Hot

304 15 1
                                    

Katulad nga ng inaasahan, bago dumilim ay nakarating na ako sa may sapa. Tinawid ko iyon at nag set ng masisilungan gamit ang mga kahoy at malalaking dahon. Sa parteng ito medyo malago pa ang ang mga halaman. I was so drain and tired. Sobrang init pa, kaya ng magdilim ay naligo ako sa sapa matapos ay nilabhan ko ang mga damit. Tanging jacket lang ni Thaddeus ang suot ko ngayon. Malaki ito sa akin ngunit sapat lang para matakpan ang ilalim ng pangupo. Matapos isampay ang mga damit ay umakyat ako sa puno. Hindi ako gumawa ng apoy dahil ayokong ibigay ang lokasyon ko sa iba. Mag isa lang ako at hindi ko alam kung marunong akong makipaglaban para maipagtangol ang sarili ko kung may mangyari man. I surveyed the sourounding. When I confirmed that no one's nearby, bumaba na ako para magpahinga. Kinain ko ang isang canned food halos kalahati nalang ang tubig ko. Pinilit kong makatulog kahit nahirapan akong pakalmahin ang utak ko sa dami ng iniisip nito.

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking panga.

"I really hope that you never been born! Alam mo ba ang hirap na naranasan ko dahil sa panggagahasa ng ama mo?" Sinampal ako nito. It seems like I was numb already. I looked anywhere but her. Sa kaliwa ay nakita ko ang repleksyon sa salamin. I'm still a child. Maybe six years old? Those souless gray eyes are staring back at me. Just like her eyes. Itinulak nya ako. Tumama ang balakang ko sa ibabang baitang ng hagdan. Iniwan nya ako roon. Pinanood ko sya habang ginugulo ang buhok. Nagkagulo nanaman siguro sila ng asawa nya kaya nandito sya ngayon para ibunton sa akin ang sakit. I never wish to be born. Why am I here? Bakit nangyayari ito sa akin?

"Bakit hindi ka pumasok kahapon Athena?" Tanong ng batang si Eros habang kumakain ng lolipop. Kahit alam nilang hindi ako sasagot ay hindi ako nag salita.

"Sinaktan ka nanaman ni Hera." Thanatos said through gritted teeth. Hinaplos naman ni Aphrodite ang pisngi ko. Sila lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. They love me, and care for me. Ayokong masaktan sila kapag sumuko ako. Sobrang bata ko pa pero ganito na ako magisip.

Maraming naiingit sa amin dahil isa kaming Aurora. Marami ang naiingit sa akin dahil anak ako ng isang sikat na artista at modela. Si Hera Aurora. They don't know what I'm going through. No one knows outside our family that I am a bastard.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now