CHAPTER EIGHTEEN

3K 299 83
                                    

NANG sumunod na araw, hindi pa man kumakalat ang liwanag sa kalangitan ay may pagmamadaling lumabas sa packhouse si Legion at dumiretso ito sa nakahimpil na pick-up sa 'di kalayuan.

Binuksan nito ang pinto sa tapat ng driver seat saka pumuwesto sa upuan. Akmang bubuhayin pa lang ng binata ang makina ng sasakyan nang biglang bumukas naman ang pinto sa tapat ng passenger seat.

Isang dalaga na punong-puno ng madilim na awra ang pumasok sa loob. Suot ang itim na mahabang bestida at itim na bandana habang kulay itim na itim din ang mahaba nitong buhok at bangs.

"Fufufu! Magandang umaga, Ginoo," bati ng kakatwang dalaga sa Beta sa boses na tila hinugot pa sa kailaliman ng lupa.

Lahat siguro ay makararamdam ng takot ngunit hindi si Legion na yamot na tinapunan ng tingin ang katabi. "Bakit d'yan ka naka-upo?" sita nito sa walang ibang si Erika.

Muling humagikhik ang dalaga bago may pagmamadaling kumilos na umupo sa ibabaw ng hita ng binata. "Dito ba ako dapat umupo, ginoo? Fufufu!"

Isang ungol ang pinakawalan ng Beta. "Kapag hindi ka umalis sa kandungan ko, itatali kita sa gulong ng sasakyan, babaeng paniki!"

Sa narinig ay mabilis na nagpadulas si Erika at bumalik sa dating puwesto nito. "Fufufu! Masyado namang mainit ng ulo mo, ginoo."

"Masanay ka na sa pagiging masungit ni Kuya Legion, binibini," singit sa usapan ng binatilyong huling lumulan sa loob ng pick up. Umupo ito sa kanan ni Erika sabay bulong ng, "Matandang binata na kasi 'yan."

Dahil doon ay sabay na tumawa ang dalawa na lalong ikinaguyumos ng mukha ng Beta. Dinukwang nito ang kapatid na si Apache at binigyan ng isang sapak.

"Aw! Kuya Legion!" ungol ng binatilyo bago sinapo ang nasaktang ulo.

"Wala akong sapat na pasensya ngayong araw na ito para sa in'yong dalawa! Kung ayaw n'yong pareho ko kayong sipain palabas ng sasakyan, tumahimik kayo!" angil ni Legion na sabay na nagpapinid sa mga labi ng dalawang kasama.

Sinamantala iyon ng Beta upang buhayin na ang makina ng pick-up saka mabilis na pinasibad palayo ng packhouse.

______

(Erika's POV)

Fufufu!

Maaga kaming gumising upang bumiyahe patungong Lilipun. Ang totoo hindi naman talaga ako nakatulog dahil magdamag kong pinag isipan ang sinabi ni Apache na pagagandahin ako nito.

Fufufu!

Ang sabi ng binatilyo ay pagkabalik na lang namin dahil kailangan ko munang makuha ang lumang libro ni Lola at magawa ang lunas para sa epidemya.

Excited pa naman ako.

Fufufu!

Minsan pinapangarap ko ding masabihan na maganda. Ang lingunin ng mga kalalakihan. Ang pagnasaan.

Ang maranasan na magka nobyo. Ang mayakap ng mahigpit at mahalikan.

Fufufu!

Napagsalikop ko ang aking mga kamay at tila nangangarap na inihilig ang aking ulo sa aking kaliwa ngunit para lamang tumilapon iyon pakanan nang ipiksi ni Ginoong Lumot ang balikat nito at sibatin ako ng nakamamatay na sulyap bago muling ibinaling ang tingin sa unahan ng sasakyan.

Napanguso ako at sa ilalim ng makapal kong bangs ay inirapan ang masungit na binata.

Kung pangit ako, pangit naman ang ugali nito.

Kung hindi lang magiging abala si Ginoong Nakasisilaw sa paghahanap sa kung sinomang nagpalaganap ng Moon Coronapest, ang mabait na ginoo sana ang kasama namin sa mga sandaling iyon at hindi ito.

Muli akong napanguso at minabuting umidlip na lang dahil ayon kay Ginoong Lumot aabutin ng mahabang oras bago kami makarating sa Lilipun.

_______

SAMANTALA nang mga sandaling iyon sa WarLord Territory, sa lihim na kuweba,

"Hikhikhik! Mukhang may pupuntahan ang mga asong lobo kasama ang pangit na 'yon!" ani Perusha sa harapan ng mahiwagang kawa bago ito ngumisi ng malawak. "Hindi ako papayag na hindi ako kasama! Hikhikhik!"

Iyon lang at tumalikod ito bago hinagilap sa isang sulok ang isang walis na may mahabang kawayang tangkay.

"Tara na't lumipad, mahal ko!" anito at sumakay sa walis na awtomatikong gumalaw at umangat sa ere bago mabilis na lumipad palabas ng kweba. "Up, up and away! Hikhikhik!"

________

-TIME SKIP-
(Legion's POV)

Anim na oras ang aking binuno bago marating ang Lilipun. Mas mabilis kesa sa mga ordinaryong b'yahe. Kung bakit? Iyon ay dahil anim na oras na ring nakahiga sa aking mga hita ang babaeng hindi ko maipaliwanag ngunit lubos na nagpapakulo sa aking dugo.

Ilang beses kong tinimpi ang aking sarili kahit kating-kati na akong gisingin ito at itapon sa likuran ng sasakyan ngunit hindi ako ganoon kasama upang bulabugin ang tulog nito.

Ilang beses din naman na napansin ko ang pagngisi ng aking kapatid ngunit sa tuwing babatuhin ko ito ng masamang tingin ay mapang-asar lang itong tatawa.

Batid kong pulang-pula na buong mukha ko sa pagka-asar pasalamat na lang at narating na namin ang aming destinasyon.

Ipinarada ko muna sa harap ng pamilyar na grocery store ang pick-up at nang hustong huminto iyon ay hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili.

Niyugyog ko ang balikat ng wirdong binibini na ginawang unan ang aking hita. "Wake up, she-bat!"

Agad naman itong naalimpungatan. Nakaramdam ako ang kaginhawahan nang dahan-dahan nitong ini-angat ang ulo habang sa aking direksyon nakabaling.

Dala ng kuryosidad, hindi maiwasan na titigan ko ito hanggang sa magpantay ang aming mga mukha para lamang manlaki ang mga mata sa gulat nang sa unang pagkakataon ay masilip ko kung ano ang nagtatago sa ilalim ng makapal at itim na itim nitong bangs.

Wala sa sariling umangat ang aking kamay upang alisin ang bandana sa ulo nito at mas matitigan pa ito ng husto ngunit bigla akong natigilan nang magsalita ito.

"Fufufu! Magandang umaga, Ginoong Lumot," tila nananaginip na bati sa akin ng binibini sapat upang ako'y matauhan.

Agad kong ini-iwas ang aking paningin dito sabay angil. "Tanghali na! Nagmamadali tayo kaya maaari bang ituro mo na kung saan ang daan patungo sa bahay mo!"

Narinig ko ang pag-ungol nito bago umayos sa pagkaka upo. "P'wede bang ako na lang ang kumuha sa libro? Hintayin n'yo na lang ako dito, mga Ginoo," anito na ikina-kunot ng aking noo ngunit bago pa ako makapagtanong kung bakit ay muli itong nagsalita.

"Iyon ay kung ayaw n'yong mapagkamalan na nobyo ko, fufufu!"

Sa narinig ay sarkastiko akong tumawa sabay baling dito. "Listen, ugly bat," kuha ko sa buong atensyon nito. "I'd rather die than date a weird creep like you. Now hurry up and get that book!"

Damn it!

Walang sinomang lalake ang nasa tamang pag-iisip na gugustuhing maging kasintahan ang tulad nito lalong lalo na ako.

Fucking ridiculous!

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon