CHAPTER TWENTY SEVEN

3.7K 329 150
                                    

>Time skip<

FUFUFU!

Bakit...

Bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan?

Bakit hindi ko maimulat ang aking mga mata?

Patay na ba ako?

Pero imposible.

Naririnig ko pa ang pag-uusap sa aking paligid. Ang mga nag-aalalang mga boses nina Ginoong Nakasisilaw at Ginoong Lumot.

Nauulinigan ko pa ang bawat hakbang ng mga nakapaligid sa akin na pawang may pagmamadali. Ang mga residente ng bahay. Nararamdaman ko pa ang kanilang mainit na presensya.

Kaya bakit?

Bakit nananatiling tuod ang aking katawan?

Tinangka kong ikilos ang aking kamay upang sapuin ang aking lalamunan kung saan naroon at bumara ang piraso ng mansanas ng kamatayan ngunit tila napakabigat ng bawat parte ng aking katawan.

Ang mansanas.

Iyon ang s'yang dahilan kung bakit ako nahulog sa ganoong kalagayan.

Buhay ngunit tila isang patay...

Gising ngunit habambuhay na nakapikit.

Fufufu!

Halik!

Kailangan ko ng halik!

Isang mahiwagang halik na s'yang makatutunaw sa lason na nasa aking lalamunan ngunit paano ko iyon maipa-aalam sa mga naroon kung hindi ko man lang maibuka ang aking bibig?

At halimbawa man na maghimala at makapagsalita ako, sino naman kaya ang gugustuhing hagkan ang tulad ko?

Fufufu!

Lahat halos ay takot sa akin dahil sa aking pisikal na kaanyuan maliban kina Ginoong Nakasisilaw at Ginoong Lumot.

Ganoon pa man, ipupusta ko ang aking eyeball lollipop na hindi ako magagawang hagkan ng huli dahil sobrang bigat ang loob nito sa akin. Laging irita at tila walang katiw-tiwala sa akin.

Perks of being weird and ugly.

Fufufu!

Kung ganoon, iisa na lang ang natitira sa pagpipilian. Ang natatangi kong pag-asa.

Si Ginoong Nakasisilaw!

Ito lamang ang may butihing puso na posibleng dampian ang aking mga labi ng hindi ako pangdidirihan. Kaya naman nananalangin ako na sana ay may bumulong dito ng mga dapat gawin.

Kailangan kong mabuhay. Ayokong magtagumpay si Perusha sa maitim nitong mga balak at gayun din ay gusto kong sugpuin ang epidemya na ikinalat nito sa lugar na iyon bago pa maging huli ang lahat.

Kailangan kong gumising at masabi sa lahat ang tungkol sa aking mga natuklasan tungkol sa matandang mangkukulam na iyon.

Fufufu!

Tama!

Si Perusha ay alagad ng kasamaan. Isang mangkukulam ng kadiliman.

Kung hindi ako nagkakamali ay nasa lumang libro ng aking abuela ang lahat ng impormasyon tungkol dito kaya kailangan kong makawala sa lason ng mansanas dahil walang kaalam alam ang mga asong lobo kung ano at sino ang totoong kalaban.
__________

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon