KABANATA 27

100K 3K 493
                                    

Five am in the morning, Andrei woke me up. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang braso niya at nakahinga ako nang maluwag dahil nakabenda na iyon. Hindi naman malaki ang hiwa, siguro kaya niya lang binendahan para hindi ko na iyon makita pa.

"Pack your things, baby," he said with his bedroom voice that made me stilled and horny at the same time.

What now, Cassandra? Papadala ka na naman sa init ng katawan?

Hindi na ako tumutol pa at ginawa na lang ang gusto niya. Lumabas siya ng kwarto marahil magpapake rin siguro siya kanyang gamit.

Two more days, Cassandra.

Kinuha ko ang cellphone ni Andrei sa side table. Hindi na niya ito kinuha sa akin buhat nang hiramin ko ito. He let me used his phone pero tanging si Mommy lang ang pwede kong tawagan. Gustuhin ko mang tawagan si Rozz ay hindi ko magawa.

Jeez! I'm here at Andrei's territory. Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa akin. Nagu-guilty man ay ipinagsawalang bahala ko na lamang. Magpapaliwanag na lamang ako kapag nakabalik na ako sa bahay.

I dialed my mom's number while packing my clothes. Sandali pa akong nainis nang maalala na halos pinaghandaan niya lahat ng ito. He already bought some undies and clothes even before he brought me here!

What a boyscout, asshole.

"Hello? Aga mo napatawag, anak," mom responded after accepting my call.

"How's Adrian, mom? Is he okay?" I asked first.

"He's still sleeping. Don't worry, he's okay. Ayesha will bring Daeshaia later so they can play," my mom informed me.

"I miss him." I heaved a deep breath.

Saglit pang natahimik ang linya ni Mommy saka ako nakarinig nang pagpapakawala ng hininga. "I know it's hard, anak. But let him explain, hija. Para na rin kay Adrian. In the end of the day he's still Adrian's father," marahan niyang saad.

Napatigil ako sa pagpapake, pumikit, at mariin na napahawak sa telepono.

Si Andrei ang tatay ng anak ko.

Four years ago, pagkarating ko sa America ay napansin kong nararanasan ko pa rin ang mga naranasan ko noong nagbuntis ako. That's when I found out na nagdadalang tao pa rin ako, the doctor said na isa lamang sa kambal ang nawala sa akin. My miscarriage didn't affect the development of my surviving baby.

Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko noong mga panahon na 'yon. Tuwa dahil hindi lahat kinuha sa akin ng Panginoon at pighati dahil wala na talaga ang isa sa magiging anak ko.

Naging doble ang pag-aalaga ko sa sarili ko mula nang nalaman ko ang kalagayan ko. Sa takot na baka mapahamak na naman ang natitira kong anak ay tinawagan ko si Mommy at pinahanap si Azaia. Luckily, tinanggap ni Azaia ang alok kong maging personal nurse kaya agad siyang ib-in-ook ng ticket ni Mommy para makasunod sa akin.

After a month, dumating din si Ayesha sa tinutuluyan ko. I was so shocked back then, she cried hard after hugging me. She was broken at that time and all I could do is to console her.

Sa loob ng panahon na nagdadalang tao ako, Azaia took care of us. Hindi kami kailanman nakibalita ng kahit ano mula sa Pilipinas. Bukod sa napagdesisyunan naming mag-move-on ay iwas stress na rin, takot na mapahamak sa kalagayan.

When I gave birth to Adrian, pakiramdam ko ay nabigyan muli ako ng pag-asa na ayusin ang buhay ko. Nabigyan ako ng rason para patuloy na magpatuloy sa ginagawa kong pag-angat.

Iyon din ang panahon na nagparamdam si Rozz. Muli siyang bumalik ng America para intindihin ang negosyo nila. Nakakatawang isipin na binibigyan talaga ako ng Panginoon ng dahilan para ibangon ang sarili ko para sa anak ko. May branches ang MW sa America pero napagdesisyunan kong 'wag doon magtrabaho, una dahil masyadong magiging hectic ang schedule ko. Pangalawa, gusto kong maranasan magpakamagulang sa anak ko, kung ano ba talaga 'yong pakiramdam na pinalalaki mo sila. Kaya naman sa kumpanya ako nina Rozz nagtrabaho, kinuha niya ako bilang sekretarya niya para daw kung sakali na kailanganin ako ni Adrian ay hindi ako mahihirapan para doon.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang