Chapter 8

2.8K 139 12
                                    

"A-Angeline..." bati ni Lucas. Napakunot ang aking noo at bumaling muli kay Tobias.

"Anong... ginagawa mo rito?" Nag-tiim ang kaniyang bagang sa aking sinabi at mariing tumitig sa akin.

"I should be the one who's going to ask you that... what the fuck are you doing here?" madiin niyang saad at pinipigilan ang sariling sumabog sa galit.

Napalunok ako sa kaba at napangiwi nang kumirot muli ang aking sugat sa braso. Nanlalabo ang aking paningin nang magsalita sa Lucas.

"Angeline... ano'ng nangyari? Sino ba 'tong gagong 'to—Angel!" Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ramdam ko ang pagbalot ng isang matipunong braso sa aking katawan at sunod-sunod nitong pagmumura.

"Damn it, Angel. What did you do? You're really bleeding," tumigil siya para magmura.

"Why? Goddamn it," sa pagpikit ng aking dalawang mata ay rinig ko ang huling sinabi ni Tobias.


"Hey... " I slowly opened my eyes when someone caressed my cheek. His familiar brown eyes is the first thing I saw.

I looked around and realized that I'm here at his huge bedroom, again.

"Why am I here again?" I grunted. Ayoko dito...

Umayos ako ng higa at umupo. Napalunok ako nang maramdaman ko ang ginawa niyang pag-alalay sa 'king likod. Binalewala ko ang kuryenteng nararamdaman at bumaling sa kaniya.

"Nasaan si Lucas?" His eyebrows raised. Jaw clenched.

"He's dead," he answered.

Natigilan ako sa kaniyang sagot at nanlalaking matang napatitig sa kaniya. Anong...

Seryoso siyang nakatitig sa akin nang unti-unting gumuhit sa kaniyang magkabilang labi ang isang ngisi.

"So damn cute. I'm just kidding... stop making that big face, I can't help but to smile," nakanguso niyang saad, pinipigilang ngumisi.

Agad naman na nagsalubong ang aking kikay at masama siyang tiningnan. "Gago," pabulong kong saad at umiwas ng tingin.

Tumikhim naman siya nang malakas sa aking sinabi at tumayo sa pagkakaupo sa kama.

"Stop cursing... it doesn't suit you," seryoso na  niyang saad.

Napanguso na lamang ako at umiwas ng tingin sa nakakapaso niyang titig.

"Look at me..." marahan niyang saad, sinusubukang hulihin ang aking tingin. Ngunit mas iniwas ko ang aking tingin para hindi ko makasalubong ang kaniyang tsokolateng mga mata.

"Tsk, napakatigas ng ulo mo," madiin niyang saad.

Mas lalo akong napanguso at umirap sa hangin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga at marahan akong hinawakan sa aking baba para magkasalubong ang aming tingin.

Mahina akong napasinghap nang magtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso. What's happening on me? Why am I feeling this?

"Don't you dare hurt yourself, again... okay?" mahina niyang saad. Bakas sa kaniyang mata ang pag-aala.

Napalunok naman ako dahil doon. Saka ko lang mapagtanto na dahan-dahan na akong tumatango.

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin nang dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Tinawid niya ang layo ng aming mukha upang sakupin ang aking labi.

I was stunned... yes. This is my second kiss!

I can feel his soft lips brushing on my lips. The tingling sensation. I can feel it... on my face... lips...

Beyond the Door (Completed)Where stories live. Discover now