Pretty Boy

298 15 1
                                    

This chapter is dedicated to AnnDazal9
Thank you for reading and commenting
XOXO

Bumalik kami sa malaking bulwagan nang ipatawag gamit ang speaker na nakalagay sa buong paligid. Rinig na rinig ito sa buong floor. Napabuntong hininga ako bago inilagay ang laptop sa loob ng maleta na nasa ilalim ng bunk bed. I don't trust Thaddeus in regard with this. Malamang ay hindi naman niya iyon mabubuksan dahil totoong may self destruct ang laptop. Para mapanatag ay dinala ko parin at itinago. Nakipila ako sa unahan kung nasaan ang mga kababaihan. Mga lima ata laming babae at dalawampu ang lalaki. Sa dami ng dinala dito, kami nalang ang natira. Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan namin noong unang test palang, isa pa sobrang sakit sa katawan ang gumapang sa putikan sa loob ng ilang oras.

Mukang kompleto ang mga trainors namin ngayon. Nasa harapan silang apat. Thaddeus with his towering height and intimidating aura seems to lead. Wala nanaman ang pinsan kong si Thanatos na siyang dapat na narito at nagbibigay ng ikatlong test. Kung sabagay, buong ahensya na ang hawak niya kaya baka busy rin iyon sa mga agent na may mission at paper works. Napangiwi ako, ayoko ng ganoong responsibilidad. Kahit naman meron akong kompanya at ilang investment, hindi ko naman problema iyon hindi gaya ni Tan na 'matter of life and death' ng mga tauhan niya ang nakasaalang alang.

"Okay, for your third test..."

"Oh my pretty pretty boy I love you like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you loved me too
Hey! What the fuck Thaddeus!"

"Fuck! Leon." Frustrated niyang sabi at dalidaling dinukot ang cellphone. Namilog ang mata ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon sa ringtone niya dahil akin iyon!
Kailan niya na record yon? Wala akong natatandaan?! I just glare on his retreating back. May mga ilang natawa at sinabing sweet ang girlfriend ni Titan Phoenix which is si Tado. Hindi ko alam pero uminit ang pisngi ko. Oh my God! Kelan niya ni record yon? Well that song is my favorite one. It's so uncool that's why I'm keeping it for myself. Hindi ko maalalang kumanta ako sa harap niya laging sa kwarto lang at nagkukulong so how come? Why?

"Okay... So I will be the one to give the third test for you. I guess." The jolly personality of Titan Leon make me sick really. Parang hindi siya gagawa ng maganda. Naramdaman kong may sumagi sa akin kaya nilingon ko ito. The pretty boy with white hair. Well that's the best way to describe him. Nag init ang pisngi ko ng lumingon siya sa akin kaya naman mabilis na pumaling ako paharap, pigil ang hininga. How many times am I going to embarrass myself today? Although hindi nila alam.

"Let me think of what I want you to do today. Well, third test is random so..." He shrugged and look at me with those sparkling naughty eyes. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh, you will love this one. You will have to sing."
I think I dropped my jaw. Pinag lalaruan ba ako nito? Gago ba siya? Anong connect noon sa pagiging body guard at agent? Tinaliman ko ang tingin sa kanya. Nakangisi ito sa akin. Ginagago niya nga ako.

"You will probably ask, how is it connected in regards with your work, well being an agent you have to be versatile. There are times that you need a cover up when doing a mission that's why. Not just only singing you have to do a Theatrical. It's up to you what play or how many will be the cast. Take this seriously. Exactly thirteen hundred you need to perform. Disperse." Malaki ang ngisi ng gago bago tumalikod. Anong kaaningan ito? Nasa highschool ba kami? Tan*in@ niya.

Nakakuyom ang mga kamao kong nanggigil na suntukin ang muka niyang parang clown. Huminga ako ng malalim. Hindi ako magaling makisama. Napagdisisyunan nilang gumawa nalang ng iisang play tutal kakaunti nalang kami wala ng singkuwenta. Habang nagpaplano sila ay naupo ako sa sulok at sumandal, ipinikit ko ang aking mata at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o ano dahil naramdaman kong may tumabi sa akin na pamilyar ang amoy.

"Athena-chan!" I heard a bubbly voice and there was a girl running towards me.

"Don't run." I said coldly.

"Let's go to our house!" Hinila ako nito at hinayaan ko lamang siya. Masyadong maliwanag para makita ang muka niya. The settings changed. Nasa parang studio kami. Maraming salamin at malawak ang kwarto.

"Can you dance again like yesterday? That Gashina was amazing! Neh! Neh!" Hawak nito ang braso ko.

"No, that's a one time thing." I shook my head.

"Oh, can you sing for me? I haven't heard you sing." Napataas ang kilay ko dito. I guess she's pouting. "Onegai! Please! I love you Athena!" Naglalambing na lumambitin pa ito sa braso ko.

I sighed. Gustohin ko man mainis pero hindi ko magawa. Suddenly the setting change again and we're infront of a piano. Since they don't have drums. I saw a boy leaning on the doorframe. My heart began to race. Parang gusto ko ng huwag nalang ituloy pero kinukulit ako ng babae. Nang tingnan ko ito she encouraged me. So I started to hit on the keys.

"I lie awake at night
See things in black and white
I only got you inside my mind
You know you have made me blind..."

Nadadala na ako ng kanta at napapikit. I usually don't sing.

"I lie awake and pray
That you will look my way
I have all this longing in my heart
I knew it right from the start..."

Nang idinilat ko ang mga mata ay natanaw ko ang pinaka magandang mata na nakita ko sa buong buhay ko. His light brown eyes.

"Oh my pretty pretty boy I like you like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you loved me too
Oh my pretty pretty boy I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you."

"Athena, wake up." There's a gentle tap that made me look up. And there his light brown eyes that are so familiar to me. Just like in my dreams. I roam my eyes around his pretty face. His tall proud nose and red lips. His gorgeous eyes with unique brow that made him manly. He looks like in between a girl and a boy. Parang yung mga famous kpop artist na pinagkakaguluhan kahit sa japan. Mahaba pa ang puting buhok niya. I really don't know what's with him but dam@! He is really such a pretty boy.

Song used: M2M-Pretty Boy

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now