KABANATA 16

131K 3.9K 722
                                    

Kinabukasan ay niyaya ako ni Andrei na magpa-check-up sa OB. Pumayag ako agad dahil gusto ko ring malaman ang mga bagay tungkol sa pagbubuntis. Gusto ko pang matawa dahil halata sa pagmumukha ni Andrei ang kaba habang naglalakad kami papasok ng ospital, kaya naman hinawakan ko ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Why do you look so nervous?" I asked while massaging his hand.

He let out a deep breath. "I am damn excited to see our baby, fuck!" he silently cursed.

"Excited ka, pero para kang constipated d'yan," I uttered, hiding my smile.

"Because it gives me too much excitement, baby," parang bata niyang paliwanag.

Tumango-tango na lamang ako at hindi na naitago pa ang ngiti sa aking mga labi.

"Hi, I'm Mis—Mrs. Villa Cruz. May appointment ako kay Dra. De Silva," saad ko sa nurse na naka-duty.

"Okay, Ma'am. Please wait for a second," ani ng nurse.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang tingnan ang monitor. "This way, Ma'am. Nasa loob po si Dra. De Silva," aniya habang inaalalalayan kami sa daan.

Kumatok muna siya sa pinto ng silid bago binuksan iyon at sumilip sa loob.  Narinig ko pa ang pagbanggit niya ng gamit kong apelyido saka kami tiningnan nang nakangiti.

"P'wede na po kayong pumasok. Ahmm... isasama niyo po ba si mister sa loob, Ma'am?"

Nakangiti naman akong tumango sa kaniya saka ko pasimpleng tiningnan ang kanyang name plate.

Azaia De Castro

She'll be my favorite nurse from now on.

Pareho kaming nagulat dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin nang mahina ang pisngi niya.

"Oh my gosh! I'm sorry," nahihiya kong paumanhin.

Kaagad ko namang naramdaman ang pagyakap ni Andrei sa baywang ko.

"Okay lang, Ma'am. Mukhang hindi niyo po napigilan ang tuwa niyo sa mukha ko," aniya saka mahinang tumawa.

Napatakip naman ako ng mukha dahil sa kahihiyan. I heard my husband silently laughed at my back.

"Sorry, Miss. Mukhang nagustuhan ka ng baby namin," sambit ni Andrei saka tinanggal ang kamay ko sa aking mukha. "It's okay," he assured.

Para iyong magic words na nagpakampante sa akin nang husto. Tiningnan ko ulit ang nurse sa harapan ko, nandoon pa rin ang ngiti niya sa mukha na siyang gustung-gusto ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sinasabi ng mga ngiti niya sa akin na ayos lang ang ginawa ko kaya naman nakalma na ako.

"Lets go," ani Andrei at iginiya ako papasok sa loob ng silid ng OB.

Tinanong ako ng doktora ng iba't ibang tanong tungkol sa period ko, pagbubuntis, at iba pa. Habang kinakausap niya ako ay nakaupo lang si Andrei sa tabi kung saan may bakanteng silya. Para siguro iyon sa mga kasama ng mga magpapa-check-up. Pagkatapos niyon ay pinahiga ako ng doktora sa isang higaan kung saan doon niya tinitingnan ang mga pasyenteng buntis. May inilabas siyang makina kung saan nasisigurado kong makikita namin ng baby ko gamit iyon. Ilan pang proseso ang ginawa niya hanggang sa humarap siya sa asawa ko.

"Come here, Daddy," tawag ng doktora kay Andrei.

Nakita ko ang pamamawis ng noo ni Andrei habang naglalakad siya palapit. Nang nasa tabi ko na siya ay marahang iniharap sa amin ni doktora ang isang monitor kasabay nang mahihinang ingay na nagmumula roon.

"Can you see it? Can you hear it?" nakangiting tanong niya sa amin.

Hindi kami parehong nakaimik dahil tutok kami sa monitor na nasa harapan namin. Unti-unting namuo ang luha ko habang pinagmamasdan iyon.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now