Chapter 2

4.2K 204 25
                                    

Naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod. Tuluyan na akong napaluhod habang nakatingin sa kawalan. P-Paano ako makakabalik?

Nanginginig akong napamura. Hindi maaari...

Inis akong napasabunot sa aking sarili at pumikit nang mariin. Napabuga ako ng hangin at dahan-dahang tumayo. Ngayon ko lang nararamdaman ang basa kong buhok... at ngayon ko lang din naramdaman na normal na ang pagtibok ng aking puso.

Mahina kong pinukpok ang aking dibdib at inilibot ang aking paningin sa paligid. There must be a way...

"Please, there must be a way out," bulong ko at naglakad-lakad. Ramdam ko ang pangangatal ng aking katawan dahil sa kaba at lamig na nararamdaman.

Bumuga ako sa hangin at balak na bumalik sa talon. Nawala sa aking isipan na pinaalis pala ako ng estraherong lalaki na humalik sa 'kin doon kaya agad akong napatigil sa paglalakad.

Where do I go now?

Inis akong napasabunot sa aking sarili habang napapadyak. Nagpipigil akong sumigaw sa inis nang makarinig ako ng mahinang hagikhik sa aking gilid.

Dahil sa taranta ay naitaas ko ang aking kamay at iminewestra ito na parang namamaril.

"S-Sino 'yan?!"

Lumakas ang hagalpak na aking naririnig dahilan para lalo akong mainis.

"Tarantado..." aking naiusal at inilibot ang paningin sa paligid, at doon may nakita akong lalaking nakangisi habang dahan-dahang lumalabas sa malaking puno na kaniyang pinagtataguan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa hubad niyang katawan. Tanging pantalon lamang ang kaniyang suot at walang pangitaas na damit.

Agad naman akong napaiwas ng tingin at napalunok. Jusko naman... bakit walang pangitaas ang lalaking ito?

Rinig ko ang mahina nitong pagtawa at humakbang papalapit sa 'kin. Nakangisi niyang itinaas ang kamay para makipagkamay.

"Lucas nga pala, miss. Ikaw ba?" nakangisi niyang saad at kumindat pa sa akin. Hindi ko maiwasang pamulahan nang kumindat siya. Hindi ko na maiitanggi pa dahil makisig at g'wapo ang lalaking ito.

Mapupungay ang kulay itim niyang mga mata at makapal ang kilay. Hindi pa maalis-alis ang ngisi sa kaniyang labi.

Napatikhim naman ako at inabot ang kaniyang kamay. Mainit ngunit magaspang ang kaniyang palad. Halatang masipag at nagtatrabaho...

"Angel," sagot ko at ngumiti. Mas lumaki ang ngisi niya at pinisil ang aking palad. Agad ko namang hinila ang aking palad papalayo at nahihiyang napakamot sa aking pisngi.

Tumawa ito at tumikhim.

"Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo... Angel. Ngunit p'wede bang miss nalang ang itawag ko sa 'yo?" aniya at binasa ang ibaba ng kaniyang labi.

Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang saad.

"H-Huh?" saad ko dahilan para mapatingin siya sa aking labi. Agad naman niyang itinaas ang kaniyang paningin sa akin at labas ang ngiping ngumiti sa akin.

"Wala lang, miss..." kibit-balikat niyang saad at umiwas ng tingin. "... kiss mo 'ko," bulong niya dahilan para ako'y matigilan.

"A-Anong sabi mo?" nakataas ang kilay kong saad ngunit ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Humalakhak naman siya sa aking reaksyon at pinitik ang aking ilong dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Close ba kami?!

"Wala... ang cute mo," nakangisi niyang saad at naglakad papalayo. Naiwan akong nakatanga sa kawalan. A-Ano?!

Beyond the Door (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin