Chapter 3

3.7K 182 12
                                    

Agad namang napatigil sa pagtakbo ang asong lobo nang banggitin ko ang pangalang iyon.

Mabilis akong bumaba at nanginginig na napaatras. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napayakap sa sarili. Andito ulit kami sa gitna ng gubat.

Damn... now I'm staring to hate forest.

Nang umalis ako ay agad na pumunta sa likod ng puno ang asong lobo at tanging naririnig ko na lamang ang pagkalagutok ng buto na nakapagpangiwi sa 'kin.

Muli akong napaatras nang lumabas sa likod ng puno ang isang pamilyar na lalaki na nakapantalon lamang at walang suot na pangitaas na damit. Napaawang ang ibaba ng aking labi dahil sa gulat.

Ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo sa katawan. "L-Lucas?!"

Nakangisi siyang napakamot ng ulo. "Hi, miss..." ngisi niyang saad na maya-maya'y naging ngiwi.

Big wolf... cracking bones... and Lucas.

"Werewolves are real?!" asik ko habang nanlalaki ang mata. Lumabas ang ngipin niya sa laki ng kaniyang ngiti.

"Oo... at ako ang kanilang alpha," sagot niya at kumindat sa 'kin.

Agad na kumunot ang aking noo. "Ano 'yong alpha?" tanong ko na nagpakawala sa kaniyang ngisi. Bumagsak ang kaniyang balikat at napatampal sa sariling noo.

Sinubukan niyang humakbang papalapit sa 'kin nang itaas ko ang aking paa at balak na kunin ang aking suot na tsinelas nang walang makapa ay labis ang aking pagkakataranta.

N-Nasaan na iyon?!

"Angel..." Huminga siya nang malalim, "Ipapaliwanag ko sa 'yo kung anong meron sa mundong ito," he lowly said.


Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

He just finished explaining what's in this world while treating my wounds.

Werewolves, witches, elves and... vampires.

"P-P'wede pa ba akong makaalis dito?" tanong ko at napalunok sa sariling laway. Napakagat din ako sa ibaba kong labi dahil sa kaba.

Maliit siyang ngumiti, "Paano ka ba napunta rito?" Agad naman akong napaisip sa kaniyang tanong.

"Sa isang pinto?" patanong kong saad. Agad na kumunot ang kaniyang noo.

"Pinto?" Tumango ako sa kaniyang saad dahilan para siya'y mapatayo sa pagkakaupo sa malaking kahoy.

"Shit," rinig kong pagmumura niya bago ako hilahin patayo. Nagsimula na naman kaming tumakbo at hindi ko alam kung saan kami papunta.

"T-Teka, saan tayo pupunt—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mag-anyong lobo siya at agad akong pinasakay sa likod niya.

Damn, I still can't get over that this guy is a werewolf!

Napapikit na lamang ako dahil sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Humigpit ang aking pagkakahawak sa mabalahibong katawan ni Lucas.

Ramdam ko ang pagtigil niya kaya agad kong iminulat ang aking mga mata. Tumalon ako paalis at inayos ang aking buhok na gulo-gulo.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

We're... in a small town.

"Sundan mo ako." Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Lucas sa aking likod kaya ako'y napalingon. He's topless but he's wearing a jeans.

Where the heck did he get his clothes?

Napatingin ako sa gilid at makitang may sampayan doon ng mga damit. Napanguso naman ako bago sumunod sa kaniya.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now