CHAPTER 16

2.6K 82 0
                                    

Geyle's POV

"That's mine" sabi ng lalaking nasa harap namin ngayon.

"Bakit ka nandito?!" Inis na tanong ni Abi. Hindi nya pinansin yung sinasabi ni Abi at lumapit saakin.

"Geyle, saan mo ito nahanap??" Tanong nya. At hinawakan ang bracelet.

"David anong pinagsasabi mo?!" Inis na tanong ni Abi. Tinignan lang nya si Abi at ngumisi.

"Paano naman mapapatunayan samin na sayo yan?" Tanong ko. May pinakita syang ukit saakin.

"It has a meaning. Binigay pa ito saakin ng mommy ko." Sabi nya saakin. Tinignan ko lang sya at nakikita ko na totoo naman ang mga sinasabi nya kaya tuluyan ko nang binigay.

"Salamat dahil nahanap mo ito. This is very important to me" nakangiting sabi nya.

"Aalis na muna ako dahil may inaasikaso pako. Babalik ako" sabi nya at tumingin kay Abi habang sinasabi nya ang huling salita. Inirapan lang sya ni Abi.

"Kahit wag ka nang bumalik" bulong ni Abi. Siniko ko nalang sya para tumigil na sya sa kasungitan nya.

"Okay students listen!! Hindi nga nahanap ni Geyle ang pinapahanap ko, nahanap nya naman ang pinaka importanteng bagay sa kapwa nya" sabi ni Ma'am. Ay grabe mag MMK ba dito?

"Students now let's start the game!!" Sabi ni Ma'am at pumunta na kami sa kanya kanyang pwesto.

~ • ~

Natapos na ang game namin at natalo kami! Pero nanalo sila Wane at Sam sa laro. Masaya ako sa kanila pero malungkot din saamin kasi di kami nanalo. Nagrade kami base sa performance na pinakita namin. Hindi yung pag natalo ka is 60 ka lang over 100.

Lumapit ako sa mga gamit ko at pinunasan ang sarili gamit ang bimpo. Presko ang hangin at hindi naman masyadong mainit.

"Kuya eto oh tubig" sabi ng babaeng nasa harap ko. Hindi nga masyadong mainit pero nag iinit ang ulo ko sa nakikita ko.

"Geyle eto oh water. Alam kong nauhaw ka sa laro ninyo" sabi ng nasa tabi ko. Tinignan ko ito at si Ghreiy lang pala.

"Thank you!" Sabi ko. Nginitian ko sya at kinuha yung tubig at ininom. Halos makalahati ko yung tubig na yun.

"Ahh Geyle alis na ako ha? Tawag nako ni Prof eh" pagpaalam nya saakin.

"Sige" nakangiti kong sabi sa kanya. Pagkaalis ni Ghreiy nakita ko namang palapit si Wane saakin.

"Kuya Wane hindi mo pa kinukuha itong tubig na bigay ko" nakapout na sabi ni Sasha. Hahaha bagay nga sa kanya.

"Teka?!" Nagulat ako nang kunin ni Wane yung tubig na ininom ko kanina at inumin yon. Namula ang pisngi ko.

"Mas gusto ko ito. May flavor. Lips ni Wife" sabi nya pero binulong yung huling salita. Mas namula na ako. Nakita ko ang pagkainis ni Sasha. Nginisian ko nalang sya. Nag walk out naman sya. Buti nga.

"Panalo nako Sasha sa una pa kaya tigil tigilan mo na ang panglalandi sa kanya kasi di tatalab!" Sabi ko sa isip ko. Nagulat ako nang yakapin ako ni Wane.

"Ang ganda ng dagat noh" sabi nya saakin. Tumango ako.

"Pero mas maganda ka pa rin jan" dugtong nya. Kinilig naman ako sa sinabi nya. Bigla nyang siniksik yung ulo nya sa leeg ko. Naramdaman ko ang hininga nya.

"Wane ano ba pawis ako!" Inis kong sabi pero deep inside sasabog na yung puso ko sa kilig.

"Mabango ka pa din kahit pawis" sabi nya. Wala na may nanalo na. Finish na. Namatay na puso ko. Hinayaan ko nalang sya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now