"Napakaganda ng ayos mo ngayon Bahrin, maupo ka"sabi ni Ama, nagpasalamat lang ako sa kanya at umupo sa tabi nito. Tumuwid ako ng upo.

Napakaraming tao at karamihan sa kanila ay mga kababaihan. Ito din siguro ang paraan ni Ama upang mamili si Israb ng magiging kasintahan nito. Tumingin ako sa Kabila at nakita ko ang isang grupo ng mga binata at dalaga nakatingin sa akin, hindi puri ang nakikita ko sa mukha nila kundi pagtatanong.

Umiwas lang  ako ng tingin sa kanila.

Tumigil ang lahat sa pakikipag-usap nang tumunog trumpeta.

Lumitaw ang boses ng Herald. Nakatayo sa unang baitang ng hagdan at nakatingin sa amin lahat.

"Lahat ay magpugay sa pagdating ng prinsipe ng Cloptania, Ang mahal natin Kamahalan, Prinsipe Israb."

Nagpalakpakan ang lahat, nang magpakita si Israb, ngumiti siya dahil sa papuri natanggap niya sa kanila.

Sobrang matipuno niya sa ayos nito ngayon, Mataas at malaki ang pangagatawan. Nakakaakit ang mukha nito at sobrang tuwid ng paglalakad. Malinis tignan.kuhang kuha niya ang mukha ni Ama, para silang pinagbiyak na bunga, malalam nga lang ang mata ni Ama kesa sa kanya.

Ngumiti lang ako sa kanya nang dumako ang tingin nito sa amin.

Nagsimula ang selebrasiyon,ang ilan sa kanila ay sumasayaw at meron din nag-uusap.

"Mahal na prinsipe, tanggapin niyo ang handog namin regalo para sayo, isang magarang damit na gawa sa matibay na tela galing sa hiniblang balat ng uso,ang mga desinyo ay gawa sa ginto at makikintab na kristal"sabi ng isang matataas na mamayan din ng cloptania, kasama nito ang mga dalawang gwardiya at isang magandang babae at lalaki.

"Maraming salamat sa iyong regalo Ginoong Gal,susuotin ko ito sa susunod na kaarawan ko"sabi ni Israb.

Napansin ko nakatingin ang magandang dalaga kay Israb.Maganda naman talaga ito. Napakaputi ng balat na parang walang bahid ng gasgas ang katawan, sobrang kinis at mula dito ay amoy na amoy ko ang masarap na halimuyak ng rosas mula sa damit nito. Sigurado ako na matutuwa si Israb sa nakikita niya.

Pero nagtaka ako kung bakit hindi man lang inabala ni Israb na tignan siya. Baka nadala lang siya ng saya mula sa regalo nito.

Bumalik ang tingin ko sa babae, pero nakaramdam ako ng kakaiba na parang may nakatingin din sa akin, dumako ang tingin ko sa katabi niya.

Napako ang tingin ko sa matipuno din lalaki.

Maputi din at maayos ang pagkakaayos ng mahaba at kulay abo nitong buhok  hanggang leeg.malinis din ang mukha at tulad din ng babae, makinis din ang balat nito. Naturang alagang-alaga ang pisikal na anyo dahil sa karangyaan ng buhay nila. Mamahalin din ang suot nitong damit hanggang  hita. Tapos nakahati ang bawat gilid nito hanggang bewang niya, kaya nakita ko ang hapit na kulay itim na slack nito at kulay puting bota na hanggang tuhod. Napakakisig na nilalang pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now