Chapter 1

9K 273 57
                                    

Shit!

That is the only word that is running inside my panicked mind right now.

"Bumalik ka rito! Gago ka!" Agad akong napangiwi nang marinig ko ang pagmumura ng lalaking humahabol sa 'kin.

After he touched my ass?! He deserved it!

"Gago!" balik kong sigaw sa kaniya at lumingon sa lalaking humahabol sa 'kin para ngisihan.

Kitang-kita sa mukha ng lalaking humahabol sa akin ang inis dahil sa aking ginawa.

Tumutulo ang aking masaganang pawis sa noo at ramdam ko rin ang panunuyot ng aking labi.

Dahil sa aking panglingon na ginawa ay hindi ko napansin na dead end na pala ang aking nasa harapan.

Agad akong napahinto at natatarantang inilibot ang aking paningin sa paligid. Nang may makitang eskinita ay agad akong tumakbo papasok doon.

Sa rami ng nilusutan kong eskinita ay napatigil ako at hinihingal na sumandal sa pader. Napahawak ako sa aking tuhod at hinabol ang aking paghinga.

Fuck! Daig ko pa ang nakipagfun run!

Nakarinig ako ng mabibilis na yapak papalapit sa aking kinakatayuan kaya agad akong tumakbo papalayo.

Ayaw talaga ako tigilan!

"Nahuli rin kita," saad ng lalaking humahabol sa 'kin nang magkabungguan kami. Sa gulat ay natapilok ako at napaupo sa sahig.

Shit! Maling eskinita!

Malademonyo ang kaniyang ngisi at kitang-kita ang kaniyang nabubulok na ngipin. Napaaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin.

"Tutal naman madilim at masikip itong eskinita na 'to, p'wede na kitang parusahan dito," humalakhak ito at ngumiti ng nakakaloko sa 'kin. Binasa pa nito ang ibabang labi at pinasadahan ng tingin ang aking katawan.

Nandidiri akong tumingin sa kaniya at tumayo. Balak kong tumakas sa kaniya nang hilahin niya ang aking pulso.

"Tatakas ka? Walang tatakas!" nababaliw nitong saad.

Mukhang naka-drugs pa ata 'to! Damn!

Dahil sa inis ay tinuhod ko ang kaniyang gitna at tumakbo papalayo. Rinig ko pa ang malalakas niyang daing sa aking ginawa.

Kailangan kong tumakas. Kailangan kong tumakas. Kailangan kong tumaka—

Napatigil ako sa pagtakbo nang may makita akong kakaibang pinto.

As in, kakaiba talaga. Saan ka makakakita ng pinto sa gitna ng eskinita?

Agad na kumunot ang aking noo at dahan-dahang lumapit doon. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito.

Bagsak ang aking balikat nang makitang wala namang pinagbago ang loob pagbukas ko. Kita ko lang ang kasunod na eskinita. Parang butas lang.

Nataranta ako bigla nang makarinig ako ng mabibilis na hakbang sa aking likod. Dahil doon ay agad akong lumusot sa pinto. Agad akong natigilan pagpasok ko.

B-Bakit—Nasaan ako?!

"What the..." aking naisual dahil sa pagtataka at gulat.

I'm in the middle of a forest... with huge trees and tall grasses!

Napalunok ako at umikot para tingnan ang pinto sa aking likod. The door's still here.

Lumapit ako roon at pinihit ang sedura. Katulad ng dati, wala lang ito at butas lamang, mga halaman naman ang aking nakikita.

Pumasok ako roon at makitang nasa masikip na eskinita na naman ako.

What the actual fuck...

Sinampal ko ang aking sarili marahil ay nananaginip lamang ako. Napatalon ako sa sakit at nanginginig na umatras para makapasok muli sa pinto.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now