Epilogue

787 20 2
                                    

Thank you for reading this far.
I decided to publish all the remaining chapters.
Xoxo little devs.

Madalas, mas itinuturing kong liability ang itsura. People often say na muka raw akong babae. Si Mama ay chinoy at purong hapon naman ang Papa. Madalas ako noong mabully at mapaaway at si Siyera ang laging nagtatangol sa akin.

"Kuya naman lumaban ka!" Madalas para siyang mas matanda sa akin.

Nagbago ang lahat noong nasa ikatlong baitang na kami ng mababang paaralan at siya na ang binully. Pinagtulungan siya ng mga kalalakihang kaklase at hinaras. Wala akong alam. Nalaman ko nalang ng dalhin ako nila Mama sa hospital. Simula ng araw na iyon, may napansin na akong kakaiba sa kanya.

Mabilis na itong magalit, madalas magbago ang mood. Nagkamali kami ng pabayaan ito. Nagkamaling tinolerate. Kambal man kami, sobrang magkaiba ang ugali sa bawat isa. She's jolly and outgoing, while me I always hated the noise. Hindi ako mahilig sa musika. I always want to be alone. I take it as an advantage. Natuto akong lumaban matapos ng nangyari sa kapatid ko. Ipinangakong, ako naman ang poprotekta dito. Unti-unti nakilala sa school ang aking pangalan. Resident Badboy ang ibinansag sa akin. I was rude with anyone else beside my family. They cannot do anything about me since kilala ang mga Hanjo sa probinsiyang iyon. Shareholder din si Dad sa paaralan. I learn how to use 'our resources' wisely kaya walang bumabangga sa akin. Despite of being cheerful, palaging mag isa si Siyera until the new girl came.

"Kuya, may bago akong kaklase. Marunong din siyang magtagalog at galing siyang Pilipinas. Napakaganda ng mga mata niya." May kakaibang kinang sa mga mata ng kapatid ko. She's like a fan that held hands with her idol. Nakahiga ito sa aking kama habang parang kinikilig na umiikot ikot. Nakaupo naman ako sa study table at nakadekwatrong pinagmamasdan siya.

"Bumalik ka na sa kwarto mo Siyera. Matulog ka na para makita mo siya bukas." Walang gana kong pang uuto rito. Kumakandirit na lumabas siya ng kuwarto na nagpailing sa akin.

Noong araw na makita ko ang pinag uusapang 'transferee', para ba akong nabato balani. Who would've imagine na ganoon siya kaganda.

Her gray eyes, ang maputi at makinis na balat at may kung anong sa kanya na parang hinhila ka palapit. She's like a whirlpool, you don't have a choice but to surrender until you submerged. I masked my amusement with rudeness.

"Don't come here again." I said dead serious. Pero hindi siya nakinig. She's so stubborn.

Noong ipinakilala siyang girlfriend ng kapatid ko I was so annoyed. Habang siya ay parang tuod lang doon na nakatayo, parang walang pakialam. At ng makita ko si Siyera na nakapatong sa halos hubad na nakatawan ni Athena, sobrang naginit ang ulo ko. I was worried with my sister's condition. Nagiging obsessed na ito. Nag aalala rin ako para kay Athena pero nang magtama ang mata namin habang nakahiga siya na parang walang buhay sa kama ni Siyera, nainis nanaman ako. Wala ba siyang pakialam sa sarili niya?

As the day pass by, habang inoobserbahan ko ang babaeng iyon nakakaramdam na ako ng kakaiba. Kapag nagkakatama ang mata namin, kahit hindi kami naguusap ay parang naiintindihan namin ang bawat isa. Noong una ay naiinis kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang nag iba.

I was never fond of music, kabaliktaran ni Siyera na hilig ang sumayaw at magpatugtog. Madalas silang tumambay sa studio nito. When she danced that time damn! Uminit ang paligid. Ayokong pangalanan ang nararamdaman ko sa kanya dahil baka hindi ko na mapigilan.

I was torn between not hurting my sister and making her mine. I know na mahal siya ng kakambal ko. She's crazy and obsessed over her. Later on I found myself as crazy as her for the same girl. When was it that I have felt something towards her, is it the time I saw her deep set of dimples as she smiled? Is it the time that she danced or sing looking into my eyes? Maybe it's the time when I first saw her on that faithful day on the rooftop and made a snarky remark.

Goddess of Madness (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum