CHAPTER TWENTY THREE

3.3K 323 96
                                    

MAKALIPAS ang dalawang araw...

Tahimik na kumakain ang lahat ng almusal nang umagang iyon. Nasa dulo ng mesa ang Alpha at nasa kanan nito ang Beta na pawang tutok sa kanilang agahan ang mga atensyon. Nasa kanan and Delta na katabi naman naman ng nakababatang kapatid ng second in command.

Tanging huni lang ng mga ibon sa labas at pagkalansing ng mga kutsara at tinidor ang maririnig sa buong paligid nang biglang basagin iyon ng malakas na pagtunog ng piano mula sa basement ng bahay.

Pumailanlan ang 'Melancholia' sa ere na awtomatikong nagpahinto sa pagsubo ng lahat ng mga nasa hapag at pagtayo ng mga balahibo sa katawan ng mga ito.

"Mukhang maayos na ang pakiramdam ng binibini," anang Alpha na kabaliktaran ang naging reaksyon. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito bago itinuloy ang pagkain na tila nagustuhan ang naririnig na musika.

Bukod sa lider ng teritoryong iyon, hindi rin kakikitaan ng kahit anong takot ang Beta nito na napa-ingos lang at naiiling na isinubo sa bibig ang isang piraso ng karne.

Dahil doon ay bahagyang napanatag ang mga kasama nila at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Huminto ang pagtunog ng piano at muling namayani ang katahimikam ngunit hindi iyon nagtagal dahil napalitan iyon ng mga hagikhik na sa basement pa rin nanggaling.

"Fufufu! Fufufufu!"

Napahinto sa pagnguya ang Beta at lumarawan ang pagkasuya sa mukha nito ngunit agad na naglaho iyon ng huminto ang mga kakatwang hagikhik.

Muli ay nagpatuloy ang lahat at kung kailan akala nila ay matatahimik na muli ang oras ng kanilang almusal ay saka naman bigla pumailanlang ang isang malakas na pagsabog na nagpa-uga sa buong bahay.

"That's it!" naglitawan ang mga litid sa sentido at leeg na hindi na napigilang angil ng Beta sabay tayo sa upuan nito. "I'm so going to strangle that she-bat!"

Napangiwi ang Alpha ng mabilis na lumabas ng silid- kainan ang second in command nito.

"I think Kuya Legion is really going to kill her, Alpha," anang kapatid ng Beta na si Apache.

Dahil doon ay malalim na napabuntong-hininga ang lider. "Excuse me," anito at minabuting tumayo na rin upang sundan ang Beta nito.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nasa harap na ito ng pinto ng basement.

"Ano sapalagay mo ang iyong ginagawa! Gusto mo bang wasakin ang buong bahay na'to, babaeng paniki!" gigil na sigaw ng second in command buhat sa loob ng silid.

"Fufufu! Ngunit sinusunod ko lang kung ano ang nakalagay sa libro, Ginoong Lumot!" tugon ng isang malamig at pambabaeng boses.

Napa-iling na pumasok sa loob ang Alpha para lang muling mapabuntong hininga sa naabutang kondisyon ng silid.

Nagkalat ang mga kung anu-anong mga gamit sa pananaliksik at mga basag na bote at mga herbal sa isang tabi. Sira din at umuusok ang kabinet at ang ilang kasangkapan na naroon.

Sa gitna ng basement ay naroon ang Beta habang hawak sa kuwelyo ng bestida nito ang binibining manggagamot.

"Sapalagay mo, saan ka kukuha ng pambayad sa mga gamit na nasira mo?"

"Fufufu! Maaari bang eyeball lollipops na lang?"

"Nang-aasar ka ba talagang babae ka!"

Minabuti ng Alpha na pigilan na ang pagsasagutan ng mga ito. Mula sa pagkakahawak ng nanggagalit na second in command ay inagaw nito ang binbini saka hinila sa isang tabi upang kausapin.

