Baddest

1.5K 45 0
                                    

Wala akong inexpect pagkarating ko sa Japan, unang beses kong makarating doon. Walang kaibigan, kakilala o pamilya. Hindi ko naman kilala kung sino ang ama ko, sa kanyang pangalan na Hiroshi. May sumundo sa akin sa airport, nagbaba sa isang moderno at malaking bahay. Doon ko siya nakilala. Sa palagay ko ay mas matanda ito kay Hera, wala syang pamilya, tanging ako lang ang anak nya.

Mabilis lang akong naka adapt sa wikang nihongo. Kung may ipinagmamalaki ako, iyon ay ang talas ng memorya.

Nang unang buwan, halos laman ako ng lansangan. Nakatagpo ng ibat ibang grupo. Hindi ko inaasahan na simula ng magumpisa ang pasukan, mababago ang pagtingin ko sa kasalukuyan. Iba ang sistema ng pag aaral dito. Sobra sobrang atensyon ang nakukuha ko. Maraming nagtatanong, maraming gusto akong maging kaibigan na siyang iniisnab ko lamang.

Isang tanghali, nanahimik ako sa rooftop ng lunch break. Tamad akong pumila sa canteen at kumain kaya naman mas gusto ko pa ang matulog dito. Natanaw ko nanaman siyang nakahiga doon sa sulok at takip ng manga(japanese comics) ang mukha. Hindi ko alam ang pangalan nya, hinahayaan nya ako at ganun din ako sa kanya. Naupo na ako sa pwesto ko at sumandal sa pader. Nakaset na ang aking alarm kung sakaling mapasobra man ako ng tulog. Mababaw lang ang aking idlip kaya naramdaman ko ng may lumapit sa akin. Hindi muna ako dumilat. Tumagal siguro ng isang minuto ang pagtitig nito sa akin.

"Staring is rude." Sa matigas na ingles ay iyon ang lumabas sa aking bibig bago dumilat. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Maging ako ay medyo nagulat ng hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kanyang utak. His eyes are hollow. His brown eyes seems dark,menacing and a mystery to me.

"Don't come here again." His deep voice sent shivers on me in contrast to his pretty boy face. How come this is possible? Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo sa mga iniisip ko. Iniwan ako ng lalaking iyon na nasa ganoong lagay. Sino kaya siya? Halos araw-araw na ako dito magmula noong isang linggo, pero ngayon lang kami nag kausap at ngayon lang nya ako sinita.

"Athena!" Tawag sa akin ng pinaka makulit sa lahat. May lahing pinay din ang isang ito at sya ang pinaka makulit sa mga kaklase ko. Sige pa rin ang buntot sa akin kahit hindi ko pansinin.

"Galing ka nanaman sa Rooftop?" Napahinto ako sa sinabi nya. Napataas ang isang kilay ko. Sinundan ba ako nito? Tiningnan ko lang sya na parang sinusuri. Sya din ang nagtuloy sa pag sasalita.

"Hindi ka ba nya inaway?" Doon na saling ang aking kuryosidad.

"Sino ba sya?" Nanlaki ang mata nito at unti unti ay sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Si Akatsuki Syrus Hanjo. Resident badboy, kuh napaka basag ulo ng taong iyon Thens." Kumibot ang kilay ko, hindi lang sa pag akbay nya sa akin kundi sa palayaw na bigay ng babaeng hindi ko naman kilala ang pangalan.

"Ah... Ano nga uli pangalan mo?" Napahipo ako sa aking baba baka sakaling maalala ko ang pangalan nya. Biniyayaan man ako ng mataas na IQ, kapag tao na ang usapan mahina ako riyan. Nakakalimutan ko ang pangalan o itsura kung di ko madalas nakikita. Parang may sariling recycle bin ang utak ko na idenedelete lahat ng sa tingin nya ay walang use.

Ngumuso sya sa harap ko. Marahil na disappoint o ano. Pasalamat nalang sya at kinakausap ko na sya.

"Ako si Siyera." Nakabawi naman sya agad at ngumiti sa akin.
"So, anong nangyari? Ayaw na ayaw ni Syrus na may ibang umaakyat doon."
So that's his name huh, Syrus. Nagkibit balikat lang ako at nag tuloy sa paglalakad papuntang canteen

"Hey, mag cucut ka nanaman ? Malapit na ang next period!" Madiing sabi nito sa akin. Kumapit pa ito sa braso ko. Tiningnan ko lang ito habang sumasabay sa mga hakbang ko. Mayroon syang brown na mahabang buhok. May bangs sa harap na diretso ang tabas na bumagay sa kanyang brown na mga bilugang mata.

 May bangs sa harap na diretso ang tabas na bumagay sa kanyang brown na mga bilugang mata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She's cute.
Hindi nya ako sinusukuan kahit na cold ako sa kanya. Namimiss ko tuloy si Aphrodite.

"Hey Then's may tumatawag sayo." Pukaw nya sa akin. Doon ko lang na realize na tumutunog ang cellphone ko. Beat ito ng bawat paghampas ng drums na ako mismo ang nag record.

"Hey..." Bungad ko ng sagutin ang tawag na di tiningnan ang caller id.

"Ateeeng! I miss you na." Bahagyang lumambot ang ekspresyon ko. Nagkaroon ng napakaliit na ngiti ang aking labi. Na syang napansin ng katabi ko kaya ito umirit.

"OMG ngumiti sya!" Impit na sigaw ni Siyera sa tabi ko. Daig pa ang fangirl ko sa pinas.

"What's up Aph?" Hindi ko pinansin ang katabi ko at mga nahahakot naming atensyon. Ibinulsa ko ang kanan kong kamay sa aking palda. Umabrisyete ang babae doon.

"Hindi kami makatugtog ng wala ka." I bet she's pouting right now. This lady is such a child.

"Pwede naman. Si Tan ang papukpukin mo. Mag base si Eros ikaw na mag lead." Balewalang sabi ko. Narinig ko ang buntong hininga nya.

"Ayaw ko." Ako naman ang napabuntong hininga. Matigas talaga ang ulo ng isang to.

"Matagal pa ko rito Aph." Gusto kong bawiin ang sinabi ko ng marinig ang hikbi niya sa kabilang linya. Bata palang malapit na talaga kaming dalawa kahit sobrang layo ng ugali namin sa isat isa. The elders can tame her. She is the role model while me, I'm the black sheep of the family.

There's no bad than the baddest.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now