KABANATA 11

119K 3.9K 510
                                    

Tulala lang ako habang nakatingin sa laptop na nasa harapan ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksena namin sa kusina kaninang umaga. Tanghali na at nandito na ako sa opisina, ilang oras na akong nandito pero wala pa rin akong natatapos dahil sa pagiging lutang.

"You fvcking, b*tch! Sino ka para utusan ang dyosang katulad ko?! Pasalamat ka't hindi kita matiis," pantay na kilay na asik ng kaibigan ko habang mabilis na naglalakad patungo sa akin.

Agad nagbago ang mood ko, pakiramdam ko ay para akong bata na nanalo sa palaro sa pagdating niya. "Dala mo?" excited kong tanong.

Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya at saka ibinagsak ang sarili sa upuan na nasa harapan ko. "Sana man lang tinanong mo muna kung okay lang ba ako bago mo tanungin 'yong pakay mo," sarkastikong saad ni Ayesha at ibinagsak ang isang plastic na puno ng hilaw na mangga sa lamesa ko.

Mabilis kong kinalkal iyon at gano'n na lang ang panlulumo ko dahil hindi niya sinunod ang sinabi ko. Mangiyak-ngiyak akong tumingin sa kanya.

She raised her eyebrow. "What?"

"Hindi naman ito 'yong pinahahanap ko sa 'yo, eh." Tinabig ko palayo ang mga iyon.

"What the hell? Seryoso ka ba riyan? Sino namang gaga ang makakakita ng kambal na mangga, Cassandra? Pinagloloko mo ba 'ko?!" inis niyang singhal.

"D-Did you just raise your voice at me?" naluluha at 'di makapaniwala kong sambit.

"Pinagtritripan mo ba 'ko? Alam mo ba kung ilang kapal ng mukha ang inipon ko para maghanap nang pinahahanap mo. Tapos ngayon aakto kang naiiyak sa harapan ko daig pa ang bunti—Photahamnida," pagmumura niyang bulaslas sa huli. Seryoso siyang tumingin sa akin, sa mangga, at sa t'yan ko. "Tell me, I'm wrong."

Napaiwas ako ng tingin at nakagat ang ibabang labi ko. "Yes, I'm two weeks pregnant." Marahan kong ibinalik ang paningin sa kanya.

Shocked. "At ako ang pinahihirapan mo sa cravings mo instead of your husband?" wika niya nang nakabawi sa pagkakagulat.

I pouted. "I don't know. It's just, you are the one who I like to do that. Gusto kong nakikita 'yong mukha mo na stress."

Napapikit siya at napabuntonghininga. "Ang taray, so ako ang pinaglilihihan n'yan? Sige gan'yan nga manahin niya ang kagandahan ko," aniya.

Hindi ko alam kung naiinis ba siya o nagmamalaki.

Saglit pa siyang tumahimik at muli akong tiningnan. "Biruin mo nga naman, ang lakas din ng semilya ng asawa mo, ghorl. Kakakasal niyo pa lang at ito ka ngayon naglilihi na."

Napanguso naman ako. Hinayaan ko siyang dumakdak nang dumakdak dahil alam ko gulat na gulat siya inside.

Few moments later, nagsimula na siyang magseryoso. "Alam niya ba?" usisa niya.

Agad akong umiling at ngumiti ng peke. "Ikaw pa lang ang nasasabihan ko."

"What the? Bakit?" inis at nagtataka niyang tanong.

Napahinga ako nang malalim at iniikot ang swivel chair ko para makaharap sa labas. "May plano siyang magpa-annulled so why would I?" mapait kong wika at binalingan siya ng tingin. "Ayaw ko naman mamilit ng isang tao para lang sa pansarili kong interes."

"Darn it, hindi iyon pansarili, Cassandra. You are carrying his child!"

"Anak ko rin 'to! Mahirap din ito para sa akin, Ayesha, pero can't you see? He loves her woman. He wanted me out of his life. Tingin mo ano'ng magagawa ng bata sa pagsasama naming dalawa?" I burst in tears.

"Fvck!" she cursed.

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa 'kin. She hugged me tight and caressed my hair.

"I'm sorry. Stop crying, baka maging iyakin ang inaanak ko." She sighed deeply. "Nevermind what I've said. Kung ano ang desisyon mo nandito lang ako, but I can't promise na hindi ako makikialam. Tahan na," she whispered.

