CHAPTER SEVEN

5.4K 417 124
                                    


MATAPOS kong mahanap ang pinanggagalingan ng mga nakakikilabot na sigaw at makita ang kalagayan ng isang babae na nasa kabuwanan na nito ay hindi nakatiis na nag-alok ako ng tulong.

Hindi ako doktor na bihasa sa larangan na iyon at ni hindi ko pa nararanasan ang magpa-anak ngunit kung hindi ako kikilos, manganganib ang buhay nito at ang sanggol nito.

Sa aking pasasalamat at sa kadesperaduhan ng babae at tinanggap nito ang aking alok sa likod nang panghihilakbot ng mga kasama nito. Makalipas ang ilang saglit ay nasa loob na kami ng munting pagamutan na nasa tagiliran ng mala-mansyong bahay na narooon.

"Fufufu, pakibuka ang bibig, Miss," utos ko sa babae matapos isuot ang gloves.

Nang lapitan ko ito ay isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa akin buhat sa pagkakahiga nito sa may kalumaang kama ng pagamutan.

"Are you fucking argh.. messing up ugh... with me!" angil nito sa pagitan ng panaka-nakang pag-ire. "Hindi ako ugh... magpapabunot ng ngipin! Manganganak... ako!"

Sa ilalim ng aking makapal na bangs ay saglit na natigilan ako sabay tingala sa kisame.
Ngunit maya-maya ay napangisi ako nang malawak na halos kita na ang mga gilagid. "Oo nga pala, fufufu. Pasensya na, tao lang."

Sasabihin ko sanang first time lang pero baka hindi lang matalim na tingin ang ibigay sa akin ng babae kundi sipa.

Mahirap na at baka lalong madeform ang matagal ng deformed na aking mukha.

Fufufu!

Mukha pa naman itong amazona kaya kailangan kong mag-ingat sa pagsasalita.

Tumatangong agad akong umalis sa tagiliran ng aking pasyente at pumuwesto sa paanan ng kama habang nakataas ang mga kamay.
"Pakibuka ng maayos ang mga hita," feel na feel ang pagiging doktor na muli kong utos at agad naman nitong sinunod iyon habang umuungol sa sakit.

"A-are you sure you can do it?" biglang tanong sa akin ng binatilyong may mahabang nakatirintas at kulay mais na buhok na nasa isang sulok.

Isa ito sa mga bumuhat sa manganganak papasok sa loob ng pagamutan katuwang ang katabi nitong may kulay pulang buhok na sa sandaling iyon ay tumatagaktak ang pawis at halos magkulay papel sa putla ang buong katawan.

Hindi ko mawari kung na-usog ba ito o kailangan lang magbanyo.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago dahan-dahang ipiniling sa mga ito ang aking ulo na tulad noong mga sinasapian sa pelikula.

"Wala ba kayong tiwala sa akin?" tanong ko sa boses na tila galing sa hukay.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa at lumarawan ang takot sa mga mukha ng mga ito bago nanginginig na nagyakap at sabay na umiling.

"We trust you so no need to fucking spin your head like that, for God's sake!" bulalas ni usog na halos panawan na ng ulirat.

"Fufufu! Mabuti naman," anas ko at sinenyasan ang mga ito. "Lapit. Lapit mga kampon. Lumapit kayo at tulungan ako."

Tigas na umiling ang dalawa.

"Lapit sabi!" sigaw ko at sa isang kisap ay nasa tabi ko na ang mga ungas. Natutuwang humalakhak ako sa pagiging masunurin ng mga ito bago bumaling sa babaeng nasa kama na halos wala ng lakas upang umire.

Tsk.

Napapaisip ako kung nasaan ang asawa nito na dapat sa mga oras na iyon ay nagbibigay ng suporta dito.

Inutusan ba itong bumili ng suka, nakidnap sa daan at hindi na nakabalik pa tulad ng nabasa ko sa isang nobela?

Break na ba sila?

Sumakabilang bakod?

Sumakabilang buhay?

Lihim akong napa-iling.

Wala talagang poreber!

"Hawakan n'yo ang mga kamay n'ya at palakasin n'yo ang kan'yang loob." Itinutok ko na ang atensyon na aking pasyente at matapos na magbigay ng panibagong utos ay kumilos an ako upang gawin ang aking tungkulin.

Oras ang hinahabol ko sa mga sandaling iyon. Kailangang mailabas ang sanggol bago pa ito malunod sa loob ng kinalalagyan nito.

Lakas loob na umusal ako ng isang panalangin bago yumuko ngunit kalalapat pa lang ng aking kamay sa t'yan ng babae upang itulak ang sanggol paibaba nang biglang bumuka ang pwerta nito at dumulas palabas ang bata.

Malakas akong napasinghap ng tumalsik sa aking mukha ang masagang dugo at nang walang hirap na masambot ng aking mga kamay ang bagong silang na nilalang.

"A-anong nangyari? Lumabas na ba?" tanong ng binatilyong nakatirintas.

Awtomatikong gumuhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi saka itinaas sa ere ang sanggol upang ipakita sa mga ito.

"SIMBA!"

Ilang saglit pa ay napuno na ng mumunting iyak ang buong pagamutan na s'yang ikinapanatag ng kalooban ng lahat.

_______

SAMANTALA ng mga sandaling iyon...

"What are we going to do now, Alpha? Wala tayong makuhang magpapa-anak sa WarLord?" napasuntok sa manibelang wika ni Legion larawan ng matinding desperasyon.

From the passenger seat, the man and leader of the said territory grunted and clenched his jaw. "It's all that fucking pack doctor's fault! If anything happened to my sister, I'm going to hunt him down even to the deepest pit of hell!"

Napatiim-bagang na rin ang Beta nang marinig ang sinabi ng pinuno nito.

Alam ni Legion ang lahat ng pinagdadaanan ng Alpha ng WarLord sa mga sandaling iyon.

Bukod sa kumakalat na misteryosong sakit sa buong lupain ay nahihirapan pa silang humanap ng bagong manggagamot.

After their stupid former pack doctor who happened to be the father of Lady Samu's pup ran away a week ago with Brittany; the Alpha's girlfriend, misfortunes befell into their land.

Sunod-sunod na kamatayan ng mga packmembers ng WarLord, pagdami ng mga rogues sa hangganan at pagkawala sa disposisyon ng kanilang Alpha.

Very ironic.

Everything's in chaos.

At oras na hindi nila malunasan ang kumakalat na sakit sa kanilang teritoryo sa tamang panahon, tuluyan nang babagsak ang WarLord.

Legion mentally grumbled with worries eating his nerves.

He couldn't let that happened!

Kahit anong mangyari ay hahanap s'ya ng paraan upang bumalik sa dati nitong sarili ang pinuno ng WarLord na bata pa lang sila ay hinangaan n'ya na.

And he'll definitely find the cure to the plague!

After that, he himself will finally hunt and kill the damn pack doctor who had hurt Lady Samu and had betrayed the trust of their Alpha; Spartan Lux!

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon