CHAPTER 14

3.2K 90 3
                                    

Geyle's POV

Lumabas na kami sa kwarto. Madilim na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 6:30 na pala. Ang haba ng kwento nilang dalawa di ko na namalayan ang oras.

"Ayun sila oh" sabi ni Kathleen at tinuro ang mga kaklase namin na kumakaway samin. Kumaway din ako pabalik at lumapit na kami. Magkahiwalay ang mga babae sa mga lalaki dahil sa sinabi ni Pres Anika. Bitter kasi sya hahaha. Joke lang.

"Classmates, may dalawang namilit na makisali saatin. Sila David Ibhos at Chelo Malyori" pagkarinig namin yun nagsitilian ang mga haliparot kong kaklase.

"Bwiset bakit sya nandito?" Inis na sabi ni Abi.

"Abi dapat pakinggan mo sya. Hindi ka magiging malaya sa nakaraan tulad ko kung di mo pakikinggan ang side nya" bulong ko sa kanya. Ngumiti naman sya saakin.

"Maybe not now but soon" maikling sabi nya. Nginitian ko nalang sya.

"Okay guys pinatawag ko kayo dahil gusto kong makilala kayo ng lubusan. Kaya wag kayong mahiya at magparticipate. Okay ba??" Tanong ni Pres.

"Okay pres!" Sabay naming sigaw. Maya maya nagsalita si Kathleen.

"Si Sam magaling kumanta!" Biglang sigaw nya. Halatang nagulat ang lahat. Pati siguro sya ay nagulat din kasi tinakpan nya bigla ang bibig nya. Mabilis akong tumingin sa itsura ni Sam. Nakakunot lang ang noo. Or baka galit. Di ko rin alam eh kasi medyo madilim na dito at konting ilaw lang galing sa apoy.

"Sam magaling ka? Kanta ka naman oh" sabi ni Pres.

"Oo nga dali na" painosenteng sabi ko.

"Hay. I have to be honest with you guys pero that was a long time ago na" maarteng sbi ni Sam.

"Okay lang yannnn" sigaw ni Abi. Tinignan lang nya ng masama si Abi. Pagkatapos nun ay sunod sunod na sumang ayon ang mga kaklase namin.

"Sorry talaga guys kakanta lang ako sa harap ng my loves ko~" sabi ni Sam.

"Eh sino ba yang special someone mo?" Tanong ni Pres.

"Secret" sabi nya na nakangiti. Nakita ko naman itong katabi ko--which is Kathleen-- na nalungkot.

"May special someone na syang sing pogi nya o baka nga mas pogi pa sya eh" bulong nitong katabi ko na parang naiiyak.

"Kung magdadrama ka dito. Mag MMK ka nalang" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Baliw" sabi nya saakin at natawa sya.

"Atleast napatawa kita" masayang sabi ko.

"Okay guys walang magpapakita ng talent??" Tanong ni Pres. Walang ni isang sumagot. I bet maraming may talent dito nahihiya lang kasi mahinhin sila eh.

"Okay dahil walang sumasagot. Maglalaro nalang tayo ng game. Hindi pwedeng magkatabi ang mga lalaki sa babae. Halo halo dapat" pagkasabi ni Prea nagsitilian ang mga babae dito. Aww parang mali ang sinabi kong nahihiya sila kasi mahinhin. At ang mga haliparot lumapit na agad kay Wane.

"Wane tabi tayo ahh" maarteng sabi ni Hailey. Nanliit ang mata ko. Si Hailey kasi ang pinaka malandi sa section namin.

"Sorry" sabi ni Wane at umalis sa tabi nya. Di na ko nagulat nung tumabi sya saakin.

"Pwede ba ako dito sa tabi mo??" Tanong ni Chesca. Tumango naman si Wane. Tumabi si Chasca sa kabilang tabi ni Wane. Nagulat ako nang makita ko ang kaunting ngisi nya saakin. Or baka ngiti lang kasi medyo madilim eh.

"Hi Gee (sounds like ji) " nagulat ako ng may magsalita sa kabilang gilid ko. Tinignan ko at si Elo (chelo) pala.

"Oh ikaw pala. Bakit ka pala sumali saamin??" Tanong ko sa kanya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now