CHAPTER 11

3.9K 113 3
                                    

Geyle's POV

Maganda ang gising ko ngayon. Pagkagising ko kasi sobrang ayus na ng gamit namin pati kwarto ko.

"Hoy madam natapos na po namin ang paghahanda gumising ka nalang jan at tulungan si manang sa pagluluto" sabi ni Sam.

"Hoy ka rin ang kapal mo namang mag utos na parang sayo itong bahay na ito" inis kong sabi. Mali pala ang sinabi ko. Hindi gaganda ang gising ko pag may asungot na bakla ang nandito mphh

"Hoy pasalamat ka nga at nilinis na namin itong kwarto mong puno ng ipis" sabi nya na ikinagulat ko.

"Kapal mo walang ipis ang kwarto ko baka humarap ka lang nun sa salamin kaya nakita mo ang ipis" sabi ko

"Hoy anong sinasabi mo na mukha akong ipis ha??" Inis nyang tanong.

"Kung yan ang iniisip mo....OO" sabi ko at padabog na pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Sam na sobrang lungkot.

"Hoy anong kadramahan yan??" Sabi ko abat di nya ako pinansin.

"Huy sorry na di ka naman mukhang ipis eh" sabi ko at hinagod hagod ang likod nya kasi mukha syang iiyak.

"Talaga??" Tanong nya.

"Oo slight lang HAHAAHHAHA" sabi ko at tawa ng tawa.

"Bwiset ka!" inis na sabi ni Sam. Sasagot na sana ako ng may damit ang bumato sa mukha ko.

"Yung punda mo nalagay sa kwarto ko. Tsk" sabi nya. Anong problema nun? At ang kapal ahh ibato pa naman sa mukha ko yun!!

"Babae yung asawa mo nagjejelly na naman" nakangiting sabi nya.

"Huy hindi noh" sabi ko at bumaba na.

"Gosh girls ang init iitim akech nyan nasaan na ba yung bus" reklamo ni Sam. Nandito na kasi kami sa school at inaantay ang bus namin.

"Excited much?" Sarkastikong sabi ni Kathleen.

"Syempre dapat di pinaghihintay ang mga magaganda" sabi ni Sam.

"Kaya pala naghihintay ka HAHAHA" sabi ni Kathleen. Di na rin namin napigilan kaya natawa na rin kami.

"Mphh" pag iirap nya. Luh kala mo naman bagay sa kanya. Maya maya may nagpakita nang bus.

"Hay salamat naman. Nasira beauty ko ahh" sabi nya at nauna nang pumasok.

Pagkapasok namin sa bus tabi kami ni Kathleen tapos sila ni Sam at Abi. Habang nagkukwentuhan kami biglang sumulpot yung teacher namin.

"Class meron kayong seating arrangement dito sa bus" sabi ni ma'am. Grabee pati pala sa bus may seating arrangement

"Okay Mr. Gardillo tabi kayo ni Ms. Ramirez" sabi ni ma'am. Di ko alam kung bakit pero nakita ko atang namula yung pisngi ni Kathleen? Or dahil mainit lang? Habang nagdadakdak si ma'am napatigil ako ng may sinabi syang apelyido na di pwede.

"Ms. Pearson tabi kayo ni Mr. Ihbos" sabi ni ma'am.

"Whaaattt?? Eh ma'am hindi po namin sya kaklase" reklamo ni Abi.

"Isa ang pamilya nya sa nag sponsor and he asked for it" nakangiting sabi ni ma'am na parang kinikilig. Nag sasalita nanaman sya.

"Pero ma'am ayaw ko po syang katabi" reklamo ni Abi.

"No buts Ms. Pearson" sabi ni maam na nakangiti.

"At ang sa dulo ay sina Ms. Samson, Ms. Martinez, Ms. Franco and Mr. Sandoval" sabi ni ma'am whaaattt. Umupo kasi Wane sa pinaka gilid at sa kabila naman sila Kyla at charise. So that means mamimili ako kung sa gitna o sa tabi ni Wane. Gusto ko sana na malayo kay Wane kaso hindi kasi ako umuupo sa gitna. Last kasi na umupo ako dun eh biglang nag stop yung bus at natumba ako. So I decided na sa tabi nalang ni Wane. Nakangisi lang sya ng nakatingin sa labas. Tinignan ko kung anong tinitignan nya. Wala naman. Perooo baka yung babaeng sexy dun. Kaso parang di sya nakatingin dun eh. Hayyysttt Geyle nakatingin sya dun sa sexy na yun assumera ka lang na kaya sya nakangisi ay dahil magkatabi kayo.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now