Secrets

286 17 0
                                    

We all have secrets. Sometimes we keep secrets to cover up the truth. Sometimes, to protect someone for being hurt. Most of the time secrets leads to unimaginable disaster.

"Gusto kong umuwi sa bahay ko." Biglang lumabas ito sa bibig ko ng nagmamaneho si Thaddeus. Paglabas namin sa airport ay nandoon na agad ang isang sasakyan galing sa ASA. Mayroong nakabuntot sa amin na sasakyan ng ilan pang body guard.

"Nakakaalala ka na." Hindi iyon tanong. Para bang siguradong sigurado na sya.

"Just a little. Huwag mo munang sabibin sa kanila." May mga bagay parin na malabo sa akin. I remember some part of my past. Those times na galit ako kay Mommy Hera. Those emotional torture I went through since I was a child. I remeber that I had a house, the Red District. There's just flashes of memories noong nahimatay ako. Hindi ko pa rin alam kung sino ang nasa panaginip ko.

"Do you remember me?"
He sounds hopeful. Napatingin ako sa kanya pero naka diretso ang tingin nya sa daan.

"I'm sorry." Iyon lang ang sinagot ko. Nakita ko ang pag higpit ng hawak nya sa manibela.

"I understand. I will keep your secret." Bumuntong hininga ako sa naging sagot nya.

"Gusto kong makita ang bahay ko. Baka may maalala uli ako. Tutulungan mo ba ako?" Humarap ako sa kanya.

Inihinto nya sa gilid ang kotse. Walang halos dumadaan ngayon.

"Sigurado ka bang gusto mong maalala ang lahat?" Diretso ang tingin nito sa akin. Bahagya akong napalunok at tumingin sa ibang direksyon. Iniipon ang tapang upang harapin sya.

"Yes." I answered with finality habang nakatingin sa maganda nyang mata na parang malalim na dagat.

INIHINTO nya ang sasakyan sa isang itim na gate. Up and down na bahay. Black and white ang pintura nito. May kniha syang susi at ibinigay sa akin. Binuksan ko ang gate. Bumungad sa akin ang garden na namumukadkad ang mga bulaklak. May orchids, rosas at sunflower. Mayroong daan sa gitna papunta sa main door. Sarado din ang garahe sa kanang parts ng bahay sakop nito ang hanggang sa gate. Sa kaliwa ay nandoon ang garden. Dumiretso kami at binukasan ko ang pinto. Parang may nakatira dito dahil malinis. May mga painting sa sala. May isang pinto din sa kaliwa at pumasok ako doon. Dinning room at Kitchen pala ito. Bumalik kami sa sala. May flat screen, xbox at kung ano anong bala ng dvd ang naroon sa estante. May L shape na sofa din.

Umakyat ako sa hagdan. Naroon ang dalawang pintuan. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Ang nasa kanan ang malaki kaya iyon ang binuksan ko. Walang duda na ito ang kwarto ko. May mga litrato namin mag pipinsan na nakasabit sa dingding at may malaking portrait ko kung saan magulo ang buhok ko at tanging polo na puti ang suot. Wala akong tattoo sa mga braso. Parang nasa katorse pa ako nito at bagong gising. Nakahalumbaba ako sa harap ng kumuha ng litrato.

White and black din ang lahat ng muwebles hanggang sa kama at kurtina. Lumabas ako roon. Nakita kong nakasandal lang si Thaddeus malapit sa pinto ng mas maliit na kwarto.

Ng buksan ko ito ay nakita kong may mga takip ang naroon. Mayroong upright piano sa kanan. Lumapit ako sa isang nakatakip na instrumento sa bandang dulo. Maraming nakahanay na instrumento sa pader. Lahat naka case o bag. Iba ibang laki.

Nang buksan ko ang tabing ay nakita ko ang set ng drums. It feels nostalgic. Hinaplos ko ito bago umikot at umupo sa upuan na naroon. Yumuko ako tila alam kung saan tinago ang drum sticks. Tila may sariling buhay ang mga kamay na pumalo sa drum set. Hindi ko namalayan na nag eenjoy na ako at nakangiti ako habang pabilis ng pabilis ang pag palo. Matapos ay hingal na hingal ako. Inabutan ako ni Thaddeus ng pamunas at mineral water.

"May naalala ka?" Noon tila ayaw nyang maalala ko ang nakaraan pero ngayon halos maya-maya kung itanong nya ito sa akin.

"Wala pa. Parang instinct lang. Parang alam lang ng katawan ko kung anong gagawin." Matapos ko sabihin iyon ay tumahimik kami ng ilang minuto.

"Kailangan mo ng umuwi sa Mommy mo. Baka makahalata na iyon." Napalunok ako at nagtagis ang ngipin. Nalilito ako. Galit pa rin ako sa sarili kong ina. Naalala ko kung paano nya ako tratuhin dati. Kung paano nya ako ituring na parang hindi nya anak at isang bagay na dudungis sa maganda nyang istado sa lipunan. Naalala ko naman kung paano sya manghingi ng tawad at kung paano nya ako yakapin noong araw na gumising ako galing sa matagal na pagakakatulog.

"Okay." Bumuntong hininga ako.

"ANAK!" Niyakap ako ni Mom pagkalabas ko palang ng sasakyan. Tila inaanalisa kung may galos ba ako mula sa engkuwentro.

"Mom. I missed you too." Binigyan ko sya ng maliit na ngiti at hinawakan ang magkabilang braso at bahagyang ilayo.

"I was so worried. Dapat pinauwi na kita noong nahospital ka ng una." Nangingilid ang luha sa kanyang mata.

"I'm okay now Mom. Let's go inside." Giniya ko sya papasok sa kanilang bahay.

Matapos ng ilang kamustahan, gusto man nyang doon ako patulugin ay hindi pumayag ang abuelo at abuela. Pinauwi ako ni Lolo Zeus sa kanilang mansyon.

"Iha, maayos ka lang ba?" Bungad sa akin ni Tito Ares. Daddy ni Aph. Hindi ko alam na narito sya. Niyakap nya ako. Nandito rin si Tito Hades at ang kanyang asawa, maging ang dalawa kong pinsan. Niyaka nila ako isa-isa.

"Maayos naman po ako. Salamat po sa pag aalala." Binigyan ko sila ng matamis na ngiti. Umupo sa tabi ko ang dalawang pinsan ko. Kahit na ang lalaki na namin at muka na silang mature, masyado parin silang clingy.

"Anong balak mong gawin sa mga susunod na araw." Tanong ni Lolo na nakaupo sa kabisera.

"Wala pa po sa ngayon Lo." Sinabi ko ang totoo.

"Kung ganoon ay mamalagi ka sa Isla at makikiisa sa bagong batch ng mga papasok." Napakunot ang noo ko. Isla? Papasok?

"Hindi ko po kayo maintindihan Lo."

Huminga ng malalim si Tito Hades. Bago nagsalita.

"Iha. Nasabi na namin na mayroong Agency ang pamilya natin hindi ba? Aurora Security Agency (ASA). Sa isang Isla nakadestino ang Training Center at HQ ng Ahensya. Isa ka noong magaling na Titan Agent gaya ni Thaddeus kung kaya isa ka sa nagtuturo sa mga bagong papasok pero dahil nawalan ka ng alaala ay kailangan mo mag simula uli. Sa isla nalamang ipapaliwanag ng mga pinsan mo ang ibang detalye."
Napatingin ako sa kanilang lahat isa-isa. Seryoso silang lahat.

"No shit sherlock." Naibulalas kong bigla.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now