White Hair

318 14 1
                                    

Three months later ay nakalabas na ako ng tuluyan sa Hospital. Gusto ko na nga agad na lumabas kaso ayaw ako payagan ni Mom. Sa mansyon nila Lolo Zeus ako ngayon nakatuloy. Naipaliwanag na ni Mom na may iba syang pamilya. Hindi rin naman pumayag sila Lolo Zeus at Lola Ana na doon ako tumuloy kina Mom at Tito Art. Parang may alitan sa pagitan nila Lolo at ni Mommy Hera. Magkagayunman, hindi nila sinasabi sa akin. Wala rin naman ako halos maintindihan dahil wala akong maalala. Sa tuwing pinipilit ko ay sumasakit lang ang ulo ko.

"Nak, gaya ng sinabi ko nung nakaraang araw, mayroon kang sariling kompanya. Naka base ito sa Japan at si Hiroshi maging ang best friend mong si Kento ang nagtutulungan mag manage nito. Sabi mo gusto mo makita ang detalye?" Inilahad ni Lolo Zeus ang folder sa harap ko. Naroon ang impormasyon sa nasabing kompanya. Gaming company. Ayon sa nabasa kong impormasyon. Mukang maayos naman ang pagpapatakbo rito. Maging ako ay naguguluhan kung paano ko nababasa ng maayos ang report. Mula sa stocks hanggang sa ibang technical na detalye.

"Thank you Lo, mukang maayos naman lahat. Mabibisita ko kaya ito sa sunod na buwan? Sasabay ako kila Aphrodite sa pag uwi ng Japan." Umaasang tinanaw ko ang expression ni Lolo. He looked strict pero mababakas mo ang kakisigan noong kabataan kahit na may edad na. Tinanggal nya ang salamin at ibinaba ang binabasang diyaryo. Tumingin ito sa akin ng diretso.

"Kaya mo na ba bumyahe iha?"

Napaisip ako sandali. Alam ko naman na ang sasakyan papunta roon ay eroplano. Nakita ko na yun sa youtube.

"Yes Gramps." Pangungumbinsi ko at binigyan sya ng matamis na ngiti.

"Kausapin mo ang Mama Ana mo." Nakita ko ang pag angat ng isang sulok ng kanyang labi at naiiling na isinuot ang salamin at bumalik sa pag babasa.

Humalik ako sa pisngi nito sa tuwa at pumunta sa kusina kung naasan si Mama Ana. Kahit Lola ko sya. She insisted na Mama ang itawag ko sa kanya. Nakumbinsi ko rin naman sya. Ang sabi ay kausapin ko raw si Mommy Hera.

Ginawa ko naman iyon. Tinawagan ko si Mom.

"Sige, pero kailangan isama mo si Thaddeus." Napasimangot ako ng marinig ang huli.

"Maaa, wala nabang iba? Bakit siya lang? Alam ko naman marami akong bodyguard!" Napanguso ako sa kabilang linya.

"Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko." Tumaas ang kilay nito na nangingiting nakatingin sa batong bodyguard. He look like stone. Boring. Walang expression. I just sighed in defeat.

"Isasama ko si Kento Mama ha." Kumunyapit ako sa braso nito. Ang ganda parin ni Mama Ana kahit halata na ang edad.

"Oh eh doon naman ang talaga nakatira ang batang iyon iha." Oo nga pala. Nasabi nga nya sa akin na doon sila nakatira maging sila Zeke at Ai na minsan na ring dumalaw.

"Parang dito nakatira yon Ma, laging nandito." Nagtatakang sabi ko.

"Hay naku. Magasikaso ka na doon at kailan ang alis mo?" Tanong nito.

"Bukas Ma. Magpapaalam muna ko kay 'My Hera." Pinagmasdan ko ang reaction nya. Nagbago ang timpla at nagkasalubong ang kilay.

"Anak. Mahal na mahal ka namin. Kapag naalala mo na ang lahat pag dating ng oras. Iyon ang isipin mo ha." Hinawak nya ang kanang kamay ko at tinapik iyon. Miski isa, walang nag kukwento ng nangyari sa nakaraan. Binibigyan lang nila ako ng ngiti at sinasabing mahal nila ako. That made me confuse and sad. Gusto ko na natatakot akong malaman kung sino ba ako dati. Ano ba ang nakaraan ko.

Nang isinara ko ang pinto ng kwarto ko. Napatingin ako muli sa body mirror na nakasabit sa kanan ko. Lumapit ako dito. I can see the tattoos I have sa braso, at hita. I am wearing a spaghetti strap dress. The girl standing in front of me. I still don't know her. Whenever I'm alone. I can feel the emptiness. A void that somewhat creeps into my being. Is there something wrong within me? I feel... Empty, sad and there's a missing part of me. I can smile in front of people. But when I'm alone. The true feeling of emptiness is eating me. Is this what I have read in some psychology book that was called 'Depression' ? I think I need a shrink or something. Pag balik ko nalang siguro. I would ask for Ap's help or Thanatos.

"AKO na Thens." Ibinalik ko ang ngiti ni Kento sa akin. My bestfriend is indeed handsome. Kahit na Asian ay manly pa rin ang itsura. He have those prominent cheek bones with slight slanted eyes hooded with thick lashes. Black silky hair falling perfectly to his thick brows. Higit sa lahat. Ang tangos ng ilong nya. Napapadouble take ang mga babae sa dalawang kasama ko. Well Thaddeus is handsome too. Aminin ko man o hindi. Nasa kaliwa ko sya habang si Kento ay nasa kanan na syang nagbitbit ng aking bagahe. This two, they aren't talking much. Well, hindi naman madalas mag salita si Thaddeus. He is the kind of man that is mysterious and gorgeous like what I had read for a few books that Aphrodite lend me.

Naka baba na kami ng eroplano at sabi nila ay didiretso kami kay Hiroshi. Kung saan sya ang nagmamanage ng Kompanya ko.

Hindi ako makapaniwala na may sarili akong Kompanya. Nalaro ko ang ilan sa laro na ginawa ng team. Mostly RPG ito.

Hindi kalayuan ay may nahagip akong matangkad at mahaba ang kanyang puting buhok nauuna syang maglakad sa amin. Sa paraan ng pananamit na naka suit at slacks ay lalaki sya. Is it dyed ? O matanda na talaga siya kaya puti ? Nabaling ang paningin ko ng tawagin ako ni Kento.

"Thens, nandyan na ang sundo natin." Hawak nya ang kanyang telepono at inilagay ito sa bulsa. Hinawakan nya ang braso ko at hinila. Pag baling ko sa unahan ay wala na ang kanina kong sinusulyapan. Ipinag sawalang bahala ko nalang iyon at dumeretso sa sasakyan. As usual, ipinagitna nanaman ako ng dalawa sa backseat na syang ikinasimangot ko. There is a part of me that I don't really want to be protected. It annoys me but I can't do anything about it. So what's with me and white haired guy?

Goddess of Madness (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora