Chapter 33

887 36 2
                                    

Geyle's POV

"Oy ghurl kawawa naman yung burger steak baka maging giniling na yan" sabi sakin ni Kathleen.

"Bakit kasi kailangang kasama si Wane kay Chesca?!" gigil kong tanong.

"Eh ghurl sila yung nautusang magcheck ng papers eh wala tayong magagawa dun. Ang talino ba naman ng bebe mo at ni Chesca" sabi naman saakin ni Kathleen.

"Alam nyo girls wala talaga akong tiwala sa Chesca na yun" dugtong pa nya. Nag iba ako ng topic kasi bigla nanaman akong nairita.

"Oh kamusta naman kayo ni Sam?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang nabulunan tong gagang toh. Tinignan naman ako ni Sam. Magkakasama na kaming apat ulit.

"Bakit may nangyari ba?" tanong ko ulit.

"Wala ahh" namimilit nyang sabi. Nakita ko namang ngumisi si Sam sabay inom ng juice. Pinanliitan ko sila ng mata. Mhhh I smell something fishy...

"Eh si David nasaan?" tanong ko kay Abi. Napatingin naman sya sakin.

"Ayun bumili ng makakain" sabi nya sakin. I guess nagkabati na sila. Buti pa sila nagkabati na. Kami ni Wane hindi pa dahil naiirita parin ako sa kanya. Pero mas naiirita ako pag naiisip na kasama nya yung Chesca na yun.

"Oh ayun pala si David oh" sabi ni Sam at napatingin kami sa kanya. Nang makapunta na sya sa table namin, uupo na sana sya ng biglang may nakabangga sya. Muntik na matumba yung girl buti nalang at nasalo ni David.

"Oh thanks David" nakangiting sabi nung babae at kinindatan sya. Teka hindi lang basta ibang babae ang nabunggo nya kundi si Hailey lang naman.

"Ay si Hailey aka maharot" rinig kong bulong ni Kathleen. Feeling ko narinig ni Hailey dahil biglang tumaas ang kilay nya. Binitawan na din agad ni David si Hailey ng tignan sya ng nakakamatay netong katabi ko.

"Oh Sam! Pumogi ka lalo ahh lalo na ng aminin mo na di ka gay! You know maraming girls ang magkakagusto sayo" maarte at kinikilig na sabi ni Hailey. Magsasalita na sana si Sam ng kunin ni Katbleen ang apple sa playe ni Sam at ipakain yun sa kaniya. Pagkatapos ay humarap sya kay Hailey.

"Excuse me taken na sya okay? So maghanap ka nalang ng ibang lalandiin" taas kilay na sabi ni Kathleen. Nanlaki bigla ang mata ni Sam. Hay nako Masyado namang nagpapahalata tong babaeng toh sa feelings nya. Eh kung sipain ko kaya toh.

"Haha sorry girl but he's not my type. I like the OTHER ONE more" nakangising sabi nya. Maya maya biglang tinawag na sya ng mga friends nya.

"Oh I'm going na ha? Bye" sabi nya na nakatingin LANG kay David. Katapos nyang sabihin yun kay David, di pa sya nakuntento. Kinindatan nya pa si David and that adds the fuel in the fire. Ngayon umuusok na tong katabi ko. Sandaling natahimik ang pwesto namin. Tahimik kaming kumakain pero kitang kita mo yung gigil ng dalawang babae dito dahil kulang nalang pati kutsara at tinidor ay putulin nila. Tinignan ko si Kathleen at nagtataka ako bakit sya namumula. Kumakain ng hotdog si Kathleen ng magsalita si Sam.

"Uhhhmm a--" di natapos ni Sam ang sasabihin nya ng biglang isubo sakanya ni Kathleen yung hotdog. Nagulat ako sa ginawa nya. At feeling ko nagulat din sila dahil biglang namula ng todo yung mukha ni Kathleen at si Sam naman ay napaiwas ng tingin kay Kathleen at namumula ang tenga. Paanong di mamumula ang mga mukha nila eh yung kinagatan ni Kathleen na hotdog  yun yung pinakain nya kay Sam. Hehe nakaisip tuloy ako ng evil plan.

"Teka ibig sabihin nyan nag indirect kiss kayo?" pang iinis ko. Nakita ko namang sinamaan ako ng tingin ni Kathleen. Si Sam naman napatingin sakin at nag iwas ulit ng tingin. Hehe nakakaenjoy naman asarin tong mga toh.

"Sussss nahiya pa kayo jannn. Eh diba nag kis--OUCH!" sigaw ko ng bigla akong apakan ni Kathleen.

"Oy ang sakit ahh Kathleen. May period ako ngayon alam mo ba yon?!" irita kong sabi sa kanya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now