Chapter 14

2.3K 103 1
                                    

"Hindi ba ako magmumukhang tanga rito? Parang ang sikip nga e," naiilang kong saad habang inaayos ang aking suot na dress.

"Hindi... bakit? Bagay nga sa 'yo e,"nakadapang saad ni Di-A sa kama. Napalabi naman ako at sumulyap sa aking repleksyon sa salamin.

Nakalugay ang aking maikling buhok habang nakakulot ang dulo. Mayroon din akong light make up sa mukha para naman hindi ako magmukhang adik.

Kaya pala nawala si Tobias ng isang linggo ay magkakaroon ng engradong party sa kabilang bayan. Tumulong sa pagpaplano si Tobias at binilhan ako ng damit na susuotin para doon.

"Di-A, sigurado ka bang ayos ka lang dito?" paninigurado ko sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang paningin sa akin at tumango.

"Oo... tsaka andiyan naman si Lara," rason niya at matamis na ngumiti.

Kumunot ang aking noo. "Lara?"

Magsasalita na siya nang sabay kaming mapatingin sa pinto nang may kumatok doon. Dahan-dahang bumukas ang pinto nang may pumihit ng sedura ng pintong 'yon.

Pumasok ang isang batang pamilyar sa aking paningin. Nang mapadako ang paningin niya sa akin ay agad niya akong inirapan.

Napaawang naman ang aking labi dahil sa katarayan nitong taglay. This kid.

Nang bumaling ang paningin nito kay Di-A ay bumakas sa mukha nito ang kasiyahan.

"Di-A, let's go play at my secret playhouse!"

Napalingon naman ako kay Di-A na matamang nakatitig sa bata.

Well, hindi ko na masisisi na may crush si Di-A sa batang 'yan. Kahit bata pa ay marunong nang mag-ayos ng sarili.

Sinitsitan ko si Di-A dahil sa pagkatulala nito. "Bye, Di-A. Mag-ingat kayo," malakas kong saad at tinulak silang dalawa palabas ng aking kwarto.

"Ouch! Don't touch me!" rinig ko pang saad ng batang babae pagkasara ko ng pinto. Napairap naman ako sa hangin habang pinapagpag ang aking palad sa hangin.

Agad akong napatalon nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto. Shit!

Natataranta akong napasulyap sa aking repleksyon sa malaking salamin nang biglang bumukas na ang pinto.

My breathing hitched by just looking at Tobias who's wearing a tuxedo. Dang...

He looks like a greek god.

Nang magkasalubong ang aming paningin ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbaba't taas ng kaniyang adams apple. Pinagmasdan niya ang aking kasuotan, mula paa hanggang sa aking ulo.

Tumigil ang kaniyang paningin sa aking labi, ngunit agad na tumaas sa aking mga matang mariin din ang pagkakakatitig sa kaniya.

"Beautiful..." he whispered. Sapat na para sa aking pandinig.

Ramdam ko ang pagwawala ng mga paruparo sa aking tiyan. Napalunok ako at nag-iinit ang pisnging napaiwas ng tingin.

"Ikaw rin," nahihiya kong saad.

Wait... ikaw rin?

Ikaw rin?!

Mas lalo akong pinamulahan nang marinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa.

Fuck.

"I-I mean... you look handsome too," nakayuko kong saad. Agad akong napatigil nang hapitin niya ako sa bewang na may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

"Don't look down, my Angel. I want to see your angelic face," masuyo niyang saad habang mariing nakatitig sa akin.

Dahan-dahan naman akong napangiti roon at napanguso. "Ang corny m—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mabilis niyang hinagkan ang aking labi.

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now