CHAPTER 9

4.1K 128 1
                                    

Geyle's POV

"Hoy babae gising naaaa!!!" Nagising ako nang may marinig akong sigaw sa kwarto ko. Pagkamulat ko nakita ko sila Sam sa kwarto ko. Tinignan ko ang orasan 5 am palang!!! 8 am palang kami aalis eh.

"Anong trip nyo ha?! Kitang natutulog pa ako eh. Atsaka bakit ba kayo nandito ng maaga?!" Inis kong tanong.

"Girl excited kami okay! Kaya dalian mo na maligo kana dali na girl! Hindi na ako makapaghintay suotin yung two piece ko hihi" sabi ni Sam.

"Yuck Sam mag totwo piece ka?! Please lang wag nakakatakot" sabi ko.

"Che! Maligo kana at nangngamoy kanang sardinas!" Sabi ni Sam at pinagtutulak nila ako papuntang banyo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Pagkalabas ko sa banyo nagulat ako nang magkalat ang mga damit ko.

"Omo nagkabagyo ba sa kwarto ko?!" Gulat kong tanong.

"Girl walang bagyong nangyayari dito. Tinitignan lang namin ang mga dinala mong damit. Teka girl bakit wala kang dalang two piece??" Tanong ni Kathleen.

"Di ako mahilig magsuot nun. May nakatambak nga dyan sa closet ko pero di ko pinapakelaman" pagkasabi ko nun bigla nalang sila nag unahan kung sinong nakakakuha ng two piece. Hay pwede naman silang bumili ng kanila kung gusto nila diba? Napangiti nalang ako sa pagka isip bata ng mga kaibigan ko.

"Geyle bakit ka tumatawa dyan?" Nakangiting sabi ni Abi.

"Wala lang" sabi ko. Nakakatakot yung mga reaksyon nila. Parang may gagawin silang hindi maganda.

"Ano palang isusuot mo mamaya pag nag swimming tayo??" Tanong ni Kathleen.

"T shirt and shorts lang" sabi ko. Mas lalo silang ngumisi.

"Alam mo girl mas maganda kung ito ang isusuot mo" sabi ni Sam. Nilapit nila yung two piece saakin na parang iniimagine nila pag sinuot ko na.

"NO WAY! Hindi ko isusuot yan" inis kong sabi. Nagtinginan naman ang tatlo na parang nag uusap sila sa mata. Ano bang nangyayari??

"Sige girl okay lang? Pwede bang dalhin ko ito? Ito nalang ang isusuot ko hihi" nakangiting sabi ni Sam.

"Okay sure" sabi ko at ngumiti. Lumapad naman ang ngiti ng mga lukaret.

"Alam nyo girls mag breakfast nalang tayo sa labas para makapamasyal tayo at makabili na ng mga pagkain" sabi ni Kathleen. Omo! Wala pa pala akong dalang mga pagkain!! Nyeta kasi si Wane eh nakalimutan ko tuloy.

"I bet di pa nakapag handa si Geyle ng mga gamit at pagkain. Damit lang ang nahanda nya haha" sabi ng bruhildang si Sam.

"Oh ano ngayon?" Mataray kong tanong.

"Sabi ko nga wala" sabi ni Sam.

"Sml??" Nang iinis kong tanong.

"Sorry Maganda Lang" sabi nya at nag pose ng maganda kunwari.

"Yuck saan maganda dyan??" Parang nandidiri kong tanong haha. Ngumuso nalang sya ew para syang duck.

"Hoy tama na yan. Nag aaway nanaman kayo eh dalian nyo na para---" di natapos ni Kathleen yung sasabihin nya nang biglang tumunog yung phone nya. Pati na rin yung saamin.

Unknown:

This is the President of Royal University and we would like to inform you that we moved the schedule tomorrow 7 am because there are some errors. Thank you for understanding.

Pagkabasa namin nagulat ako nang biglang umiyak itong baklitang toh.

"Noooooo hindi maariii naghanda na ako ngayon eh lotion na nga ako ng pinakamabango para mapansin ng mga boys tapos.. huhu this is my worst-- aray! Geyle naman bakit ka nananapok?" Inis na tanong ni Sam.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now