CHAPTER NINETEEN

3.2K 270 124
                                    


"Lalala, lala, lala!" kanta ko habang pakandirit na naglalakad sa gitna ng lubak na daan patungo sa direksyon ng aking bahay.

Hindi maiwasan na makaramdam ako ng tuwa, pananabik at konting pagkabahala bagamat batid kong wala akong dapat ipag-alala sa hindi ko pag-uwi ng ilang araw dahil wala naman akong naiwang kayamanan na maaaring pag-interesan ng kahit sino maliban sa pamanang lumang aklat ni Lola na s'yang pangunahing dahilan ng aking pagbabalik.

Ang bahagya ko lang ipinag-alala ay ang aking mga tanim na rosas na tanging pinagkukunan ko ng kabuhayan.

"Fufufu! Sana naman ay hindi sila gaanong natuyot!" Umaasa ako na pagkatapos ng aking misyon sa bayan ng 'pinagsususpetsayan' kong mga asong-lobo ay magagawa kong payabungin uli ang mga iyon.

Binilisan ko ang paglalakad ngunit maya-maya ay bigla akong napahinto nang may makitang mga batang naglalaro sa hindi kalayuan.

"Fufufu!" hagikhik ko at nangislap ang mga matang dahan-dahang humakbang palapit sa mga ito para lamang muling mapahinto nang makitang isa sa mga paslit ay itinulak ng mga kalaro sa lupa dahilan upang umiyak ito.

"Pangit ka! Ayaw ka naming kalaro!" tukso ng isa na dumampot ng bato at akmang ipupukol iyon sa pobre.

Mabilis akong kumilos at buhat sa likuran ay pinigilan ito. Napalingon sa akin ang mga paslit at awtomatiko akong ngumisi sabay yuko.

"Fufufu! Ano sapalagay mo ang ginagawa mo, bata?" anas ko sa napakalamig na boses sapat upang manlaki ang mga mata at tumayo ang mga buhok sa ulo ng aking tinanong.

Tumahimik at napuno ng tensyon ang buong paligid. Nakita ko kung paanong matulala, pamutlaan ng mukha ang mga munting nilalang sa aking harapan at sabay-sabay na mapalunok.

Muli akong napahagikhik sabay kiling ng aking ulo at sigaw sa mga ito ng, "Boooo!"

Sa gulat at pagkasindak ay napahikbi at malakas na pumalahaw ng iyak ang mga ito. Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng mga galit na tinig mula sa kabahayan na naroon.

Fufufu!

Mukhang kailangan ko nang tumakbo!

_______

NANG mga sandaling iyon...

Isang naiiritang ungol ang kumuwala sa lalamunan ni Legion habang may pagka-inip na naghihintay sa loob ng pick up.

"Huwag kang masyadong mainipin, kuya? Kaaalis lang ng binibini, namiss mo na s'ya agad?" hindi nakatiis na tudyo ni Apache sa kapatid.

"Shut up, mutt!" angil ng Beta saka binigyan ang binatilyo ng isang sapak na ikina-ungol nito.

"That's hurt! Bakit hindi mo na lang aminin na intresado ka sa pangit na 'yon!"

"That woman is not really ugly, stupid! She's just weird but not ugly!" asik ni Legion dito na pareho nilang ikinatahimik pagkatapos.

Napakurap si Apache at maang na tinitigan ang nakatatandang kapatid. "I knew it! Nakita mo ang tunay n'yang hitsura kanina, tama ba ako, kuya?"

Napalatak ang tinanong sabay iwas ng tingin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Umiling ang binatilyo. "Huwag ka ng tumanggi. Alam kong nakita mo ang buong mukha ng wirdong binibini!" Lumarawan ang kuryosidad sa mukha ni Apache. "Maganda ba s'ya? Kung ganoon may pag-asa pa nga na baguhin pa ang hitsura n'ya. Teka, anong kulay ng mga mata n'ya, kuya?"

