Survival

272 10 1
                                    

"Ate, yung mga mata mo, totoo ba yan o contact lense?" Napatingin ako sa binatilyo na katabi ko sa  jeep. Hindi ako nakatulog kaya tumakas ako. Manila never sleeps.

Ngumiti ako rito. Palagay ko ay galing sya ng eskuwelahan. Alas siyete na ng gabi ngunit kasama nya pa ang barkada nya. Pareparehas sila ng uniform at nag aasarang magkakasabay na pumasok sa Jeep ng madaanan namin ang isang Unibersidad. Actually hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Parang naka rely nalang ako sa katawan ko na tila alam na alam ang gagawin at kung saan pupunta.

"It's real. Ohh see." Pumikit ako at pinaikot ang daliri sa talukap tapos ay dumilat para ipakitang hindi ako nakasuot ng contact lense. Mangha naman ito at ang mga kasama nya.

"Wow ang ganda mo ate. Ang cool ng mga tattoo mo." Halos pumalakpak ang nasa tapat ko. Napatingin din ako sa ibang nakasakay dito bukod sa apat na binata. Napangiti ako ng alanganin. Ang awkward. Parang pakiramdam ko, hindi ako sanay na pinupuri. Ngumiti sila sa akin at nginitian ko lang din sila.

"Ingat ka ganda bye." Kumaway ang mga ito bago umandar muli ang sasakyan.

Nag ikot-ikot muna ako sa Mall na syang destinasyon ng biyahe. Nag tingin tingin muna ako sa Book Sale at NBS nakabili ako ng ilang libro ni William Dheil. Sa malayo ay parang natanaw ko ang isang matangkad na may puting buhok. Natatawa na ako sa sarili ko dahil imposibleng nandito iyon.  Bumuli muna ako ng Belgian Waffle at napag desisyon na umuwi dahil maaga pa ako bukas.

"DAMNATION! Pano pag naiihi ako e di baka matalisod ako." Naalimpungatan ako sa narinig.

Gusto ko sanang hawakan ang mata ko para alisin ang nakaharang ngunit naramdaman kong nakatali ang kamay ko.

"The ride will not take that long. Also, this was included on the invitations that was sent to you. Just sit there or we will regard you as failed and will be sent to your country."
Narinig kong boses iyon ni Eros.

Napataas ako ng kilay kahit hindi nila nakikita. So kinuha nila ako sa kwarto na tulog pa at nagising ako ditong nakapiring na.

"Tarantado ka Thaddeus alam kong katabi kita." Matalim kong sabi. Naamoy ko kasi ang pamilyar na amoy nya. Natural Scent plus his favourite after shave. Narinig kong nataea pa ito bahagya.

"I'm one of the trainors. If you wanna fail then be my guest." I can sense that he is smirking and mocking me. Gago talaga. Tumahimik nalang ako ngunit kumalam ang sikmura ko.

"Nagugutom na ko." Muntik na kong mapanguso pero kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang sagwa noon kung ngunguso ako para lang sa kanya.

"I'll feed you." Pabulog nitong sabi sa akin, naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa punong tainga ko kaya lumayo ako ng kaunti.

"Gago ka lumayo ka sakin pwede!" Bahagya pang lumakas ang boses ko.

"Cussing machine." Huli nitong sabi bago tumayo. Maya maya pa may naramdaman ako ulinh umupo.

"Open your mouth. I will feed you." He said. Wala akong nagawa at sinubuan nya nga ako.

Matapos ang ilang oras na pananahimik ay naramdaman ko na nagland na ang eroplano. Inalalayan kami pababa ngunit hindi parin inalis ang blindfold. Hinawakan ako ni Thaddeus sa braso at ang isang kamay nito ay nakaikot sa baewang ko. Gago to nananching.

"Tsk. Baka gusto mo na kong itali nyan sa bewang mo." Mahina kong sabi dahil ayoko marinig ng iba. Naasar na ako sa pagiging touchy nya.

"Kung pwede lang." Nailayo ko naman ang muka ko dahil bumulong nanaman ito sa tainga ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nya.

Ng maihatid kami kung saan ay tumayo lang kami doon. Inalis na ang gapos sa kamay namin. This training is savage. I knew it.

"You can remove it now."
Patukoy nito sa blindfolds. Medyo nag ajust pa ang mata ko at palingon lingon ako. Marami kami. Mga nasa mahigit isang daan pero kulang limang daan. Hindi ko alam kung paano ko natantya. Karamihan ay kalalakihan. Iba ibang kulay ng balat, buhok at mata. Sa harap ay may apat na nakatayo roon. Nasa gitna si Thaddeus. May dalawang babae rin sa kaliwa nya at isang lalaki sa kanan.

"We are your instructors for this batch. Welcome to Twin Island. I am Titan Guardian Phoenix. You can call me Phoenix. This is First Elite Rose and Canary and he is Titan Guard Leon."  Pinakilala nya ang mga kasama. Tumaas ang kilay ko doon sa Leon nakatitig ito sa akin. Pero maya maya ay ngumisi rin ito. Parang kamuka nya ung isa sa anime na character na napanuood ko sa Japan. Nakalimutan ko ang pangalan.

Nag salita ng nagsalita si Thaddeus tungkol sa three test. So first ay survival na tatagal ng isang linggo.

"Unlike other batch, ngayon na mag sisimula ang first test. This Island will be the location. May mga necessities, foods and other stuffs for survival na makikita kayo na katago lang sa islang ito. May mga wristwatch kayo na may tracker. If you are in trouble. Just push the red button. Note that if you do that, disqualified na kayo. Kapag nakita namin na hindi nyo na rin kaya o nahimatay kayo ay ipupull out namin kayo. Makakapasa ang magkakaroon ng 50 pts. Pataas Bawat hidden bags ay may nakalagay na maliit na chip. You need to  collect those and survive in this Island. The rule is no killing. That is all." Mahabang paliwanag ni Agent Rose. Matangkad ito. Nakatali ang mahabang itim na buhok. Maputi rin ang balat nito. May kakaibang ganda at gaya ng pangalan nya. Sumisigaw ng authority ang aura. Others may feel intimidated by their aura but not me. My adrenaline is pumping. I feel so excited, so alive in this almost lifeless Island.

"Move out." Agent Leon command us. Maraming nag grupo grupo, mayroong gaya ko ay mag isa lang din. Nakatayo lamang ako roon inaanalisa  ang lugar. Pansin ko na wala kaming dala na kahit ano bukod sa mga damit namin. Luckily hindi ako nagpalit kagabi. Diretso akong natulog suot ang itim na ripped jeans at black tanktop. Napansin ko rin na mayroon akong suot na jacket. Nakilala ko ang jacket na iyon. Kay Thaddeus. This is his favourite jacket. Naamoy ko pa ang pamilyar nyang amoy. Nakita kong bumaba silang apat sa underground. Malamang ay doon nila kami imomonitor. Huling bumaba si Leon. Nakataas ang kilay nito at ngumis uli sa akin na parang nag hahamon.
I want to wipe off the smirk on his fucking face.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. This will be a long fucking week.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now