CHAPTER FOURTEEN

3.9K 319 156
                                    

SILIP dito, silip doon.

Papasok ba ako sa loob ng pagamutan na nasa aking harapan o itutuloy na lang ang ginagawang panunubok sa mga pasyente sa loob?

Fufufu!

Gusto ko yatang pagsisihan ang pag boboluntaryo ko na gamutin ang kung anumang mahiwagang karamdaman 'daw' na kumakalat sa lugar na iyon at tumalikod na lang upang umuwi na ngunit bago ko pa mapagdesisyunan ang aking gagawin ay walang ano-ano'y may dumapo sa katambukan ng aking pang upo na isang malakas na sipa.

Gulat na impit akong napatili at lumasik papasok ng gusali. Pasadsad akong bumagsak sa harap ng mga napasinghap na nilalang roon na agad lumarawan ang sindak ng makita ako.

"Panginoon ko! Katapusan na ba ng mundo!"

"Iligtas n'yo kami, Dyosa ng buwan!"

"Dyablo! May dyablo!"

Narinig kong bulalas ng mga ito at kan'ya kan'ya nang naging pagtakbo patungo sa kung saan-saang sulok ng pagamutan.

Fufufu!

D'yablo talaga? Nang huli kong makita ang aking sarili sa salamin, mukha lang akong malayong kamag-anak ng mga maligno.

Nakapagtataka naman.

O talaga lang mabilis ang naging ebolusyon ng aking kapangitan?

Napabuntong-hininga na naiiling akong dahan-dahang bumangon saka nilingon ang kumag na s'yang sumipa sa akin at agad naman itong nakita sa hamba ng pinto na naka-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib at may nakalolokong ngisi sa mga labi.

"Now we're even, ugly bat!" anito na ikinahilamos naman sa mukha ng katabi nitong si Ginoong Nakasisilaw.

"Bro, you shouldn't do that to a girl," anang aking tagapagtanggol laban kay Ginoong Lumot at akmang lalapitan ako upang tulungang makatayo ngunit mabilis akong gumapang palayo dito patungo sa ilalim ng medical table na naroon.

Hohoho!

Ano sapalagay nito ang kan'yang gagawin?

Hindi na ako magpapalinlang dito. Masyado nang kritikal ang kalagayan ng inosenteng dugo sa aking katawan kaya hindi na ako muling magpabiktima sa kaguwapuhan nito.

One meter away!

Kailangan nang matinding social distancing kapag nasa paligid ito kung hindi, mapapadali ang walang ka-kwenta kuwenta kong buhay.

"Fufufu! Hanggang d'yan ka lang, Ginoong Nakasisilaw. Kung gusto mong magamot ang mga may karamdaman sa lugar na ito, pakiusap ilayo mo sa akin ang mapanganib mong mukha. 300 light years away!" wika ko dito at inayos ng mabuti ang bandana sa aking ulo.

Awtomatiko namang huminto ang ginoo sa paglapit sa akin sabay taas ng mga kamay sa ere. "O-okay, Miss. Pero 300 light years away? Baka lumampas na ako sa buwan 'non?"

Fufufu!

Oo nga naman. Kung iisipin ay may punto ito ngunit subalit datapwa ay isang malaking banta para sa akin ang ginoo kaya kung sakali na lumampas man ito sa solar system, mas mainam!

"Tsk, don't let that woman deceive you, bro! Mukha nga ng pangit na 'yan hindi n'ya na magamot, ang sakit pa na lumalaganap dito?" singit ni Ginoong Lumot na talaga namang pinangangatawanan yata ang pagiging kontrabida.

Ngunit imbes na mainis o mainsulto ay napabungisngis ako. "Patawad  ngunit wala nang lunas ang kapangitang ito, Ginoong Masungit ngunit ang karamdaman ng mga narito, may pag-asa pa."

Nagdesisyon akong alisin muna dito ang aking atensyon at dahan-dahan kong ipinihit ang aking ulo sa mga pasyenteng nasa mga sulok ng pagamutan na muling lumarawan ang gimbal sa mga mukha.

Imboluntaryo na gumuhit ang malapad at kahila-hilakbot na ngisi sa aking labi. Hahagikhik din sana ako ngunit bigla akong matigilan nang mag-ingay ang aking sikmura.

Nasapo ko ang aking t'yan at nanlisik ang aking mga matang namumula dala ng matinding puyat. 

"Nagugutom... nagugutom ako, gusto kong kumain!" malakas na ungol ko sa boses na tila nagmula sa kabilang buhay para lang mapatalon sa gulat nang malakas na maghiyawan ang lahat ng mga pasyente at kan'ya kan'ya ng karipas ng takbo palabas ng gusali.

Sinundan ko ng tingin ang mga ito at kurap ng ilang beses. Kasunod noon ay napalunok ako at tila natatakam na pinaraanan ng dila ang aking mga labi.

Namamalikmata ba ako?

May mga tumatakbong crispy chicken!

Fufufu!

Yum, yum, yum!
_________

Time skip...

Kalahating oras din ang itinagal bago naibalik sa loob ng pagamutan ang mga may karamdaman at mapakalma ako matapos kong habulin ang mga ito sa pag-aakalang ulam na manok ang aking nakita dala ng matinding gutom.

"For heaven's sake! Kagabi pa s'ya sa basement pero ni hindi n'yo man lang naisip na bigyan ng pagkain!"

Narinig kong kompronta ni Ginoong Nakasisilaw sa pamilyar na bagong dating na mga lalakeng kung hindi ako nagkakamali ay ang tumulong sa akin sa pagpapa-anak sa magandang binibini nang nakaraang gabi.

"Patawad, Alph- er... este kuya Lux," napangiwing wika ng binatilyo na may mahaba at nakatirintas na buhok.

"Lux, bro. Haunted ang basement na 'yon kaya walang naglakas loob na dalhan ang binibini ng pagkain kagabi. Idagdag pa na mukha s'yang---" huminto ang may kulay pulang buhok na ginoo sa kan'yang sasabihin at napatingin sa akin.

Buhat sa isang mesa sa isang tabi, habang nilalapang ko ang malaking piraso ng hita ng crispy pata ay ako na ang nagdugtong sa nabiting pangungusap nito. "Engkanto?."

"No."

"Maligno?"

"P'wede, pero 'yong mas pangit pa 'don."

"Mangkukulam?"

"That's it! Thanks, Miss Witchy," anito sabay kindat sa akin.

"Walang anuman." Kibit-balikat na itinuloy ko ang pagkain. Wala akong pakialam kahit tawagin pa nila akong Reyna ng mga Ogres dahil sa mga sandaling iyon, mas mahalaga malamnan ang aking sikmura.

Dahil sa matindi kong pagsamba sa paraisong pinagkakulungan ko kagabi ay ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagkalam ng t'yan.

Napalatak ako at sinita ang aking sarili ganoon din ay ipinaalala na halimbawa man na magawa kong lunasan ang mahiwagang sakit sa lugar na iyon ay hihingi ako ng kapalit.

At iyon ay...

"Listen, ugly bat!" biglang umupo sa tapat ko si Ginoong Lumot na larawan pa rin ng kasungitan. "Huwag na huwag mo kaming bibiguin kung gusto mong makabalik pa kung saang lupalop ka man nagmula."

Napahinto ako at sa ilalim ng aking bangs ay sinalubong ang matalim nitong mga mata.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong problema nito sa akin. Dahil ba pinahabol ko ito at ipinagkit  ito sa kisame? Hindi ko naman iyon sinasadya at ni hindi ko nga alam kung paano ko iyon ginawa.

Fufufu!

Hindi kaya...

Hindi kaya may crush ito sa akin?

Bigla akong napa-iling sabay sunggab sa hawak kong crispy pata.

Gutom lang 'yan, Erika... Fufufu!







The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon