TWENTY NINE

1.2K 123 9
                                    

"SINO KA!"

Napa-atras ako sa mahigpit na paghawak sa aking braso ni Ginoong Lumot at sa pag-angil nito, dahilan upang mapatingala ako sa kunot-noo nitong hitsura at naniningkit na mga mata.

'Fufufu!' hagikhik ko sa aking isip.

Anong klaseng tanong naman kaya 'yon? Namatay lang ako at muling nabuhay, hindi na ako nakilala nito?

I mean, wow. Wala namang ibang pangit na nilalang sa lugar na iyon kundi ako lang, 'di ba?

Haler! Okay lang ba 'to?

"Ginoong---" balak ko sanang tumugon at magpakilala ngunit muli ako nitong sininghalan.

"Sumagot ka! Sino ka at paano ka nakapasok dito!" itinulak ako nito sa dingding at kinorner doon gamit ang naka-iintimida nitong bulto at tangkad.

'Fufufu!' muli kong hagikhik sa aking sarili.

Ano bang nakain nito at masyado itong agresibo sa napaka-agang oras na iyon?

Para gusto ko tuloy na umungol at mapakagat labi dahil naalala ko ang isang pelikula na napanood ko noon.

Kulang na lang ay tanungin ako nito ng 'Are you lost, witchy girl?' Ang pagkaka-iba lang, antipatikong asong lobo ito at hindi fafabol na mafia boss.

Na-ipilig ko ang aking ulo bago bumaling sa mga nasa hapag na nanonood lang sa amin. Medyo nagtataka lang ako dahil tila may kung anong nakamamanghang bagay ang nakikita ng mga ito dahil bukod sa halos lahat ay nanlalaki ang mga mata at awang din ang kanilang mga bibig.

Fufufu!

Baka naman...

Baka gusto ng mga itong tulungan ako sa kuko ng nagngangalit na masungit na ginoo? Pakiramdam ko kasi ay kakainin ako nito tulad ng ginawa ng asong lobo sa gubat kay Little Red Riding Hood.

Kabubuhay ko lang at ayoko pang mamatay uli.

Mukha namang unang na-gets ni Apache ang makahulugan kong pagbaling sa mga ito kaya biglang tumayo ang binatilyo sa kinauupuan saka nilapitan ang kapatid.

"Goddess, Kuya Legion! What are you doing? Let her go!" anito at akmang hihigitin ako palayo kay Ginoong Masungit ngunit isang ungol na may pagbabanta ang pinakawalan nito dahilan upang mapatalon paatras si Apache.

"You rascal! Did you bring this woman here!" kumpronta nito sa kapatid.

"Hell, no!" mabilis na tugon ni Apache na itinaas sa ere ang kamay at muwestra sa akin. "Can't you recognize her? Titigan mo s'yang mabuti, kuya!" ang binatilyo.

Umaangil na ibinaling sa akin ni Ginoong Lumot ang paningin nito upang sundin ang winika ng kapatid. Matiim nitong itinutok sa aking mukha ang may kataliman ngunit may mahahabang pilik na mga mata dahilan upang makaramdam ako ng pagka-ilang.

Pakiramdam ko kasi ay isa akong virus na nasa ilalim ng masusi nitong pananaliksik.

"You do look familiar but who are you, huh?" anito sa paasik pa ring boses.

"Ako si---" tutugon na lang ako nang biglang may kamay na mabilis na humawak sa aking kanang braso at hinila ako palayo kay Ginoong Lumot na ikinasinghap ko sa gulat.

"What are you doing, Legion." Pumuno sa buong kabahayan ang buo at malalim na tinig ng walang ibang si Ginoong Nakasisilaw na kapapasok lang sa silid kainan. Pumalibot sa aking bewang ang isang braso ng binata at mahigpit akong hinapit palapit dito upang protektahan sa ubod sungit na kaibigan nito.

Kagat-labing napabungisngis ako sa aking sarili dahil sa hindi pagkapaniwala na muling makararanas na yakapin ng isang ubod guwapong nilalang. Ngunit panandalian lamang iyon dahil gaya ng aking inaasahan, naramdaman ko ang pagre-react na naman ng nananahimik kong dugo sa katawan nang mabilis iyong umakyat pataas sa aking ulo kasabay nang mabilis ding pagpintig ng aking puso.

"Alpha," guyumos ang mukhang ungol ni Legion dahilan upang bumalik ang atensyon ko dito.

Ngunit seryoso itong tinitigan ng pinuno ng lupaing iyon bago nagsalita.

"You should stop bullying Erika, Legion," anito na s'yang nagbigay ng ideya kung sino ako sa kausap na awtomatikong lumalim naman ang pagkakakunot-noo dahil sa hindi pagkapaniwala.

Ngunit hindi pa man nakababawi si Ginoong lumot sa pagkabigla nang bumaling si Ginoong Nakasisilaw sa mga nasa hapag kainan. "Simula ngayon, sinomang mananakit sa babaeng ito at magsasalita ng hindi tama ay mananagot sa akin!" puno ng awtorisasyong pahayag nito. "Hindi ko hahayaang insultuhin n'yong muli ang magiging Luna ng teritoryong ito. Hindi ko hahayaang saktan ninoman ang damdamin ng aking magiging kabiyak!"

Sa narinig sa pinuno ay nanlaki ang mga mata at nalalag ang mga panga ng lahat ng m'yembro ng Warlord. Samantala muli na naman akong bumungisngis dahil pakiramdam ko ay lalong bumilis ang pagrerebolusyon ng dugo sa aking katawan dahil sa aking narinig. Dire-diretsong dumaloy iyon sa aking mga ugat at naghanap ng malalabasan.

Bago pa maging huli ang lahat ay pasimple kong kinalas ang braso ni Ginoong Nakasisilaw sa aking bewang at akma akong lalayo ngunit muli ako nitong nahagilap at muling niyakap.

"You don't have to be afraid and worry now, Erika," wika ng guwapong binata na ibinaling ako paharap. Hinawakan nito ang aking baba at itinaas iyon. "Mula ngayon ay pro-protektahan kita sa kung sinomang nagbabalak ng masama sa'yo bilang aking magiging kabiyak at magiging Luna ng lupaing ito."

Inilapit ng binata ang mukha sa akin at akmang sanang hahalikan ako ngunit mas naging mabilis ang sirkulasyon ng aking dugo kesa dito. Bago pa lumapat ang mga labi ng Ginoo sa akin ay malakas nang sumirit iyon palabas ng mga butas ng aking ilong at dire-diretsong tumama sa mukha nito.

Nakarinig ako ng pagsinghap sa paligid samantala napamura naman ang binatang pinuno ng Warlord at aksidente akong nabitawan.

Bumagsak ako sa sahig na hilong-hilo sabay hagikhik. "Fufufu! Nabuhay ba ako para lang mamatay uli?"

___________

THE next day...

Fufufu!

Ako ba 'to?

Hindi makapaniwala na hinaplos ko ang aking pisngi habang nasa harap ng salamin at titig na titig sa aking mukha.

Ilang beses din akong kumurap-kurap at kinurot ang aking sarili dahil baka nananaginip lang ako ngunit mukhang totoo nga yata.

Napakaganda ng binibini na iyon sa repleksyon ng salamin. May maliit na mukha, mamula-mulang mga pisngi, may makipot at malarosas na kulay na mga labi, matangos na ilong, bahagyang makapal na kilay, malalantik na pilik at...

Natigilan ako nang tumuon ako sa aking mga mata. Muli ay nakaramdam ako ng panggigilalas.

Ang aking mga mata...

Sa unang pagkakataon ay lubos ko iyong napagmasdan. Magkaiba ang kulay ng mga iyon. Ang isa ay kulay ng karagatan at ang isa ay luntian tulad ng mga puno.

Fufufu!

Abnormal nga yata ako.

Dahil doon ay pumihit ako paharap kina Apache, Aztec at Samu na karga ang sanggol nito. Kasalukuyang nasa silid na kinagisnan ko ng umagang iyon kami at hinihintay ng mga ito ang aking reaksyon sa aking bonggang transpormasyon.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi ako sanay na maganda...

Fufufu!

Hindi ako sanay na hangaan...

Ang lingunin ng mga kalalakihan...

Ang pagpantasyahan...

Dahil sa isiping iyon ay napahagikhik ako at unti-unting lumakas iyon hanggang sa maging halakhak.

"Sa wakas! Magkakaroon na ako ng mga poging jowa! Bibigyan ko s'ya ng maraming eyeball lollipops, magde-date kami sa ilalim ng pulang buwan at mamumuhay ng maligaya habang buhay kasama ang aking mga pinkamamahal na laruan!!" hindi napigilang bulalas ko na halos umabot sa gilid ng mga mata ang ngisi habang nanglalaki ang mga mata sa pagkasabik.

Sabay na napa-iling sina Aztec at Samu at napatapik naman ng malakas sa noo si Apache sabay ungol. "Sapalagay ko may defect pa rin ang gawa natin guys!"




The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon