CHAPTER TWENTY FIVE

3K 278 72
                                    

"ERIKA!"

Kumislot ang aking mga tenga nang marinig ang pagtawag na iyon sa aking pangalan. Agad akong bumaling sa kung saan iyon nagmula para lamang mahigpit na masaklot ang itim kong bandana at itinakip iyong mabuti sa aking mga mukha.

Bahagya akong napa-atras nang makita ko ang tumatakbo palapit na isang malaking liwanag.

"Erika!" muling usal nito sa aking pangalan sabay hinto nang hustong nasa harapan ko na.

Suot ang kulay puting t-shirt at maong na pantalon ay saka ko lang ito namukhaan. Nangislap ang aking mga mata na nagtatago sa ilalim ng makapal at itim na itim kong bangs at napagsalikop ko ang aking mga kamay.

Fufufu!

Si Ginoong Nakasisilaw pala. Akala ko talaga ay isa itong malaking bola ng araw dahil lubhang napakaliwanag ng awra nito.

"Erika! Ayos ka lang ba?" habol ang hininga na tanong sa akin ng Ginoo na ikiputol ng aking iniisip.

"Fufufu! Bukod sa mukhang isang oras na akong naliligaw, ayos naman ako ginoo," tugon ko na hindi maiwasang makaramdam ng katuwaan dahil tila nag-aalala nito sa akin.

Lumarawan ang pasasalamat sa mukha nito bago sunod-sunod na nagtanong. "Ano bang ginagawa mo dito? Bakit pumasok ka sa kakahuyan ng mag-isa? Delikado ang lugar na ito. Wala ka bang nakita o nakasalubong na mabangis na hayop?"

Napatingin ako sa itaas bago napa-isip. "Sapalagay ko ay mayroon akong nakita kanina ngunit isa iyong mabalahibong nilalang..."

Nagngalit ang bagang nito. "Sinaktan ka ba ng nilalang na 'yon!"

Napakurap ako sabay iling. "Hindi naman, ginoo. Nagtataka nga ako kung bakit bigla s'yang tumakbo. Nagtanong lang naman ako kung saan ang daan patungo sa gitna ng kagubatan."

Napansin ko ang pagkunot-noo nito. "Tumakbo palayo? Palayo sa'yo?"

Fufufu!

"Parang ganoon na nga," wika ko na biglang nahiya dahil alam kong walang pinipili ang aking kapangitan. Kahit anong nilalang ay mapapatakbo talaga sa takot kapag nakita ako. "Sige, Ginoo. May dapat pa akong gawin."

Iniwas ang tingin na itinuon ko ang aking mga mata sa sangang daan sa aking unahan.

Sa totoo lang ay talagang nalilito ako kung saan ba ako dapat lumiko.

Akmang hahakbang ako pakaliwa nang bigla akong pigilan at hawakan ni Ginoong Nakasisilaw sa braso sabay higit sa akin pabalik.

"Saglit, binibini," wika nito.

Dahil doon at muli akong bumaling dito para lamang mapasinghap ng bumangga ang aking mukha sa malapad nitong dibdib.

Fufufu! Ang tigas!

"May problema ba, Ginoo?" tanong ko na biglang naguyumos ang mukha ng masamyo ang amoy ng katawan nito.

Lahat ba ng mga asong lobo ay ganoon kabaho?

Napa-iling ako sa aking sarili dahil base sa aking pagkakatanda, mabango si Ginoong Lumot.

Nakarinig ako ng kaluskos sa hindi kalayuan at napansin ko nang maningkit ang mga mata ng aking kasama at humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso.    "Wala naman binibini. Subalit wala din akong tiwala sa kakahuyang ito lalo na at palubog na ang araw. Ang mabuti pa ay samahan na lang kita kung saan ka pupunta."

Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking mga labi sabay tango. "Salamat, Ginoo."

Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako mahihirapang hanapin ang bahay ng matandang tagapangalaga ng kabute ng buhay at ganoon din ay makakasama ko pa ito ng ilang oras.

Fufufu!

Ang swerte ko naman.

__________

MAKALIPAS ang ilang minuto...

Fufufu!

Nagkamali yata ako...

Hindi yata swerte ang pagsama sa akin ng ginoo.

Akala ko ay matutulungan ako nito na mahanap ang tamang daan patungo sa bahay ng matanda ngunit naka-ilang ikot na kami sa loob ng gubat ay hindi pa rin namin iyon nakikita.

Sa halip ay mukhang mas nagawi pa kami sa mas masukal na parte ng gubat.

"Anong klaseng kakahuyan ito!" angil nito na bumaling sa akin. "Ayos ka lang ba, binibini?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa pagkadismaya.

Sa totoo lang ay gustong gusto ko ng tapusin ang paggawa ng panglunas sa epidemya nang masimulan na ni Apache ang pagbago sa aking histsura ngunit mukhang malabo pa iyong mangyari.

Bagsak ang balikat na tumugon ako. "Mabuti pang bumalik na lang tayo, Ginoo at bukas na lang bumali--" naputol ang aking mga salita nang biglang kumulo ang aking t'yan.

Fufufu!

Nagugutom na rin pala ako. Ayoko namang kainin ang mga pagkain sa basket na pawang masasarap na tinapay dahil para iyon sa matandang may karamdaman.

Nasapo ko ang aking t'yan at napangiwi. Napansin iyon ng ginoo at dahan-dahang lumapit ito sa akin.

"Mukhang nagugutom ka na, binibini," anito bago kumilos at may kung anong dinukot sa bulsa ng pantalon. "Kunin mo ito at kainin. Matamis 'yan." Inilahad nito ang isang pulang-pulang mansanas na agad kong ikinalunok.

"Fufufu! Salamat!" akmang tatanggapin ko iyon nang bigla rin akong matigilan nang maalala ang matandang ginang na nakilala ko sa Lilipun.

Naalala ko ang mansanas na gusto nitong ibigay sa akin kaya napatingin ako sa pulang prutas na nasa aking harapan.

Bakit tila ang inaalok ng ginang noon sa akin at ang ibinibigay sa akin ni Ginoong Nakasisilaw sa mga oras na iyon ay iisa?

Tila napaso na bigla kong binawi ang aking kamay sabay atras at hagikhik. "S-salamat, ginoo pero hindi pa talaga ako nagugutom."

Napakunot-noo ito sabay hakbang  pasulong na hawak pa rin ang mansanas. "Ngunit narinig ko ang ingay ng iyong t'yan, binibini. Bakit hindi mo ito tikman? Kahit isang kagat lang?"

Sunod-sunod akong umiling. "Fufufu! Alam n'yo ba ang kasabihang 'an apple a day send the ugly doctor away? Pasensya na pero bawal sa akin ang mansa----"

"Sinabi nang tikman mo!"

Nagulat ako nang biglang saklitin ni Ginoong Nakasisilaw ang aking kamay at pilit na pinahawakan sa akin ang pulang prutas. "Kakagat ka, binibini o ipakakain kita sa alaga kong mamaslang na lobo?"

Pagkawika niyon ay lumabas sa damuhan ang isang malaki at mabalahibong nilalang na  ikinasinghap ko ng malakas.

"Ginoong Mabalahibo?" Agad ko itong namukhaan.

Kung ganoon ay alaga pala ito ni Ginoong Nakasisilaw?

Bumaling ako sa may hawak sa akin ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang hindi makita ang maliwanag pa sa araw na binata. Sa halip ay ang matandang ginang na nakilala ko sa Lilipun ang natagpuan ko sa aking harapan na nanlilisik ang mga mata sa akin.

Ngumisi ito ng pagkalapad na nagpalitaw sa sira nitong mga ngipin.  "Hikhikhik! Maligayang muling pagkikita, binibini."

Fufufu.

Bakit pakiramdam ko ay nasa panganib ako?







The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon