CHAPTER 25

1.3K 48 0
                                    

Geyle's POV

"Teka, wag mong sabihing si Ghreiy yung crush mo?" gulat kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya.

"Ate Geyle wag kang maingay" irap nya sakin. Ay sorry naman nagulat lang. Pero seryoso?!

"Bat narinig ko ang pangalan ko ah?" nakangiting tanong ni Ghreiy.

"Ahh hindi sabi ko maganda yung damit ni Sasherie color gray" pangsisinungaling ko. Tumango tango naman si Sasherie na parang nangungumbinsi.

"Teka bat ka pala nandito?" tanong ko kay Ghreiy.

"Bumili ako ng prutas para sainyo. Pumunta kasi ako kanina sa room mo kaso wala ka doon sabi ni Abi nandito ka kaya dito ko nalang ilalagay ang mga prutas" nakangiting sabi nya saakin.

"Ang sweet mo naman kuya Ghreiy" sabi ni Sasherie na kulang nalang ay magheart ang mga mata. Ngumiti nalang si Ghreiy kay Sasherie na kulang nalang ay himatayin sya. Maya maya ay dumating na sila Abi.

"Oo nga pala salamat nga pala sainyo dahil niligtas nyo ko" nakangiting sabi ko.

"Naku pasalamat tayo kay Sasherie dahil kung di dahil sa kanya eh baka magkasama na tayo sa hukay" sabi ni Kathleen na ipinagtaka ko.

"Eh kasi sinet up kami ng bruhang waiter na yun sabi ko na sayo Abi eh masama pakiramdam ko sa babaeng yun eh. Sayang kung nakita ko sana sya eh sinampal ko sya ng sobrang lakas" ang tapang na sabi ni Kathleen.

"Wow ang tapang mo ngayon eh parang kahapon takot na takot ka noh" sarkastikong sabi ni Abi.

"Oh tama na yan wag na kayong mag away ang mahalaga ay nakaligtas na tayo. Teka paano palang si Sasherie ang nagligtas sainyo?" sabi ko naman sa kanila.

"Nung natrack kasi ni Ghrey ang phone mo, pinaiwan ko muna si Sasherie kasi baka mapano pa sya. Eh hindi ko naman alam na sumunod pala sya kaya nakaligtas kami" nakangiting sabi ni David sa kapatid nya. Napa 'ahh' nalang ako

"Kamusta si Chesca?" tanong ko sa kanila

"Narescue na sya dahil tumawag na ng mga pulis si Sasherie atsaka grabe noh may pagkamaldita pala yung babaitang yun" sabi ni Kathleen. Oo nga sinigawan nga ako nun eh chaka napaka sarkastiko. Ibang iba sya sa Chesca na nakilala ko

"Kaya nga masama na impression ko sa kanya eh" sabi ulit ni Kathleen

"Lagi naman masama ang impression mo sa mga tao noh" pambabara ni Abi. Inirapan lang sya ni Kathleen.

"Oo nga pala ano palang nangyare kay Yunize?" tanong ko.

"Nasa Mental na yung gagang yun tapos yung mga kagrupo naman nya ay nakakulong na" sabi ni Sam.

"Eh si Ma'am?" tanong ko sa kanila.

"Ayus naman sya. Malungkot nga lang dahil di nya ineexpect gagawin sa kanya yun ni Yunize" sabi ni Abi.

"Nga pala. Magkapatid sila Ma'am Laxamana chaka Yunize?" taka kong tanong. Dami kong tanong no? Wala kasi akong kaalam alam ehh.

"Actually half sister sila. Nalaman ko yun nung tinatrack ka namin, naisipan ko rin pakelaman ang background ni Yunize. Nalaman din namin na related si Ma'am Laxamana kay Yunize. Kinausap namin ni Sasha si Ma'am Laxamana at nalaman naming galit na galit sa kanya si Yunize dahil feeling daw ni Yunize inaagaw ni Ma'am ang nanay nya pati lahat ng atensyon sa bahay nila" mahabang sabi ni Ghreiy.

"Kawawa naman pala sya" malungkot kong sabi.

"Anong kawawa eh halos mamatay na tayo dahil sa kanya eh" inis na sabi ni Abi. Bigla kong naalala ang tanong ko kay Sasherie.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now