"Luma na ang mga gamit na narito sa basement. Kung makatutulong sa iyong pananaliksik sa paggawa ng panglunas sa Coronapest, maaari mong gamitin ang laboratoryo sa likuran ng bahay," alok nito sa dalagang manggagamot na agad nangislap ang mga mata sa ilalim ng kan'yang makapal at itim na itim na bangs.

"Laboratoryo sa likod ng bahay? Sige, gusto ko 'yon!" Sunod-sunod itong tumango sabay ngiti ng malawak.

Natigilan ang Alpha dahil sa unang pagkakataon ay nakita nito ang pagngiti ng binibini na hindi katatakutan ng sinomang makakikita.

"You have a nice smile," hindi napigilang anas ng binatang lider at umangat sa ere ang kamay. Akmang hahaplusin nito ang may dungis na mukha ng binibini subalit ganoon na lang ang kan'yang pagtataka nang biglang nawala sa harapan nito ang dalaga ngunit agad n'ya rin itong namataan na tangay ng kan'yang Beta palabas ng basement. "Legion!"

_________

SAMANTALA...
(Erika's POV)

Fufufu!

Saan ba ako dadalhin ng ginoong masungit na ito?

At ano ba ang problema n'ya?

Hindi ko naman sinasadya na sumabog ang aking eksperimento dahil ganoon talaga. Lahat dumadaan sa pagkakamali bago maging perpekto ang pananaliksik.

Dapat alam nito ang bagay na iyon, hindi ba?

Nahinto ang katanungan sa aking isip nang tumigil sa paglalakad ang lalakeng nasa aking unahan at s'yang humila sa akin palabas ng basement nang nasa labas na kami ng bahay.

Dahil walang suot na bandana ay agad akong kumilos at hinila ang laylayan ng damit nito bago sumuot sa ilalim niyon.

"What the hell!" sigaw ng ginoo na nagulat sa aking ginawa. "Get off me, you mortal creep!"

Ngunit masyadong nakasisilaw ang araw para sa aking sensitibong mga mata kaya naman imbes na umalis sa loob ng damit nito ay ipinulupot ko pa ang aking mga braso sa bewang nito at mahigpit itong niyakap.

"Fufufu! Liwanag! Masyadong maliwanag!" anas ko upang maunawaan nito ang sitwasyon.

"Damn it!" narinig kong mura nito saka napabuntong-hininga. "Makinig kang mabuti, babaeng paniki!"

"Fufufu! Nakikinig ako..." tugon ko na hinihiling na bilisan na nito ang pagsasalita at makabalik na ako sa basement.

Masyadong mabait si Ginoong Nakasisilaw dahil nais nitong ipagamit sa akin ang laboratoryo. Sa lalong madaling panahon ay nais ko iyong subukan nang matapos na ang paggawa ng lunas sa epidemya at nang matupad na ni Apache ang pangako nito sa akin.

Fufufu!

Nais kong gumanda.

Nais kong maranasan ang pisikal na transpormasyong sinasabi ng binatilyo...

Baka sakali na kung bumalik akong muli sa Lilipun ay mag iba na ang pagtrato nina Mrs. Dennis sa akin.

Baka matanggap na nila ako.

Dalawang araw na ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang aking naranasan sa kamay ng aking mga kapitbahay.

Ang mga galit na galit nilang sigaw. Ang kanilang mga paratang. Ang matatalas nilang mga pananalita at ang kanilang pananakit.

Dahil isa akong wirdo at pangit, napakadali para sa kanila ang libakin ako.

Sa isiping iyon ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. Masaganang bumagsak iyon sa aking mga pisngi hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang tuluyang mapahagulhol.

"What the hell! Why the fuck are you crying, you stupid bat! Hindi pa ako nagsisimulang magsalita, umiiyak ka na!" muling sigaw ni Ginoong Lumot ngunit hindi ko iyon pinansin at itinuloy lang ang pagtangis habang yakap ito sa ilalim ng damit nito. "Haist! Pasaway!"

Iyon lang at naramdaman ko ang pagdampi ng kamay nito sa aking likod at marahang paghagod niyon upang ako'y pakalmahin.

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon