ginagawa nyo kanina ha??" Mapanuring tanong ni Abi.

"Bakit ano bang nangyari??" Takang tanong ni Kathleen. May binulong si Sam sa kanya. Pulang pula sya habang may binubulong sa kanya si Sam.

"Oohh" yan nalang ang nasabi nya para mabawasan siguro ang kilig nya. Halata naman eh -_-

"Oh my goshness totoo??" Gulat na tanong nya. Ay day late mag react??

"Nagkakamali kayo ng ini--" di na ako pinatapos ni Kathleen.

"Geyle! Anong nagkakamali kami?! Ano bang iisipin namin ha?! Madilim na tapos kayo lang dalawa tapos magkalapit pa ang mga mukha nyo na parang maghahalikan kayo tapos sasabihin mo mali ang iniisip namin ha?!" Sigaw na tanong nya. Hay nako may sapak na naman toh sa utak. Nakalimutan nyang uminom ng gamot para mawala ang kagagahan nya.

"Oo nga girl akala namin nadisgrasya na kayo yun pala gumagawa na kayo ng grasya!" Amaze na sabi ni Sam. Gaga talaga. Napakamalawak ng isip nila. Sa sobrang lawak nawawala na -_-

"Kingina naman! Kita nyo ng nasaktan kami tapos yung pa ang iisipin nyo??" Atsaka di namin magagawa yun kasi ma--- teka Geyle yung utak mo nadudumihan na!! (May utak ka pala)

"Sorry naman" sabi nya at inirapan ako. Putek dapat ako iirap sa baklang toh naunahan lang ako tsk. Kanina pa ako naiinis sa pang iinis nya about sa pagkadapa ko eh.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo ha? Bakit GANUN ang posisyon nyo??" Kalmadong tanong ni Abi. At yun nga kinwento ko sa kanila yung nangyari saamin. Syempre di ko sinabing hinalikan ako ni Wane kasi para saakin lang yun haha.

"Oh em jhey! So kasalanan pala namin" malungkot na sabi ni Kathleen.

"Hoy dapat magpasalamat sya saatin kasi kung di dahil saatin baka nasa langit na sila ngayon" mapang asar na sabi ni Sam.

"Hoy anong pinagsasabi mong bakla ka?!" Inis kong tanong.

"Oh bakit ka namumula??" Nang-iinis nyang tanong.

"Hoy! Di kaya. Mainit lang chaka naiinis ako dito sa mukhang baklang pwet dito" paliwanag ko.

"Hoy--" di na natapos ni Sam ang sinasabi nya ng may sumigaw sa labas. Mabilis kaming lumabas para makita kung anong nangyayari. Nakita ko ang babaeng schoolmate namin na umiiyak habang yakap yakap ang babaeng nakahiga ngayon sa lupa.

"Janela!! Anong nangyari sayo?!!" Umiiyak na sabi nya.

"Nico bro! Sinong may gawa sa sayo nito?!!" Galit na tanong ng lalaking schoolmate din namin. Di ko maintindihan ang nangyayari basta ang alam ko lang ay nakikita ko sa harapan ang isang lalaki at babaeng nakahiga sa lupa at wala ng buhay. Natakot tuloy ako. Biglang dumating si ma'am.

"Ma'am ano long nangyari??" Alalang tanong ko.

"Yung kaninang hinahanap ka namin, akala namin, kayo yung nabalitaang patay. Hinanap namin kayo nun pero nalaman namin na hindi pala kayo yun. Si Janela Salvacion at ang kanyang nobyo na si Nico Flores. Ang pagkakaalam ko ay nagpaalam sila na aalis para makapag usap ng mag isa. Pero ilang oras ang nakakalipas may narinig ang mga tao sa gubat na sumisigaw. Pinuntahan daw nila ito at nakita na silang ganyan. Sabi ng mga tao baka daw nahulog sila sa bangin kaya ganun at dahil na rin madilim, di nila namalayan na bangin na yun." Mahabang paliwanag ni ma'am. Ano kayang nangyari sa kanila??

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now