Piece of me

325 12 0
                                    

"Ngumingiti ka na." May maliit na ngiti si Kuya Mitos ng sabihin niya iyon. Namayat ng bahagya si Kuya. Noong makita ko siya ay dinaluhong ko ito ng yakap. Naiyak pa ako sa dibdib niya na parang bata. Mayroon siyang begote at balbas na tumubo. Mahaba rin ang kanyang itim na buhok na halos umabot na sa balikat.

"Muka ka ng ermetanyo Kuya! Ano bang nangyari sayo." Iyak tawa kong sabi dito habang yakap ng kay higpit ang bawat isa.

"Ikaw din namayat. Hindi ka ba kumakain?" Balik asar niya sa akin.

"Oh ang lagay kayo lang? Makikiyakap rin ako." Natawa kami kay Kuya Mikos na parang batang nakiyakap. Malaki na ang katawan niya. Gym buff kung baga, kabaligtaran ni Kuya Mitos na namayat.

"Kuya Mikos, pakainin mo ang kambal mo parang hingahan lang ng hangin tatangayin na!" Pinunasan ni Kuya Mikos ang aking luha at humalakhak.

"Iyakin." Kumalas si Kuya Mitos sa yakap at umupo. Dumikwatro ito at sumandal sa sofa.

"Ano bang nangyari sayo sa nakalipas na taon?" Tanong ko sa kanya at umupo sa single couch. Bumuntong hininga ito. May kung anong lungkot sa mata niya.

"Noong tumalon ako, akala ko makakasama ko na siya... Nabaliw ako sa pagmamahal Athena. Minahal ko ng sobra si Andrea na kahit may mahal na siyang iba... Hindi ko magawang tumingin sa iba..." Nag init ang sulok ng aking mata. Pahinto hinto si Kuya. Alam kong pinipigilan niya ang luha.

"Nailigtas ko siya. Tinulungan kami ng mangingisda na nakakita sa amin sa laot. Napadpad kami sa isang isla sa China. Sa loob ng halos dalawang taon, saksi ako kung paano niya pinilit lumaban. May tama siya noon ng bala at inatake siyang muli ng sakit niya... But she's a fighter. Hiniling niya na huwag ng bumalik. Naka recover man siya sa nangyari noon, unti-unti namang humina ang katawan niya. That time... Masyado ng maliit ang tiyansa na makasurvive siya kung sakali mang magpa heart transplant..." Napayuko ito at sinabunutan ang ulo. Napalunok ako sa pag pipigil ng luha dahil hindi magawang umiyak ng kapatid ko.

"Isa pa ay buntis siya. Makakasama ang mga gamot sa bata. Mas pinili niyang ilabas ng maayos ang bata kahit bed ridden na si Andrea... Sobrang sakit makita siyang ganoon..." Hindi na nito napigilan at humagulgol. Tiningnan ko din si Kuya Mikos na tulala. Pinunasan ko ang takas na luha sa aking pisngi at hinimas ang likod ni Kuya Mitos.

"Naipanganak niya si Xennon through Cesarian Section. Mas lumubha ang lagay niya hangang sa..." Niyakap ko ito ng pakiramdam ko ay hindi na niya kayang magkuwento pa.

"Kung hindi mo na kaya sabihin, okay lang Kuya, naiintindihan namin." Tinatagan ko ang sarili at binigyan siya ng ngiti. Umiling ito.

"Tinawagan ko si Spenzer noong alam kong sandaling oras nalang at baka siya nalang ang hinihintay ni Andrea. Ilang taon akong naging makasarili. Inangkin ko ang magina niya... Imbes na magalit siya ay nagpasalamat pa ang loko sa akin." Tumawa ito ng mapait.

"Kuya, tama ang ginawa mo. Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay ganoon din ang gagawin ko. Nandito lang kami. Mahal ka namin. S-salamat at bumalik ka na." Nakangiting sabi ko. Naalala ko ang pinagdaanan ko sa madilim na lugar kung saan ikinulong ko ang sarili sa kagustuhang ayoko ng makaramdam ng sakit. Mas masakit ang pinag daanan nito. Hiram na sandali sa kanyang mahal na hindi nasuklian. Napangisi ako. Mga baliw ata ang Hibara. Magmula sa ama ko na nahibang kay Hera at sa kapatid kong itinago ang mahal niya at sa akin...

"Kuya Mikos, matakot ka na sa sumpa ng Hibara. Mga baliw magmahal." Nakangisi kaming lumingon sa kanya na parang namutla.

"Tangina wag ako. Wala pa akong lovelife. Saka baka mauna ka pa sa akin Princess." Ismid nito.

"Isa rin ako sa baliw kuya." Matipid kong sagot at nakita ko ang paglingon ng dalawa sa akin.

"Ano? May puso ka pala?" Sabay na asar ng kambal kaya pinagsasapak ko sa mga braso.

"Hoy anong akala nyo sakin? Maraming nagkakandarapa sa akin aba!" Napangiwi sila sa kayabangan ko.

"Oo si Thaddeus iyong bodyguard slash boy mo." Inirapan ko si Kuya Mikos at humalukipkip.

"Huhuntingin ko siya. Hindi ako binisita at wala akong balita sa kanya. Tutulungan mo ko?" Tinaasan ko ng kilay si Kuya Mikos. Hindi ko kasi alam kung umuwi siya ng Japan dahil wala siya sa ahensya. Ang alam ko ay nireject iyon kahit nakapasa sa tests. Nabalitaan ko kay Aphrodite.

"Ano? Talagang may kinahihibangan kana nga?" Hindi makapaniwala ito at nanlalaki ang singkit na mata. Tahimik lang si Kuya Mitos na nakadekwatro uli na akala mo hindi tumulo ang uhog kakaiyak kanina.

"Akatsuki Syrus Hanjo. Paki bilisan Kuya. Ilang taon na akong naghihintay sa kanya." Napailing iling ito sa utos ko. Binuksan ko na din ang laptop na nasa harap at nagsimula ng hanapin ang impormasyon kung pumasok o lumabas ba siya ng bansa.

Naalala ko ang sinabi ni Kento noon sa akin.

"After you build an Empire, what's next?"

I can answer him right now. The thing that I have always wanted. I want a complete family. A family of my own. I want to love and be loved. That pretty boy of mine and I had so many push and pull. The thing that I regret the most from the past is I didn't got the chance to say to him how I felt. I saw how happy Aphrodite with the man she love. I saw how broken she  was when Richard left her, yet it led her to what she have today. A very beautiful daughter and a loving husband.

What there is left for me? Mayroon akong sariling kompanya. Kahit hindi magtrabaho ang magiging asawa ko ay mapapakain ko sila ng magiging anak namin. Natawa ako sa iniisip.

I'm not yet sure if he still loves me or what will happen next once we learned about the past. Once we talk about our own fears and how we felt.

The only thing I have in mind right now is to clear things up at ayusin ang buhay ko. I want to turn into new leaf. Well, in regards with my attitude. I can't promise that I will be good to others. I let out my infamous smirk.

"Princess." Inangat ko ang tingin kay Kuya Mikos na nasa tainga pa ang cellphone. Napangisi ako ng malawak ng sabihin nito ang impormasyon kung saan ko makikita si Syrus.

"Go for it. Learn from me. Pag nahawakan mo na, wag mo nang pakawalan." Nakangising pagtataboy ni Kuya Mitos.

Well pretty boy, you will surely get a piece of me.

Goddess of Madness (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz