Chapter 21

1.9K 96 0
                                    

Tahimik akong kumain habang pinipilit na iiwas ang paningin kay Tobias na kanina pa akong matamang pinagmamasdan.

Pinigilan ko ang aking sariling kamay sa panginginig dahil sa hilong nararamdaman.

Did he watch me sleep the whole day?

Agad akong napalunok sa naisip at nagpatuloy sa pagkain. The way he stares at me felt like he owns me. It almost felt like he knows I'm Angeline because that's the way he stares at me before this shit happened.

Napatigil ako sa aking pagkain nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napabaling ng paningin doon.

"Tobias... love," salubong ni Caroline at masuyo siyang hinalikan sa labi.

I can't help but to frown by that.

Iniiwas ko ang aking paningin sa kanila at pinilit na nilunok ang aking pagkain. Mahina kong pinukpok ang aking dibdib sa nakita at dahil naninikip ito.

Ngunit dahil sa aking ginawang paglunok ay ramdam ko ang pagbabara ng pagkain doon.

Malakas akong napaubo at sinubukang sumagap ng hangin. Napabaling naman ang paningin ni Tobias sa akin at agad na nanlaki ang kaniyang kulay tsokolateng mga mata nang makitang nahihirapan akong huminga. Bumakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala at bahagyang itinulak si Caroline papalayo.

"Fuck!" He immediately stand up straight, pushing me out of the bed. I felt his arms circled on my waist as he help me let out the food stuck in my throat.

I can feel my face turning into blue. He tightened the grip on my waist as I spat out the bone.

Habol-habol ang aking paghinga matapos iyon. Nakabalot pa rin ang braso ni Tobias sa akin at ramdam ko ang mabagal niyang paghinga sa aking batok.

Agad naman akong kumawala sa kaniyang yakap at umayos ng tayo. Napabaling ang aking paningin kay Caroline na kanina pa masama ang tingin sa akin.

Kahit nahihilo ay inayos ko ang aking postura.

"Caroline, pakawalan mo na ako," aniko.

Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Tobias nang sabihin ko iyon.

Bakas naman sa mukha ni Caroline ang gulat. Ngunit agad niyang napalitan iyon ng plastik na ngiti.

"My name's not Caroline, it's Angeline," nakangiti niyang saad. Ngunit alam kong peke lang iyon kaya hindi ko maiwasang matawa.

Best actress goes to this girl...

Agad rin akong napatigil sa pagtawa nang mapansing kanina pa matiim ang tingin sa akin ni Tobias. Pinalis ko ang luhang nasa gilid ng aking mata dahil sa pagtawa.

Napalunok ako sa kaba at hindi mapigilang mapanguso. Nawala ang sakit at hilo na aking nararamdaman kaya nagawa ko nang tumayo nang maayos. I guess laughing is my vitamin?

Ibinaling ko ang aking paningin kay Caroline at plastik na ngumiti sa kaniya. Saglit niya naman akong tiningnan nang masama noong hindi nakatingin sa Tobias.

"I guess three days is enough..." wika ko sa kaniya.

I shrugged my shoulder as I walked away from them. I tried my best not to glance at Tobias who's stare is making me nervous and sweat at the same time.

Kumunot ang noo ni Caroline sa aking sinabi at bakas ang pagtutol sa kaniyang mukha. Hindi ko mapigilang ngumisi nang palihim dahil doon.

Three day of hell is enough, Caroline.

Sumulyap ako sa bintana at makitang bilog na bilog ang buwan. Wala na rin akong magawa kundi abusuhin ang sitwasyon ngayong nandito si Tobias at alam kong walang magagawa si Caroline.

Nang ipipihit ko na ang sedura ng pinto ay bigla akong napatigil dahil biglang nagsalita si Tobias.

"Wait."

Hindi ako lumingon sa kaniyang direksyon ngunit hinintay ang kaniyang susunod na sasabihin.

"Let me ask you something... why do you want to take Di-A away?" bakas sa kaniyang boses ang pagseryoso.

Mariin akong napakagat sa ibaba ng aking labi habang nakatingin sa pinto. I want to leave because of all the pain I've encountered. I want to leave... like I always do.

I want to leave... but why am I hoping that Tobias wouldn't  let me?

I sighed as I answered,

"You won't understand," I breathlessly whispered.

"Then enlighten me... tell me," he huskily whispered right into my right ear.

Agad akong napaayos ng tayo nang maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking batok. Dahilan para magsitaasan ang aking balahibo sa katawan at magwala ang aking puso.

Damn.

Mabilis naman akong umalis papalayo sa kaniya at sumulyap kay Caroline na kanina pa nagpipigil ng galit.

Napalunok ako at hindi pinansin ang nakakapasong titig na binibigay sa akin ni Tobias. Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang aking ginawa ngunit kailangan ko na talagang umalis dito. Kung hindi, alam kong may gagawin si Caroline na hindi ko magugustuhan.

Saglit ako tumingin kay Tobias.

"I think you should focus on your mate, not on me..." bulong ko na umabot sa kaniyang tainga. His face expression changed and it suddenly turned stern.

Pumihit ako paharap sa pinto para lumabas. Ilang hakbang na ang aking ginawa. Nang biglang marinig ko ang malakas na pagmumura ni Tobias sabay ang kaniyang pagdaing.

Nanlalaking mata naman akong napatingin kay Tobias at makitang nakayuko siya sa sakit na nararamdaman. Unti-unti siyang napapaluhod at kitang-kita ko ang paglabas ng kaniyang dalawang matatalas na pangil.

His skin slowly turned more pale than it ever was.

Dahil sa kaniyang malakas na pagdaing ay agad na sumulpot si Oliver maging si Lara. Their eyes were burning red like how Tobias' eyes are right now.

Napaatras ako sa gulat nang mabilis akong itulak ni Caroline at may kinuha sa malapit na aparador sa aking gilid. Wala akong magawa kundi panoorin si Tobias na nagwawala habang hinahawakan ni Oliver.

Tobias' not on his usual self right now... he's uncontrollable.

I noticed how Caroline hurriedly cut her palm using the blade she took and let Tobias drink the blood dropping.

Ilang segundo ang lumipas ay tumigil na sa pagwawala si Tobias.

Napasulyap ako sa buwan at makitang bilog na bilog ito at kulay pula. The curse...

Agad akong napatingin muli kay Tobias. Hindi ko mapigilang mapalunok sa kaba nang magsimula na namang magwala si Tobias.

"What the fuck is happening?" naguguluhang saad ni Oliver. He was intensely looking at Caroline, confusion was visible on his face.

"Why is he losing himself again? He drank your blood..." he softly said.

Agad naman akong napaatras nang marahas na lumingon sa akin si Caroline.

"N-No..."

... not again.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now