Tuta

819 33 1
                                    

Naranasan mo na bang maramdaman na parang sasabog nalang bigla lahat ng kinikimkim mo? Yung point na gusto mo dumurog ng bagay, bumasag ng mukha at mag amok para mailabas lahat ng saloobin mo?
Yun ang nararamdaman ko ngayon.

"Putang ina, tumayo ka!" Sinipa ko ang lalaki sa harap kong nakahandusay. Kanina, ang lakas ng loob na hawakan ang dede ko ng  ungoy na ito. Siya tuloy ang napagbuntungan ko ng galit. Inangat ko pa sya at pinag susuntok sa muka. Nakatingin lang ang mga maton dito sa isang bar sa loob ng Red District. Normal na ang mga bagay na ganito dito. Lahat ng illegal ay maaring magawa. Free Zone sa mga gang at mafioso maging mga halang ang kaluluwa at adik.

"Aurora, mapapatay mo na yan. Masasabit ka nanaman kababalik mo palang." Ani Lee Rock, isa sa mga nakilala noong mga panahong madalas ako dito. Isa siya sa mga barkada ko. Mas matanda lang ito sakin ng dalawang taon. Kulay pula ang buhok na naka crew cut at may hikaw sa tenga at piercing sa ibabang sulok ng labi.

Ibinato ko ang lalaking bugbog na bago umupo sa tabi nya at inagaw ang kanyang inumin.

"Anong atin ?" Tanong nito bago bumuga ng usok mula sa sigarilyo na kanyang hinihithit.

"Tanginang buhay." Pabalang kong sagot at mahigpit na hinawakan ang bote ng rum. Nagngingitngit parin ako sa galit. Kulang, hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Gusto kong magmura ng magmura, ibalibag lahat ng nandito, makipag basag ulo.

"May laban ako mamaya sa Zigzag. Ikaw nalang pumalit, baka lumamig ulo mo." Napalingon ako sa kanya. Drag race ang ibig nyang sabihin. Sa itaas ito ng burol at matarik. Tinanguan ko lang ito at diretsong tumunga ng alak.

Naging ganoon na uli ang routine ko araw araw. Kahit ng mag umpisa na muli ang eskuwela ay nakikipag basag ulo ako o di kaya'y kumakarera sa Red District. Alam kong nag aalala sa akin ang mga pinsan ko lalo na si Aphrodite. Mag ingat man akong wag masugatan o mapuruhan sa mga gulo ay minsan talaga natatamaan ang muka ko kaya visible ang mga sugat ko. Alam kong di magtatagal ay malalaman din ng Elders ang pinagagawa ko. Pero anong gagawin ko ? Pano ko mailalabas ang naiipong sama ng loob sa akin araw-araw ? Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip kung bakit hindi ako minahal ng mga magulang ko, kung sino ang ama ko at kung bakit tila iniiwasan ni Hera ang usaping iyon.

"Athena, wag ka kaya munang umalis." Pangungumbinsi ni Aphrodite sa akin. Tumambay ako ngayon sa bahay nila dahil wala sina Uncle, may business trip. Wala din si Eros, malamang ay nasa mga ka basketball team nya naki sleep over.

"May laban ako mamaya Aph."

"Mayaman ka pa sa akin Ateng, san mo ba gagamitin yang napapanalunan mo sa mga ganyan ?" Aminado naman ako na malaki ang panalo sa mga Drag Race at minsan pa nga ay pakikipagbuno sa Arena ng Red District. Sa totoo lang naiipon lang iyon sa bank account ko. Ang hanap ko talaga ay thrill.

"Sasama ako." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya at ipinagkibit ko nalang iyon ng balikat. Minsan sumasama naman talaga ito sa akin pero lagi syang naka jacket na may hood at sumbrero para walang makakilala sa kanya. Ok lang sa akin na maheadline ng negatibo pero pag si Aphrodite? Magkakagulo.

Pagkarating namin ay dumistansya siya sa akin. Nagkaintindihan kami sa senyas. Sya ang pinaka close ko sa aming mag pipinsan para na kaming magkapatid.