"What's happening?"

Pareho kaming napabaling ni Ayesha sa may pintuan nang may magsalita roon.

"A-Andrei," utal kong sabi.

Unti-unti naman siyang naglakad palapit sa akin, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tumabi naman si Ayesha para bigyang daan si Andrei.

He lowered himself to level with me. "Are you okay? Why are you crying? Did something happen?" sunud-sunod niyang tanong sa harapan ko.

Wae? Bakit ganito ka mag-alala sa 'kin kahit itatapon mo lang din naman ako?

Napailing na lamang ako at pinunasan ang pisngi ko. "Wala nagpapasalamatan lang kami ni Ayesha, medyo naging madrama lang siya kaya napaiyak ako."

Nanunuri naman ang kanyang binigay na tingin sa akin kaya umiwas ako. Kinabahan ako nang dumako ang paningin niya sa lamesa ko, nando'n pa rin ang mga manggang dinala ni Ayesha. Shet.

Kunot-noo niya itong tiningnan saka napabaling sa aming dalawa ng kaibigan ko.

"A-Ah kay A-Ayesha 'yan. Pinabili sa akin," mabilis kong wika.

Nagmamadali kong inayos ang mangga at agad na ibinigay kay Ayesha. Palihim akong inirapan ng kaibigan ko kaya naman siniringan ko siya bilang ganti.

"Oh yes, pinabili ko nga ang mga manggang 'to. Nakakabwisit lang kasi hindi mo binili nang maayos ang gusto ko," sarkastiko niyang sabi at kinuha ang mga 'yon.

Gustung-gusto ko siyang sapakin kung hindi lang nandito si Andrei.

Buset ka, Ayesha.

"Alis na ako," pamamaalam niya sa aming dalawa pero bago pa siya makalabas ay tinawag siya ng asawa ko.

"Ano ba'ng pinabibili mo?" seryoso nitong usisa.

Binigyan ko agad nang palihim na pamatay na tingin si Ayesha habang nakatalikod sa akin si Andrei pero hindi iyon pinansin ng kaibigan ko.

She smirked, a playful smile played on her lips. "Gusto ko lang naman ng kambal na mangga. Can you find it for me?"

Jeez! AYESHA SAMANIEGO.

ILANG minuto na ang nakakalipas buhat nang iwan kami ni Ayesha sa opisina. Pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa laptop na nasa unahan ko kahit na lumalampas ang paningin ko roon. Andrei was sitting on the couch while seriously sipping on his coffee. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o sadyang sobrang seryoso niya ngayon. Napalundag ako sa pagkakaupo nang bigla niya akong tingnan.

"A-Ah wala ka bang gagawin? Can I asked, what brought you here?" nahihiya kong tanong saka nagkunwaring nagpipipindot sa laptop.

Bumilis naman ang tahip ng puso ko nang nakita ko siyang tumayo sa gilid ng mga mata ko. He's walking like a god. Gwapo na siya dati pero feeling ko mas gum'wapo siya ngayon.

Nagulat ako nang sinara niya ang laptop ko kaya napatitig ako sa kanya.

"Normal lang naman na pumunta rito ang asawa mo, 'di ba?" usisa niya na nakapagpatambol lalo ng puso ko.

Asawa...

Pinilit kong ngumiti sa kanya at hindi na lamang inintindi ang sinabi niya. Lumakad siya papunta sa gilid ko saka ako marahang hinila patayo.

"W-What are you doing?" kinakabahan kong tanong.

Nabigla ako nang yakapin niya ako at isinubsob ang ulo niya sa gilid ng leeg ko. "You know you don't need to lie at me right?" mahinang bulong niya.

Hindi agad ako nakaimik. Ano ba'ng sinasabi niya?

Don't tell me alam niya?

Lalong nakapagpakaba sa akin ang ideyang 'yon.

"I miss you so much, baby," he murmured and kissed my forehead.

Hindi ko alam kung anong laro itong ginagawa niya pero gusto ko ang ilusyong ito. Yumakap na lang din ako pabalik sa kanya.

"Now, I'm finally home," mahinang sabi niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinaplos ang mukha ko. Hindi ko alam na ganito siya kagaling manloko na kahit emosyon napepeke niya pero hindi ko rin alam na ganito ako katanga dahil nagpapadala ako sa mga panloloko niya.

Is this love?

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now