Pabebe Boy

401 12 0
                                    

Magkahawak kamay kami ni Syrus na umuwi sa bahay ni Otousan. Siya ang nagmaneobra ng big bike at ako ay nakayakap sa likod niya. Isinandal ko ang ulo sa likod nito. I am only wearing black tank top and black ripped jeans with my chucks.

Hindi ko mapigilan ang malaking ngiti sa aking mga labi. Napapahagikgik ako sa hindi malamang dahilan. Napupuno ng saya ang aking puso just simply hugging this pretty man.

"Why are you laughing?" He asked. Napakagat ako ng ibabang labi.

"I don't know. I'm just... Happy." I told him honestly and hugged him even tighter. Ang tigas ng tiyan.

"Athena, I'm warning you wag mo akong manyakin dito dahil baka bumangga tayo." He warned bahagya pa itong naubo at nag swerve ang motor.  Napahalakhak ako, I'm enjoying how I affect him.

"Damn baby, you frustrate me." He said breathlessly.

"Kanta iyon ah. Hindi ka mahilig sa music hindi ba?
Your body is a wonderland.
Your body is a wonder I'll use my hands." I sang while smiling. Alam kong delikado mag landian sa posisyon namin but I can't help it. We've wasted so much time sa pagpapabebe. I heard profanities from him when I bit his ear.

"Damn! Athena gusto ko pang umabot sa simbahan. Wag mo kong gahasain dito." Natatawang bahagya itong lumingon sa akin.

"I was just teasing you pabebe boy. Bilisan mo na ipapakilala kita sa mga Kuya ko. Wala ka ng kawala." Ngumisi ako rito kahit hindi niya nakikita.

"Pabebe Boy? Andami ko namang bansag baby. Ikaw ang wala ng kawala sa akin." Ito naman ang nakangisi. Pumaling ang muka niya sa akin at umaktong kumagat sa hangin. Nagliparan ang mga ipis sa tiyan ko. Tumikhim ako para itago kung gaano ang epekto niya sa sistema ko.

"Oo ang pabebe mo kasi." Sagot ko lamang dito at umirap. Humalakhak ito at pinasibad ang motor.

"KUYA Mitos, Mikos!" Tawag ko sa mga Kuya ko ng makapasok sa bahay. Lumabas naman sila sa sala at nakita kami. Nagtagal ang tingin nila sa magkahawak naming kamay ni Syrus. Nagshave na rin pala si Kuya Mitos at maayos na ang damit. He looked like kuya Mikos, mas payat lang ito. They are both serious.

"Umupo kayo at tatawagin ko si Otousan." Ika ni Kuya Mikos at dumiretso sa hallway papuntang study room ni Otousan.

Dumikwatro sa harap si Kuya Mitos. His aura never changed. Still intimidating and serious. Napatingin ako sa katabi ko. Kung ikukumpara ang pretty boy kong ito, para siyang totoy na naligaw sa mundo kong ginagalawan. He looks innocent kahit na ipag pilitan niyang padilimin ang anyo.

"Why are you smirking at me like that, baby?" Tumaas ang isang kilay nito sa akin at hinigpitan ang pagkakadaop ng aming palad.

"Para kang totoy na naligaw, pabebe boy." Pang aasar ko dito. Narinig ko naman na parang inubo si kuya sa harap namin. Kumunot ang noo ng nasa tabi ko sandali tapos ay ngumisi ito at lumapit sa tainga ko.

"Totoy? Kahit muka akong ganito kaya kitang buntisin baby." I snorted. Tila naginit ang pisngi ko. Balahura. Wala sa itsura niyang makapagsasabi ng ganoon. Oh well, he's always rude. Kabaliktaran ng itsura niya ang ugali niya.

"Mamanhikan na ba iyan Princess." Bahagya pa akong napatalon na naroon na pala si Otousan at Kuya Mikos. Nakangisi sa akin si Kuya Mitos na siyang nag painit ng pisngi ko.

"Wag mong gulatin, pabebe iyan baka tumakbo." Pinandilatan ko si Kuya Mitos sa pang aasar niya. Natatawa naman naupo sa kabisera si Otousan.

"Pakakasalan ko po si Athena." Napamaang na lumingon ako kay Syrus. Anong pakakasal? Kanina lang kami nagka aminan ah? Narinig kong natawa ang kambal.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now