Brave and Glory

695 27 0
                                    

"Ano yan Atheng?" Nakisiksik si Kento upang makita ang nilalaro ko.

"Brave and Glory." Maiksi kong sagot habang pumipili ng character role.

"Bago ba yan? Ano yung classless?" Interesadong umupo sya sa tabi ko habang masusing nakatingin sa laptop.

"Oo beta test. Classless, pwd kang maging summoner, swordsman o kahit anong role sa game. Pwede mong gamitin kahit anong equipment. Ikaw ang bahalang mag distribute ng mga katangian ng karakter mo." Iyon ang pinili ko, sanay akong mag solo gamer. Ito ang ginawa namin noong bakasyon at ang classless ang suggestion kong idagdag sa game. I got a call this early in the morning na up na ang Brave ang Glory. Hiroshi inform me. Although he is not my father, I respect him and admire, although I've been cold to him ofcourse to hide my feelings and as a defence mechanism.

"Oh papasa ako dali." Inihanda na niya ang cellphone at ipinasa ko ang laro sa kanya.

Ilang oras din kaming naglaro doon bago ako mag report kay Hiroshi ng mga napuna namin ni Ken sa game. Sumuweldo din ako as a beta tester. Kailangan ko pang mas mag ipon para sa pangarap kong imperyo.

Kung tutuusin malaki ang allowance ko. Bukod kay Hera, binibigyan din ako nila Lolo at kapag may mission sa Agency. Wala pa man sa tamang edad ay tumatanggap na ako ng mission sa Ahensya ng pamilya namin. Desi sais ako noong unang sumbak sa delekadong misyon. Pag babantay sa gobernador na may death threats. Ako ang nasa feild noon. Kadalasang nasa intel department ako. Kung hindi sa surveillance at tracking, sa pag kakacrack ng code, bomba o pang hahack ang role ko. Doon ay nasanay na din ako sa feild. Malaki ang kita sa misyon. Depende kung gaano delekado ang misyon. Kilala ang Aurora Security Agency sa buong Asia. Mas mahirap pa sa military training ang dinanas namin noong labing limang taon kami. Nang mag desi otso ay saka ibinigay sa amin ang mataas na rango which every each of us na mag pinpinsan ay deserve. Lahat kami ay gumagawa ng misyon. Mas madalas ako at si Tan dahil siya ang magmamana ng ahensiya. Si Eros at Aph ay sa mga negosyo ihahanay. Gusto sana ni Tito Ares na si Eros ang sumunod sa yapak nito bilang politician ngunit ayaw ng isa.

Sakin ay wala silang inaasahan at maasahan. Bago ako ipatapon sa japan ay walang papatunguhan ang buhay ko. Iniipon ko lang ang kayamanan ko, mula sa pustahan kapag may drag race, pustahan sa mga online games at gig. Kung hindi magbabasag ng ulo ay iyon ang gawain ko. Hindi ako mahilig mamili ng sasakyan o motor. Iisa lang ang motor ko. Remembrance sa unang isang buwan na pag gawa ng mission. Ngayon lang ako nag kaintires sa future. Sa pangarap. Kaya nagsimula na din akong magkaroon ng investments. Bumili ng shares, makisosyo sa bar branch ni Lee Rock at kung ano pang racket para masimulan ang Emperiyo na gagawin ko.

"Athena! Kanina pa kita tinatawag." Nakanguso sa harap ko si Kento kaya inilayo ko ang muka niya na noon ko lang napansin ang lapit sa akin.

"May gig kayo?" Tanong ni Ai na natatawa sa muka ni Ken ng lamutakin ko ang muka. Napapangiwi ito. Gigil kong pinisil ang pisngi habang walang emosyong ipinapakita.

"Daw." Maikling sagot galing sakin at isang kibit balikat.

"Oy Zeke! Gagu, manlibre ka!" Tumakbo papalapit si Ken dito at siya naman ang kinulit. Walang sinasanto ang kakulitan ng bestfriend ko 'kuno'. Bakit ang hilig mag self proclaim ang lahat ng nasa paligid ko? Mabuti pa si Ai at Zeke na tahimik.

"Ai, nakausap mo na si Guaineth?" Tanong ko dito ng makalapit. Si Ai ang pinaka business minded sa kanila. Masyado itong practical kaya lumalapit ako sa kanya pag tungkol sa business deal o investment ang pag uusapan.

"Ok na. Eto number ng Tito niya. Kausapin mo nalang." Ibinigay niya sa akin ang calling card at itinago ko iyon sa likod ng case ng cellphone ko.

"Next time uli." Nginisihan ko ito. Tumango lang siya at binigyan ako ng maliit na ngiti.

Naagaw ang atensiyon ko ng tumunog ang pamilyar na ringtone.

'Pikka pikka, chuuuu!'

Napangiti ako ng maliit ng marinig ko ang boses ni Siyera. Hindi ko na pinalitan ang ringtone na iyon. That's her voice immitating pikka chu. My conscience will always hunt me anyway.

"Yeah." I answered when I saw Tan's name on the screen.

"Are you up for a mission?" Tumaas ang kilay ko.

"Yeah. When?" I answered as I walk towards my motor.

"Later tonight." Monosyllabic talaga pag kami ang nagusap.

"Field?" I mounted on my big bike.

"Technical." Matapos niya sabihin iyon. Nag okay lang ako at pinatay ang tawag. Kung technical iyon, may marereceive ako na email at pwede kong gawin ang misyon ng hindi pumupunta sa HQ o kung sino ang babantayan. Pabor iyon sa akin dahil this past few weeks dumadami ang demand namin sa stage.

Pagkauwi ay binasa ko ang impormasyon na sinend ni Jin. Siya ang nagdidistribute ng mission details.

Pinatunog ko ang mga daliri. Ilang oras din ito. Ayon sa details, kailangan kong ma encrypt at makuha ang hidden files ng isang organisasyon na may kinalaman sa misyon ni Thaddeus. Umikot ang mata ko ng maalala ang tukmol. Gusto ko mang ipanalangin na pumalya siya sa misyong iyon ay magiging malaking kawalan din ito sa ahensiya.

Let's get it on! At nagtipa na ako sa alienware na parang nakikipaghabulan kay kamatayan.

*Authors note: (Nakakainis na si Wattpad, nawala yung kadugtong. Hay! Wala akong magagawa kungdi i rewrite dahil wala din sa revision history. Naloka ako mga dzai mahirap ituloy yung nasa gitna na haha.)

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now