KABANATA 9

126K 3.9K 1K
                                    

Pareho kaming nagising mula sa sandaling pagkakaidlip nang tumunog ang doorbell.

"Ako na ang titingin. Have a rest," sambit niya at isinuot ang kanyang boxer bago lumabas.

Dahil sa antok at pagod ay hinayaan ko na lang siya. Plus the fact that I am really sore down there, I don't think I can walk properly.

"Naku! Kagigising mo lang ba, hijo? Pasensya na at napaaga 'ata kami. Gusto lang sana namin kayong bisitahin."

Daddy?

"Where's Cassandra?" pakinig kong tanong ni Mommy.

Oh, no.

"She's still sleeping, Mom."

She's going inside our room!

Napaupo ako at mabilis na naghanap ng damit na pupwede kong suotin. Kung mamalasin pa nga naman ay damit pa ni Andrei ang nahagip ko. Mabuti na lang at sinuotan niya ako ng panty bago ako nakatulog kung hindi ay lalong nakakahiya.

Tulad nang inaasahan ko ay basta na lang pumasok si Mommy sa k'warto. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa akin at sa paligid.

Damn it! Nakakalat pa ang mga damit namin.

"Is she awake?" pakinig kong tanong ni Daddy sa likuran niya habang kasunod si Andrei.

Shocked. Pareho sila ni Mommy na paulit-ulit na tinitingnan ako at ang mga nagkalat na damit sa ibaba ng kama namin.

"Oh my gosh! I'm sorry, my princess. Nakalimutan ko may asawa ka na nga pala," wika ni Mommy.

Dali-dali niyang hinila si Daddy palabas at saka sinaraduhan ang pinto. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa nangyari. Kulang na lang ay mahimatay ako sa sobrang kahihiyan.

Naiwan kami ni Andrei sa k'warto. Napatakip ako ng mukha dahil hindi ko na kaya pang ipakita sa kanya ang pamumula ko. I heard him laughed. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero balewala lang iyon sa kanya.

He walked near me and kissed my forehead. "It's okay. Normal lang ito sa mag-asawa," he assured, then gave me a small smile.

Mahirap mang kumalma ay pinilit ko ang sarili ko lalo na at naalala ko ang presensya ng mga magulang ko sa labas.

Nilinis namin ni Andrei ang mga nagkalat naming damit. Naligo na rin ako at nagbihis para sa pagpasok sa opisina. Tahimik kaming kumain ng umagahan kasama ang mga magulang ko. Ramdam ko ang paninitig nila sa aming dalawa ni Andrei marahil ay iniisip nila na nagkakamabutihan na talaga kami.

Nakikita ko ang labis na kasiyahan sa mata ni Daddy kapag nagtatagpo ang paningin naming dalawa.

Yes, Cassandra. This is it. You are doing all of this because of your father. And seems like it's worth it.


"ALAM mo baliw ka na," sambit ng kaibigan kong si Ayesha.

Nandito siya ngayon sa opisina ko habang kinukwento ko naman sa kanya ang lahat ng nangyari. Napatampal na lang ako sa aking noo at napasabunot sa sariling buhok.

"Sigurado ka bang hindi mo pa mahal 'yan?"

Stilled. Napaisip din ako sandali sa tanong niya.

"I don't know. Hindi ko alam, Ayesha. Basta ang alam ko lang sobrang rupok ko sa kanya."

"Ghorl, magkaiba ang libog sa pagmamahal ha."

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Tsk! Hindi ako gano'n kaboba, Ayesha. Hindi naman ako mamomroblema ng ganito kung libog lang 'di ba?"

Napatango naman siya sa tinuran ko. "So tell me, ano ang mga bagay na nagustuhan mo sa kanya?" she asked curiously.

"Gusto ko lahat maliban sa katotohanang may iba siya," direkta kong sagot.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now