CHAPTER TWENTY ONE

2.7K 279 91
                                    

NAGING napakabilis ng mga pangyayari. Sa isang kisap ng mata ay nasa harapan ko na si Mrs.Dennis at mariin akong hinawakan sa braso bago p'wersahang hinila palabas dahilan upang mabitawan ko ang aking bag.

"Patayin ang mangkukulam na ito!" sigaw ng ginang.

"Shit!" Narinig kong mura ni Apache at nagtangkang agawin ako sa may hawak sa akin ngunit mabilis na kumilos ang aking mga kapitbahay.

Namalayan ko na lang na nasa gitna na ako ng mga ito at pinagtutulungan nilang saktan.

"Ito ang nararapat sa'yo, alagad ng dilim!" galit na wika ng isa sabay hila sa aking buhok at tulak sa akin dahilan upang mapasubsob ako sa lupa.

Impit akong napa-ungol sa tila pagkapunit ng aking anit at gasgas na aking natamo nang bumagsak ako sa batuhan. Akma akong babangon upang sapuin ang aking braso ngunit para lamang mapa-igik ng may tumama sa aking noo na matigas na bagay.

Nakaramdam ako ng mainit na likido na dumaloy sa aking mukha kasabay ng biglang pagkahilo kaya muli akong bumagsak sa lupa ngunit tila hindi pa doon natatapos ang lahat dahil maya-maya ay inulan na ako ng mga malalaking bato.

Mabilis kong prinotektahan ang aking ulo at mukha at gumapang palayo.

Anong nangyayari?

Bakit nila ako sinasaktan?

"Itigil n'yo 'yan!" narinig kong sigaw ni Apache sa likuran ngunit mukhang hindi nito maawat at ni hindi ito makalagpas sa mga malulupit na nilalang na tumutuligsa sa akin.

"Dapat noon pa namin ginawa ito sa'yo, mangkukulam!" angil ng isang ginoo at pinigilan ang aking paglayo. Naramdaman ko ang pagbaon ng kamay nito sa aking balikat bago ako hinila patayo sabay kaladkad sa akin palabas ng aking bakuran.

Litong-lito sa mga pangyayari na wala akong nagawa. Hindi ako makapagsalita at ni hindi makalaban dahil sa hindi pagkapaniwala sa pagiging marahas ng mga ito.

Ang tanging nagawa ko na lamang ay kagatin ang aking pang-ibabang labi habang nararamdaman ko ang patuloy na pagsabunot sa aking buhok at pagkalmot sa akin ng aking mga galit na galit na kapitbahay habang hinihila pa rin ako ng kung sinomang may hawak sa akin.

Fufufu!

Hindi ko maintindihan.

Iyon ba ang kabayaran ng ginawa kong pananakot sa mga batang iyon?
Ngunit kung hindi ko pinigilan ang mga 'yon, maaring masaktan ang paslit na kalaro nila hindi ba?

Nahinto ako sa pag-iisip nang huminto ang kumakaladkad sa akin sa tapat ng isang patay na puno sa harap ng bahay ni Mrs.Dennis.

"Lubid! Kumuha kayo ng lubid!" anito at awtomatiko na may nag-abot dito niyon saka ako itinali sa katawan ng puno.

"Fufufu! Ginoo, wala akong kasalanan," anas ko sa nanginginig na boses ngunit tila wala itong narinig at kumuha ng mga tuyong dayami saka inilagay sa aking paanan. Hinagilap din ito ng isang balde na nasa isang tabi at ibinuhos ang laman niyon na gasolina pala paikot sa akin.

"Sunugin ang mangkukulam! Sunugin!" sigaw ng aking mga kapitbahay dahilan para mapalunok ako at makaramdam ng takot.

Sunugin?

Susunugin nila ako ng buhay?

Nagpanic na napa-iling ako. "W-wala akong ginawang masama. Itigil n'yo na ito," wika ko.

"Tumahimik ka, mangkukulam!" asik ni Mrs.Dennis at kinuha sa bulsa ang isang panyo at sapilitang ipinasak iyon sa aking bibig.

"Sunugin! Sunugin!"

Nangilid ang luha sa aking mga mata na natatakpan ng makapal kong bangs.

Hindi ko maunawaan.

Bakit ayaw nilang maniwala? Mahilig akong manakot sinasadya man o hindi ngunit kahit kailanman ay hindi ko magagawang manakit ng mga bata.

Hindi rin ako halimaw upang kainin ang mga ito.

Matagal na kaming magkakapitbahay ngunit bakit... bakit ganito sila sa akin?

Kahit kailan ay hindi nila ako itinuring na normal. Laging iniiwasan o hindi kaya ay laging nililibak.

Dahil ba ganito lang ako? Lumaking walang magulang? Lumaking hindi kagandahan?

Lumaki na kakaiba?

Hindi ba nila nauunawaan na kaya ako nagkaganoon ay dahil sa diskriminasyong ipinamulat nila sa akin at sa aking lola?

Naglandas ang luha sa aking mga pisngi habang naririnig ang mga sigaw sa aking paligid ngunit sa likod niyon ay pilit na hinagilap ng aking mga mata si Apache.

Wala roon ang binatilyo na s'yang nag-iisang maaring makatulong sa akin.

"Ito na ang katapusan ng iyong kasamaan," anang ginoo na s'yang nagtali sa akin sa puno bago inilabas sa bulsa ang isang posporo.

Napa-iling ako at hilam sa luhang tinitigan ito.

Sino ba ito?

Hindi ko ito kilala.

Noon ko lang ito nakita sa bayang iyon.

"Paalam na, binibini! Hikhikhik! bulong sa akin ng ginoo na ikinasinghap ko.

Akmang bubunot na ito ng isang palito upang silaban ang tuyong dayami sa aking paanan nang isang malakas na alulong ang biglang pumuno sa buong paligid na ikinapitlag at ikinagulat ng lahat.

Maging ako ay napa-unat sa pagkakasandal sa puno at bumaling kung saan iyon nagmula ngunit ganoon na lang ang aking pagkahilakbot nang isang napakalaki at mabalahibong nilalang ang tumalon sa ere at bumagsak sa aking tagiliran.

Nanlaki ang mata ng ginoo na s'yang nakaisip na sunugin ako at napahakbang ito paatras.

"What do you think you're doing, humans!" sa tila buo at garalgal na boses ay angil ng bagong dating bago bumaling sa aking mga malulupit na kapitbahay.

Nasapo ni Mrs.Dennis ang mga pisngi nito at namutla ang mga buong mukha sa hilakbot at hindi pagkapaniwala sa nakikita. "H-halimaw..." anas ng ginang bago malakas na pumalahaw. "Halimaw! May halimaw!"

Sabay-sabay na napasinghap ang mga kasama nito bago sabay-sabay ding sumigaw na halos gumulantang sa buong Lilipun bago nagkan'ya-kan'ya ng takbo palayo.

Malakas na singasing at angil ang muling pinakawalan ng hindi mapangalanang nilalang bago ito bumaling sa akin. "Mga pasaway na mga mortal!" anito bago tinanggal ang panyo sa aking bibig at walang kahirap hirap na sinira ang lubid na nakatali sa akin gamit ang matatalas nitong mga kuko.

Nang hustong makawala sa pagkakagapos ay paunahang bumagsak ang aking katawan ngunit mabilis akong sinambot ng mabalahibong nitong braso.

Tila tinakasan ng buong lakas na napahilig ako sa dibdib nito bago mahinang humagikhik. "Fufufu! Sabihin mo nga, ginoong halimaw," anas ko dito habang unti-unting hinihila ng kung anong p'wersa ang aking kamalayan. "Totoo bang kinain n'yo si Little Red Riding Hood?" iyon lang tuluyan ng kinain ng kadiliman ang aking diwa.
























The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon