CHAPTER FIFTEEN

3.7K 326 111
                                    

       Dedicated to: Rince_Queen

Logan's POV...

Isang naiiritang ungol ang aking pinakawalan habang tahimik na sinusundan ng tingin ang kakatwang babaeng bigla na lang sumulpot sa aming teritoryo. Tapos na itong kumain at kasalukuyang sinusuri ang isang pasyente na mukhang tatakasan ng ulirat habang nakahiga sa medical bed.

Napalatak ako.

The Alpha really has a big heart and women is his weakness. Walang pinipili. Kahit kasing pangit ng babaeng paniking iyon, napakadali nitong lumambot.

Ngunit hindi ako!

Hindi ako malilinlang ng babaeng iyon na lakas loob na nagboluntaryong lulunasan ang mahiwagang karamdaman ng WarLord pack. Ilang manggagamot na ang sumubok ngunit lahat ay nabigo kaya duda ako na magagawa ngang pagalingin nito ang mga pasyente sa pagamutang iyon.

Idagdag pa na mukhang may lahing magkukulam ito.

That woman!

Hindi ba at nagawa ako nitong idikit sa itaas ng kisame? Ginawa ako nitong katawa-tawa kaya ano mang paliwanag ang ibigay nito, hindi ako maniniwala na hindi nito alam kung paano iyon nagawa.

It's obvious.

She has dark magic!

And what if that dark magic only make the plague worse? Na imbes gumaling ang mga may sakit ay lalo lang lumala ang kalagayan?

Naningkit ang aking mga mata at napatiim bagang ako.

There's right time for confrontation but if the ugly bat fail us, I'm going to tie her up the tree upside down for eternity.

Sa isiping iyon ay guyumos ang mukha na umupo ako sa sulok ng pagamutan at itinutok ang  buong atensyon dito. I have to be more observant. I don't trust her!

"She's not that bad, bro," the Alpha suddenly sat beside me. Mukhang nahulaan nito ang nasa aking isipan.

I heaved a deep sigh. "Bro, I know we're desperate but that woman is a mere stranger. We know nothing about her. She's weird and her ugliness is enough for us not to trust her."

The Alpha frowned and scratched his chin with his finger. "Yes, I can tell she's different but she's not ugly." He then grinned widely. "For me, she's pretty."

Napalatak ako at may pagtatakang tiningnan ang leader ng aming pack.

Seryoso ba ito?

Pretty?

Ang babaeng paniki na 'yon?

Napa-iling na bumalik ang aking paningin sa tinutukoy ng Alpha at pilit na hinanap ang gandang nakita nito.

Ikiniling ko ang aking ulo at tiim na sinuyod ng tingin ang wirdong babae.

Itim na bestida, itim na bandana at itim na itim na buhok? Mahaba din ang bangs nito kaya kahit anong silip, hindi ko maaninag kahit ilong man lang nito.

'Damn it,' I cussed mentally.

What the hell is wrong with her and her style? She look stupid and creepy. Saang planeta ba ito nagmula?

Hindi man mamatay ang mga m'yembro ng pack dahil sa karamdaman, tiyak na babawian naman ng buhay ang mga ito sa takot dito.

"She's a big threat to our packmembers, bro," madiing wika ko sa Alpha ngunit mukhang hindi na magbabago pa ang isip nito.

"Come on. Give her a chance," Lux uttered and leaned into his seat. "For now, she's our only hope. Let's have a little faith on her."

I sarcastically laughed and gritted my teeth. "I can't do that to woman who made me chase after her and glued me into the ceiling like a fucking gum, bro."

My first clenched.

That ugly bat! If something bad happens, I'll make sure that she'll end up as a bat soup!

I fucking swear!
_________

Samantala ng mga sandaling iyon...

(Erika's POV)

Pangatlo na iyon sa aking nasuri.

Medyo mahirap naman kasi na makipaghabulan at kumbinsehin ang mga pasyente sa pagamutang iyon na hindi ako nangangain ng tao. Ngunit ganoon pa man, kahit paano ay nagawa ko namang makuha ang kailangan kong impormasyon.

Hindi nakaligtas sa aking matatalas na mga mata ang ilang mga palatandaan ng mahiwagang karamdaman.

Mga butlig, mataas na temperatura ng katawan at higit sa lahat, mabahong singaw ng katawan.

'Sapalagay ko, kailangan lang nila ng paligo, fufufu!' anas ko sa aking isip at wala sa sariling napatingin sa direksyon ni Ginoong Nakasisilaw at Ginoong Lumot.

Agad na ngumiti ang una sa akin samantala halos patayin naman ako ng malasibat na tingin ng pangalawa.

Napanguso ako.

Tsss...

Hindi ko maintindihan kung bakit napaka-laki ng problema ng isang 'yon sa akin.

Umingos na muli kong ibinalik ang aking atensyon sa babaeng pasyente sapalagay ko ay kasing edad ko lang na nasa aking harapan saka ito kinausap.

"Maaari ko bang malaman kung bakit napakasungit ng lalakeng may kulay berdeng buhok na iyon? Ipinaglihi ba s'ya sa sama ng loob?" tanong ko rito at binigyan ito ng isang malapad na ngisi.

Kailangan kong makakuha ng sagot dahil hindi ko magagawa ng maayos ang aking sinumpaang tungkulin kung may kumokontra sa aking malinis na hangarin.

Sa aking panggigilalas ay tumugon ang aking kausap. "Gan'yan lang talaga si Beta Logan, Doc, pero kung makukuha mo ang ugali n'ya, malalaman mo kung gaano s'ya kabuti."

Napakurap ako at matiim na tinitigan ang pasyente sa ilalim ng makapal kong bangs.

Ipinilig ko ang aking ulo.

"Fufufu! Nananaginip ba ako?" anas ko na hinagilap ang kamay nito. "Sa unang pagkakataon, may isang nilalang na hindi natakot sa akin."

Isang tipid na ngiti ang iginanti nito sa akin bago tumugon ng may pait sa boses. "Ano pa ba ang aking katatakutan kung nalalapit na rin naman ang aking kamatayan?"

Sa narinig ay bigla akong natigilan at tila kinurot ang aking dibdib sa aking narinig dito.

"Doc, may pag-asa pa ba kaming gumaling?" anito at nangilid ang luha sa mga mata.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalana bago sumagot ng buong katapatan. "Fufufu! Alam kong hindi mapagkakatiwalaan ang aking mukha ngunit ang masasabi ko lang, hindi ako uuwi ng Lilipun ng hindi kayo nalulunasan."

Totoo iyon.

Una, nakapag bigay na ako ng salita kaya wala nang atrasan pa. Pangalawa, gusto kong tumanaw ng utang na loob kay Ginoong Nakasisilaw dahil sa kabaitan nito at ang panghuli, gusto kong patunayan sa ginoong Lumot na iyon na pangit man ako, maganda naman ang aking kalooban.

Fufufu!

Sana lang ay magtagumpay ako dahil alam kong hindi lang mga mala-sibat na tingin ang ibibigay sa akin ng Ginoong masungit na iyon kapag nagkataon.

Baka sabawan din ako nito!


The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon