Chapter 34

821 27 4
                                    

Geyle's POV

Isang araw naming mga girls na di pinansin ang mga boys dahil sa inis namin. Pilit naman silang nagtatanong kung may mali ba silang nagawa at yun ang dahilan ng lalong pagkainis namin nila Kathleen.

"Bwiset sila! Di nila alam kung anong dahilan kaya tayo naiirita?!" inis na sabi ni Abi.

"Eh kung gawin kaya natin sa kanila kung anong ginawa nila noh?!" inis na sabi ni Kathleen. Bigla akong nakaisip ng plano.

"KATHLEEN ANG TALINO MO TALAGA!" tuwang sabi ko.

"I know right! Pero anong pinagsasabi mo?" tanong nya. Napangisi naman ako sa planong iniisip ko.

"Hindi nila alam kung bakit tayo inis sa kanila hindi ba? Edi baliktarin natin ang sitwasyon! Ulitin natin ang mga ginawa nila at tignan natin ano magiging reaksyon nila!" masayang sabi ko.

"Magandang idea pero saan naman tayo hahanap ng lalaking hahalikan ako sa pisngi, magsweet talk kay Abi, at iuuwi ka sainyo?" tanong ni Kathleen. Sakto paglabas namin ng banyo, nakita namin ang mga kaibigan ni Wane. Oo nga pala dito na pala sila nag aaral. Di ko sila masyadong nakikita eh. Nakaisip ako bigla ng plano. Humanda kayo Wane tignan natin kung di nyo maramdaman ang naramdaman namin. Paglabas namin ng restroom, nakabangga ako.

"Ouch!" sigaw ko.

"Sorry miss---- Geyle?" sabi nung nalaking nakabangga sakin. Inis na tinignan ko sya at nagulat ako sa nakita ko. Ang mga kaibigan ni Wane. Oo nga pala dito na sila nag aaral pero di ko sila nakikita dito.

"Ohhh diba ikaw yung sa resort?" tanong ni Kathleen. Ngumiti naman at kumindat si Luke.

"Hi" masayang sabi nya. Tinignan ko naman sila ng nakakamatay at tinaasan pa ng kilay. Aba poporma pa sa kaibigan ko. Hoy taken na yang kinikindatan mo noh!

*TING*

Shet nakaisip ako ng plano kung anong gagawin ko sa mga toh. Hinarap ko sila Luke, Justin, at Chester at nagtanong.

"Diba gusto nyong makabawi sakin?" nakangisi kong tanong. Napalunok sila at dahan dahang tumango. HEHEHEHEHEHEHEHE.

"Ito na ang chance nyo para makabawi" sabi ko ng may malademonyong ngiti.

"Feeling ko kakainin ni Geyle yung mga boys" rinig kong bulong ni Kathleen. Nilingon ko sya at tinignan ng masama.

~ • ~

"ANO?!!" gulat na tanong nung tatlo.

"Hoy makasigaw naman kayo jan. Ano panget kami ganon?!" iritang sabi ni Kathleen. Sinabi ko na kasi sa kanila ang mga gagawin nila. At yun ang reaksyon nila.

"Teka teka lang, diba may mga boyfriend na kayo?" tanong ni Chester saamin.

"Hoy di ko jowa yun noh!" iritang depensa ni Kathleen. Sows pero gusto nya.

"Deal!" sigaw ni Luke sabay akbay kay Kathleen.

"Pass ako" sabi ni Chester. Sinimangutan ko naman sya.

"Bakitt?????" tanong namin.

"Well, kaibigan namin si Wane, pag nilandi kita baka magkasiraan kami" sabi ni Chester. May point nga naman sya. Ehhhh sino magiging partner ko?!!!! Wala ganon?!

"Hayyssttt okay okay di ka na kasama" nakasimangot kong sabi.

"Oh ikaw deal ka ba?" tanong ni Abi kay Justin.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now