Nasusuyang umungol si Legion bago dinukwang ang pinto sa tagiliran ng kapatid. "Itigil mo na ang walang kwenta mong pagtatanong, bubwit at sundan mo ang babaeng 'yon!"

Sinipa nito palabas ang binatilyo bago muling nagsalita.

"Siguraduhin mong madadala mo s'ya pabalik at ang sinasabi ng babaeng paniking iyon na lumang libro kundi pareho kayong makakatikim sa akin!"

Guyumos ang mukhang tumayo si Apache at akmang magrereklamo ngunit nagbago ang isip nito at mabilis ma tumakbo palayo nang sipatin ng matalim na tingin ng kapatid.

"Pasaway!" Napalatak si Legion sabay tukod ng mga siko sa manibela at hilamos sa mukha. Dahil sa mga tanong ng nakababatang kapatid ay hindi maiwasan na maalala n'ya ang mukha ng wirdong binibini. "Ano nga ba ang nakita ko?"

_______

SAMANTALA...
(Erika's POv)

Habol ang hininga na narating ko sa wakas ang kinatitirikan ng aking lumang tahanan.

"Fufufu! Nakatatakot!"

Sa totoo lang ay muntik na ako doon. Ilang puno ang aking inakyat, ilang butas ng kanal ang sinuot at ilang damuhan ang aking pinagkublian huwag lamang mahuli ng mga magulang ng mga batang pina-iyak ko kanina.

Fufufu!

Siguro naman ay hindi na nila ako hahabulin.

Humakbang ako patungo sa pinto at akmang kukunin ang susi sa aking bulsa nang marinig ko ang tahol ni Bruno.

Fufufu!

I miss you too, Bruno ngunit saka na kita tatakutin dahil kailangan kong magmadali.

Sa mga oras na iyon mukhang nags-siesta ang aking mga kapitbahay kaya walang mga tsismosa ang makikita man lang sa labas.

Mas mainam dahil gusto kong makita nila ako kung kailan maganda na ako. Kung kailan hindi ko na maririnig ang mga panlalait at panlilibak ng mga ito.

Tao rin lang ako. Kahit pa sabihing sanay na, ay hindi pa rin maiiwasang makaramdam ako ng sakit sa dibdib sa tuwing ituturing nila akong kakaiba kesa pangkaraniwang nilalang.

Napabuntong-hininga ako.

Sana lang ay hindi ako pinasasakay lang ng binatilyong nag offer sa akin ng isang malaking transpormasyon kundi minu-minuto kong irarampa ang nakahihilakbot kong mukha sa bayan ng mga asong lobo.

Fufufu!

Iyon lang at binuksan ko na ang pinto sa aking harapan ngunit para lang mapahinto ng may maulinigan sa aking likuran.

"Hikhikhik!" hagikhik ng kung sino roon.

"Fufufu!" hagikhik ko naman.

"Hikhik!" muling hagikhik nito.

"Fufu!" hindi ko patalo.

"Hik!"

"Fu."

Sa pagkakataong iyon ay unti-unti akong bumaling dito para lamang mapa-atras nang makita ang isang matandang ginang na nakasuot ng kulay putik na roba sa labas ng bakuran ng aking bahay. Kulubot na ang balat sa mukha nitong nakalitaw sa hood ng suot at nakatatakot ang nanlilisik at malalaki nitong mga mata. Sa kamay ng matanda ay napansin ko ang isang walis na may kawayang hawakan.

"Hikhikhik! Binibini, maaari ba akong maki-inom?" anito na ikinalunok ko.

Hindi ko maintindihan ngunit tila iba ang pakiramdam ko dito. Subalit sa likod ng aking kapangitan, hindi ko ugali na tanggihan ang mga nangangailangan ng tulong lalo na at isang matanda ng gaya nito.

"Fufufu! Saglit lang po, Lola. Ikukuha ko kayo ng tubig." Iyon lang at may pagmamadali akong pumasok sa aking bahay upang bigyan ito ng inumin.

Hindi ko na napansin pa nang gumuhit ang isang mapanganib na ngisi sa labi ng matanda bago ito muling humagikhik.





The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon