"Well kung mag eenjoy ako, I'm in" nakangiting sabi nya. Hayyyy parang tanga. Kaya di ako magugulat kung sya nakaisip nung dare nila kay Wane noon. Kahit ano gagawin basta nag eenjoy sya. Napailing nalang ako dahil ayoko na maalala ang past.

"Mauna na pala ako ah may tatapusin pa kong project" sabi ni Chester at nauna na.

"Ohh anjan na pala sila Wane" napatingin kami sa likod dahil sa sinabi ni Justin. Naglalakad si Wane papunta saamin kasama si Sam na nakakunot ang noo. Palapit na sila nang tignan ko kung anong tinitignan ni Sam.

"Ehem" sabi ni Sam. Ayyyy oo nga pala nakaakbay si Luke kay Kathleen. Inirapan lang ni Kathleen si Sam. Dumilim lalo ang mata ni Sam. Nilapitan ako ni Wane at umupo sa tabi ko.

"Anong nangyayari dito?" bulong nya sakin. Pero dahil galit ako, di ko sya pinansin.

"Bro!" sabi ni Wane. Ngumiti naman sila.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Wane. Nakakunot na din ang noo nya. Napansin nya na siguro na may loveteam na nangyayari.

"Nakita namin sila Geyle tapos ayun nagkwentuhan" sabi naman ni Justin.

"Di nyo kasama si David?" tanong ko kay Sam. Syempte di ko pinapansin tong lalaking toh eh.

"Uhhmm may tatapusin pa daw na activity" sabi naman nya. Napasimangot naman si Abi.

"Ayus lang yan Abi, nandito naman ako" sabi ni Justin. Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. Napakunot naman sila Wane chaka Sam. Kinindatan nya pa si Abi na nagpapula sa gaga. Oy baka nakakalimutan nitong may boyfriend na yung tao.

"Teka diba ikaw nagplano neto?" tanong ko sa sarili ko. Ay oo nga pala pagpapanggap nga pala lahat ng toh. Geyle talaga parang tanga. Sa tensyong nagaganap,

"Ehem pwede mo na bang alisin yang kamay mo kay Kathleen?" matigas na sabi nya. Halata yung gigil eh.

"Ohhhh time na pala" sabi ni Luke habang nakatingin sa relo nya at parang hindi narinig ang sinabi ni Sam.

"See you tomorrow?" sabi nya kay Kathleen at nagulat kami ng halikan nya si Kathleen sa pisngi. SHET ANG BILIS NUN AHHH! Nanlaki ang mata naming nakatingin sa kanila. Si Sam eh parang susuntok na ng tao at si Kthleen, well, pulang pula.

"Bye Abi" sabi ni Justoin at kinindatan si Abi. Namula naman ang gaga. Paalis na sila Luke at Justin ng mukhang susugurin na ni Sam. Pinigilan naman sya ni Kathleen. Tinignan nya ng masama si Kathleen at nag walk out.

~ • ~

"GIRLSSS DI AKO PINAPANSIN NI SAMMMM!!" naiiyak na sabi ni Kathleen.

"OA namn ng reaksyon mo, di mo naman jowa" inis kong sabi. Inirapan nya naman ako.

"Ay basta ayoko na. Magsosorry nako sa kanya. I feel bad eh. Di nya naman ginusto na ikiss sya ni Gladice eh" malungkot na sabi ni Kathleen. Oo nga naman.

"Ako rin Geyle back out nako. Nagalit at nagselos ako oo pero di ko naman pinlano na gantihan sya eh" sabi namn ni Abi. Napabuntong hininga napng ako.

"Siguro nga ang stupid ng plano ko" malungkot na sabi ko. Lumapit namn sila at yumakap sakin.

"Hoy hindi stupid yung plano mo ahhh! Sadyang di lang talaga effective saming mga marurupok" sabi ni Kathleen.

"Oo nga pero thank you sa effort mo" sabi ni Abi. Ngumiti nalang ako.

"Edi inamin mo na rin na mahal mo parin si Sam?" nakangisi kong tanong kay Kathleen. Namula naman sya.

"Di naman nagbago yun eh" seryosong sabi nya.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now