"Ingatan mo ang baby ko. May tiwala naman akong ipapanalo mo ito." Ani Lee Rock ng ibato sa akin ang susi ng kanyang Bugatti Chiron na kulay asul. Ipinaikot ko ito sa aking daliri at tinanguan sya. As usual na may hawak nanaman itong stick ng sigarilyo.

Pumwesto na kami sa starting point. Oh damn! Ang lakas ng hatak ng tunog ng engine ng muscle car na ito. Mas lalong nakadaragdag sa exitement na nadarama ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ng pumagitna na ang flag girl na seksing seksi sa suot na 2 red piece. Ng maibaba ang bandila ay nagsimula na kaming umarangkada. Nangunguna ang manyak na si Dypus, mahigpit kong katunggali na pumapangalawa sa popularity ng distrito. Mahirap magmaniobra dito sa Zigzag lane lalo pa at gabi. Isang maling galaw ay bangin ang babagsakan mo. Apat kami ngayon na nag uunahan sa finish line na nasa ibaba ng matarik na bundok na ito. Pumapangatlo na ako. Dalawa pa ang kailangan kong lagpasan.

"Aurora, pag nanalo ako dito mag dadate tayo." Sumilip pa ang gungong na si Dypus na syang nauuna sa karera.
Tinaasan ko sya ng kilay at inilawit ang kamay na naka middle finger. At pinaarangkada ang Chiron ni Lee

Hindi ako makikipag date sa isang fuck boy men, never!

As usual ako nanaman ang nanalo.
Binigyan ko ng tadyak sa bayag si Dypus ng lapitan ako nito matapos bumaba at tangapin ang atache case na naglalaman ng cash na premyo.
"Manyak." Iniwan ko sya doong nagtatalon at pinauulanan ako ng mura. Tumatawang lumabas si Six at Seven na kanyang tropang kambal ang pangatlo at pangaapat sa popularity.

"You're messing up again with Amazona bro." Narinig ko pang kantyaw ng isa sa kambal bago bumalik sa Chiron upang umarangkada uphill kung nasaan si Aphrodite.

"I'll deposit your share Lee." Itinapon ko dito ang susi ng kanyang sasakyan ng makarating ako. Ngising aso ang hudyo.

"Sawa ka na talaga mabuhay huh." Napatingin ako sa nag salitang iyon sa bandang likuran ko.
Maraming nagbago sa kanya. Mas tumangkad, lumaki ang katawan at medyo Tan ang balat. Magpagayun pa man, hindi mawawala sa akin ang pagkairita ng makita ko muli ang muka niya. Hindi ko malilimutan na sya ang dahilan at ang bunganga nyang sumbungero kung bakit ako ipinadala sa Japan. Ang tuta ng Elders upang itali ako at pilit paamuhin.

 Ang tuta ng Elders upang itali ako at pilit paamuhin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Thaddeus." Puno ng pagkauyam na saad ko. Alam ko ng mga oras na to ay nahuli na ako. Alam na nila ang pinagagawa ko.

Inilahad nya ang kanyang kamay paturo sa sasakyan na nasa gilid. Nasulyapan ko si Aphrodite na umalis. Ito ang plano hindi sya dapat madamay. Sumakay ako sa sasakyan at hinanda ang tenga mamaya sa seremonya ni Hera.

"Bumalik ka lang dito para lumala. Ano pa kayang ginawa mo sa Japan ha Ena." Tinaliman ko ito ng tingin pero di sya natinag at deretso ang tingin sa kalsada. Gusto kong suntukin ang kanyang panga. Kaya yun ang ginawa ko. Napapreno naman ito at lumingon sa akin na nagtitimpi. Hawak ang kanyang panga. Ilang saglit kaming nagkatitigan ng matalim bago nya itinuloy ang pag dadrive pauwi.

"Putang ina ka Thaddeus. Dahil sayo mas lumala ang lahat. Wag na wag mo akong matawag na ganon dahil alam mo ang pangalan ko. Hindi tayo magkapamilya at hindi kita kaibigan tuta ni Hera!" Nanggigigil na turan ko. Puno ng pait. Nagtatagis ang kanyang bagang ngunit hindi na ako pinatulan.

Goddess of Madness (Completed)Where stories live. Discover now